Until it reaches you(one shot)

104 4 10
                                    

UNTIL IT REACHES YOU

Written by: MissShiningStar

©Copyright. All Rights Reserved 2013 by MissShiningStar

----------------------------------------------------------------------

"Riya! Si Rie oh! Dali!!"

"Tsk! Wag ka ngang maingay Yna! Mamya marinig ka niyan eh!" Di halatang bulong ko sa kaibigan ko.

Nakita niya kasi si Rie ang two years na crush ko.

Kilala niya ko, oo. Kasi iisa lang naman kami ng course at dahil kakaunti lang naman ang fine arts lahat ng ka-course ko ay natural na magkakakilala.

"Andito na siya sa room Riya!" Sabi niya na naman sakin.

"Yna! Wag ka ngang maingay! Nakikita ko naman eh!"

Ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung nalalaman ng crush ko na crush ko siya. Nakakahiya naman kasi eh!

Alam kong halos lahat ng kaklase ko na alam na nila na crush ko si Rie at hindi ko naman alam kung nakarating na ba sa kanya yun.

Nasa classroom kami nun at nagpi-painting nung pumasok siya sa room umalis naman kasi yung professor kaya pumasok si Rie. May mga kabarkada kasi siya na classmate ko.

Busy ako nun sa pag pi-paint ng may nag.....

"Hi Riya! " siya! Siya yung nag-hi sakin. Yung mga kaibigan ko nagsimula na kong asarin. Pulang-pula na nga yung mukha ko sa kaasar nila.

Gwapo si Rie kaso hindi siya ganon katangkad...pero kahit na! Sobrang galing niya kasi sa basketball kaya lalo ko siyang nagustuhan.

"Yiiieehhh~~~Riya~~~"

"Pasaway ka Jen! Inutusan mo yun si Rie na mag-hi sakin eh! " si Jen isa sa mga kaibigan ko at dahil nga na parehas silang varsity kaya medyo close sila. Nakita ko kasi si Jen na lumapit ka Rie bago to mag-hi sakin.

"Cute mo..." yun lang yung sinabi ni Jen saka umalis.

Nagkaroon ako ng pag-asa sa twing nagha-hi siya sakin. Kaya lagi kong hinihiling na sana maabot ko na siya. Para kasing ang layu-layo niya sakin kahit na binabati niya na ko.

Sa bawat araw na batiin niya ko agad agad kong sinusulat kung anong araw niya ko binabati. Gusto ko kasing maalala lahat yun. Kahit yun lang.

Kaso ....

Isang taon ang lumipas may nagpakilala sakin. Ka-batch ni Rie at take note! KAIBIGAN niya. Si Mik. Si Mik na simula first year pa lang ako ay gusto na ako. Stalker nga kumbaga eh. Sabi niya niya sakin manliligaw daw siya.

Pake ko ba sa kanya? Eh si Rie yung totoong gusto ko. Masama na kung masama pero ang sinabi ko sa kanya ....

'Ayoko pa magboyfriend saka na pag nakatapos na ko'

Kasinungalingan lahat ng sinabi ko. Hindi ko kasi masabi sa kanya na si Rie ang gusto ko.

Natatakot ako na pag nalaman niya na si Rie ang gusto ko ay maygawin itong masama kahit na kaibigan niya pa si Rie.

Halos everyday niya kong kinukulit pero sinusungitan ko lang naman. Sa sobrang inis ko sa kanya kinompronta ko siya at nasabi ko sa kanya na si Rie nga yung gusto ko.

"Sorry........" sabi ko sa kanya. Saka ko siya iniwan.

"Maghihintay ako..."

"Bahala ka..." yun na lang yung nasabi ko.

Gabi noon ng may matanggap akong text galing kay Rie.

Sobrang saya ko kaya nagpaload ako kahit na hindi naman ako mahilig magtext first time kong makareceive ng text galing sa kanya.

Until it reaches you(one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon