You and I

155 5 3
                                    

Ang storyang ito ay Inspired po sa Music Video ni Park Bom na YOU AND I. Ahihi! Naisipan 'ko lang po. :)

Isipin niyo nalang kayo yung bida. :) 

" Mahal na mahal kita, Jenny ko. " nakatayo kami sa garden na sobrang ganda at sobrang daming bulaklak

" Mahal na mahal rin kita, Kaizer ko" Eto na yung favorite part koo!! Eto na! 

Unti-unting lumalapit ang mga muka namin....

At...... 

Konti nalang!!!!! 

" HUY JENNY! Anak! Humahaba na naman nguso mo! Nagdeday dream ka na naman! " bumalik ako sa katinuan ng gulatin ako ni mama, kaya napatumba ako sa pangalumbaba ko.

" Mama naman eh! Magkikiss na kami ni Kaizer eh! " sabi ko ng medyo nagtatampo.

" Kiss kiss ka dyan! Huy, ikaw anak ah! Mamaya magtampo na si Kaizer sayo! Anong oras na oh! Mamaya kanina ka pa inaantay! " napatingin ako sa orasan at nagmadaling kinuha ang dadalin kong mga pagkaen at ang susi ng scooter ko..

" Ma! Alis na po ako! " ngiti 'kong sabi 'kay Mama habang ako ay palabas na ng bahay at dumiretso na sa scooter ko.

" Mag-iingat ka! Ikamusta mo 'ko 'kay Kaizer, Anak! " sigaw ni mama habang nasa kitchen. May window ang kitchen naman, kaya kita kung saan nakaparada ang scooter ko. 

" Yes, Ma! " kumaway ako kay mama paalis. 

Habang nagddrive ako, napapangiti ako sa mga batang naglalaro sa gilid. 

Naalala ko nung mga bata pa kami ni Kaizer...

Ay! Ako si Jenny Sy. At ngayon naman ay pupuntahan ko ang one and only true love na bestfriend kong si Kaizer! 

Malapit lang naman ang pupuntahan ko, kaya scooter nalang ang gamitin ko, kesa naman magpadrive pa ko! 

Nang makarating ako sa ospital...

Yep! Nasa ospital ako, at si Kaizer naman ay naka-confine sa loob dahil siya ay na-diagnosed na may Diabetes.

At nasa severe stage na ito,

Umabot na sa puntong hindi na siya nakakalakad, kaya ako ang isa sa pinaka tumutulong sakanya. (^u^)V

" Hi Ate nurse! " bati ko sa nurse pagkapasok na pagkapasok ko na nasa reception. Kilalang kilala na ko dito. Kasi madalas ako... Ay!! Lagi pala akong nandito.

" Uy! Jenny! Hello! Kanina ka pa inaantay ni Kaizer sa kwarto niya ah! " sabi ni ate nurse na may hawak na board. 

Ngumiti ako sakanya " Sige po, Ate nurse! Mamaya magtampo na sakin yun! " 

" Sige, Jenny! " tska ako nagpatuloy sa paglalakad at sumakay na ng elevator. 

Nakaprivate room naman siya kaya... 

* TING!! * 

Ay! Nandito na pala ako, naglakad na ko papunta sa kwarto niya at onti onti itong binuksan...

Sinilip ko muna siya ng onti at nakita kong hawak hawak na naman niya ang camera niya.. 

" Ang tagal tagal kong nagantay sayo tapos mag-gugumanyan ka pa? " sabi ni Kaizer habang hindi inaalis ang mga mata niya sa screen ng camera

Nagwave ako sakanya " Hi, Bespren! " tska pumasok ng tuluyan at isinarado ang pinto. 

Nilapag ko muna ang mga dala ko sa table at tumabi sakanya, may isang couch sa tabi ng kama niya. Pinalagay niya talaga yun para sakin. Nux! 

You and I // #WCto13kTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon