Hanggang Dito nalang Tayo.

381 3 4
  • Dedicated kay 'Eli Topps
                                    

November  4, 2013 -

It’s been 5days after ng hiwalayan namin, sobra akong nalungkot, nasaktan…. akala ko kasi hanggang dulo na...  Akala ko lang pala lahat….

Hindi naman kami naging legal both sides pero may nakakaalam na mga kaibigan namin... Gustong gusto ko sya ipakilala kaso di ko magawa kasi naunahan ako ng takot, kasi di pa naman din ako pinapayagan magka bf. Makulit lang talaga ako kaya sinuway ko magulang ko. (Hehehe)

Anyway, my name is Eli fernandez. 2ndyear college lang ako at yung sinasabi ko naman na naging boyfriend  ko ay si Jhomari Escama. (Gwapo sya… matangkad.. Hindi mataba, Hindi rin payat. SAKTO LANG. mabait naman kaso may pagka Suplado, masungit!! Pero Ang cute nya pag nagsmile, kasi may dimple J)

 4thyear college naman sya at pareho kaming 18 yrs. Old..  Taga Binangonan sya at ako taga Marikina.. may bahay din kami sa Binangonan,dun nakatira yung mga kamag anak ko. halos malapit lang bahay nila samin… Kaya naman magkakilala na kami noon palang.. Pero hindi naman kami naging magkaibigan, SUPLADO kasi  eh….

JUNE  15, 2013* (In a relationship w/ jhomari Escama)

Eto yung araw na naging kami…. Sobrang saya……. Gumawa pa sya ng isang Account para lang magrequest ng relationship status syempre ako, Accept naman agad!…  Yung Halos gusto ko ng  tumalon  sa sobrang kasiyahan kaso hindi pwede kasi may makakakita….. (Hahaha) Eto yung unang araw…. Napaka sweet, Yun bang mararamdaman mo talaga na Mahal na mahal nyo ang isat-isa…. Syempre sino bang di matutuwa na kapag naging KAYO NG CRUSH MO?? DIBA?? Opo, bata pa lang ako crush ko na sya… yung mga sweet messages nya nga napopost ko sa Instagram ko, masabi lang na may BOYFRIEND AKONG SWEET. yeeeeeeeeeeeeeeeee

Pero Sabi nga ng iba sa “una lang yan” pag nagtagal na kayo…. Unti-unting mawawala pagiging sweet nyan…..

Uhmmmmm… I considered ko ‘to na long distance relationship kasi malayo kami sa isa’t-isa.. magkaiba din kami ng schedule Panggabi kasi sya, eh ako, pang umaga nama. kaya naman pa minsan minsan lang kami nagkikita, Tuwing Friday at Saturday nga lang ata eh -____- minsan nga sa mismong school nya na ako naghihintay para lang magkita kaming dalawa.. mas matagal pa paghihintay ko kesa sa oras na nakakasama ko sya… (Wala e, Ganun talaga..Mahal ko kasi e)

Nakalagpas naman kami ng  1month……….. Akala ko nga wala ng  2months eh, pero meron naman pala… Nakaabot din kami ng 3months na away bati….. At syempre 4months na di ko alam kung may kasunod pa….

Minsan nawawalan sya ng time sakin kasi busy sya masyado sa studies nya, Syempre as a girlfriend, iniintindi ko nalang sya.. kasi alam ko nakakadagdag na din ako sa problema nya.. Pero never ako nawalan ng time sa kanya… Pag may load ako tinetext ko naman sya…. Pag wala naman akong load chinachat ko sya para lang malaman nya na okay Ako…. Syempre ganun din naman sya sakin.. Madalas din kaming nanonood ng sine…Mahilig kasi sya manood ng mga movie.. Nagkiss na din kami, (Di naman mawawala yun) pero sa totoo lang, tahimik ko pag kasama ko sya… di ako makapagkwento sa kanya. kasi Lagi naman ako barado dun… Ang lakas naman nya kasi mang pikon -___- kaya naman Inaantay ko muna syang magsalita bago ako.. Speechless ba… Pero tinatry ko naman na hindi na mahiya sa kanya…

Madalas din kasi kaming mag away ng dahil sa gantong issue… Yun ang tahimik ko nga daw pag kasama ko sya….

Text Message:

Jhomari:  Nahihiya ka pa ba saken???

Ako: na alin po?

Jhomari: kasi pag kasama kita, di ka nag uusap… ang tahimik mo..

Ako: sorry, Pag kaharap kasi kita di ko alam kung bakit antahimik ko… nahihiya ako talaga..

Jhomari: nakakasawa pag ganyan….

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanggang Dito nalang Tayo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon