PALPAK NA DISKARTE (0ne shot)

207 4 2
                                    

PALPAK NA DISKARTE

 

 [bago ko simulan ang estoryang ‘to, nais kong pasalamatan ang aking dakilang pinsan na nagbigay saken ng malalaki at maliliit na ideya kung paano ko gagawin ang estoryang ‘to. Buti nalang talaga at gumala ako sa araw na ‘yun at nagkakwentuhan kami. ‘yon lang po ang singit na nais kong iparating. SALABAT! ^____^]

Kwentong probinsya ito. Sa mga taga probinsya, sigurado makakarelate kayo dito. ^__^ at sa mga palpak na tao, makakarelate ka din dito. Yun lang at basahin nyo nalang ang nilalaman kung ikaw ay hindi tamad. BOW!

[BITTERCUPCAKE’S POV]

Maagang-maaga gumising si Ginger. Alas kwarto palang ng madaling araw nag-ayos na siya ng kanyang sarili at ng kanyang mga paninda sa kanilang baryo. May pwesto kasi siya sa kanilang mumunting palengke doon.

Si Ginger ay isang babaeng matangkad, maputi, hindi payat at hindi rin mataba, slim kumbaga. Hehe! Mahaba ang buhok na sobrang itim dahil katas ng niyog ang kanyang ginagamit para gawing shampoo. Makinis din ang kanyang balat dahil ang kanyang sabon ay ang dinikdik na dahon ng papaya. Maputi din ang kanyang ngipin at walang amoy dahil asin ang kanyang ginagamit pang toothbrush. Maganda si Ginger, hindi alam ng bayan ng Tag-abaca kung saan nanggaling si Ginger, basta’t bigla nalang siyang napadpad dito at nagnegosyo.

Ang kanyang negosyo ay ang pagtitinda ng sibuyas.

        “nandito na nga po pala ang mga luya na inorder nyo Aling Kurdapya.” Narinig nalang ni Ginger na sabi ng lalaking nagdeliver ng mga luya sa katabi niyang nagtitinda ng luya.

Tinignan niya ang lalaki at napansin niya ang ayos nito. Ang buhok nito ay pinakulayan ng pula at lila. May mga hikaw din ito sa tenga, marami! Makapal ang eyeliner nito sa gilid ng mata at kumakain pa ng chewing gum na Pintura na naging dahilan upang magkulay itim ang kanyang labi. Nakadamit ito na kulay itim, tapos may kwentas ito na Reggae. Pati ang kamay nito ay halos mapuno na ng bracelets na reggae ang design. Nakapantalon din ito na skinny tapos naka tsinelas. Mukhang adik, emo, gangster at punk. Hindi mo siya maiintidihan kasi baduy ang kanyang porma. Matangos nga lang ang ilong ng lalaking-weird at maputi ang kanyang balat.

Napaisip si Ginger, ‘what kind of organism is he? He looks like a parasite.’

“hi miss. Kanina mo pa ako tinitignan ah, gusto mo’ko no?” ngumisi na parang aso ang lalaki.

Nagulat naman si Ginger nang magsalita ang lalaki.

“I don’t like you. In your dreams.” Sabi niya at tinuon niya na ang kanyang pansin sa mga paninda niya.

“hey, why yu ar yu no Englis? Yu fram Amireyka?” tanong noong lalaki na nahihirapan mag English.

Marunong naman talagang mag-tagalog si Ginger, pero naiinis siya sa lalaki kaya naman nag-e-English siya dito.

“don’t talk to me, stupid!” sabi niya sabay irap sa lalaki.

“yu no girl, I like yur sibuyas.. yu no sibuyas is? Uhmm sibuyas is my nim. but yu nu, dis boy, I min, man hir es cute and hansam so col mi Onion!” sabay kindat ni Onion kay Ginger.

[pagpasensyahan nyo na ang spelling, ganyan kasi talaga ang pagkaka pronounce ni Onion sa mga English niya eh!]

“you’re so funny, you know that? Stop speaking in English because you are not good on it. You’re pissing me off.” Inis na sabi ni Ginger.

Naiinis na talaga siya sa lalaki kasi naman feeler ito. Akala nito gwapo na siya sa kanyang porma.

“yu ar reeli swit. Wat es yur nim?” cool na sabi ni Onion.

PALPAK NA DISKARTE (0ne shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon