chapter 3 ★

59 2 0
                                    

"Letting go isn't about giving up. It's

about accepting that there are things

that cannot be."

*****

Acel's PoV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko nag-aayos para sa reunion namin. Kinakabahan ako at the same time excited. Tama naman si Xyrile eh dapat kalimutan ko na sya marami pa naman dyan. Handa na kong mag Let go ayoko nang mag stay sa nakaraan ayoko nang masaktan pa kaya ngayon napagdesisyunan ko na Magmomove On na ko bubuksan ko ang puso ko para sa iba.

*Tok* tok*

"Anak nandito na si Xyrile bumaba ka na " - Mama na nasa labas nang kwarto ko.

"Sige ma" Sigaw ko. Muli akong tumingin sa salamin at huminga nang malalim .

"Kaya mo yan! Mag momove On ka na" - Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Pagkatapos ay bumaba na ako at nakita ko na ang kaibigan kong si Xyrile.

"Wow! ang ganda mo talaga! so tara na ?" Xyrile

"Sige tara na" Sabi ko na nakangiti.

habang nasa byahe kami papunta sa event na pupuntahan namin ay panay ang kwento ni Xyrile pero ako tahimik lang. nag-iisip kasi ako kung paano ko sya haharaping muli, kung anong magiging reaksyon nya. Haiii! tama na nga ! Pano ba ko mag momove On kung iniisip ko pa rin sya . Tanga ko talaga!

" huyy! andito na tayo bruha! ano ba yan may sarili kang mundo. hala sige baba na dyan sa kotse" - Xyrile na nakalabas na pala sa kotse .

"Eto na wait lang!"

~~~

* Inside the Event *

"Hayyy ang daming tao! baka nandito yung mga crush ko dati" Xyrile na tuwang tuwa -____-

"Hanap tayo nang table Xyrile " Sabi ko.

"Doon tayo kanila charmaine" Xyrile. Sila charmaine ang mga naging kaklase namin dati.

"Acel !!! Ang ganda mo pa rin !" Sabi ni Charmaine nang makarating kami sa table nila at niyakap ako.

"Kailan ba pumanget yan babe?" Sabi ni Hans .

"Oh my god! kayo pa rin?" Sabi ko nang hindi makapaniwala dahil simula 1st yr. college kami ay sila nang dalawa.

"Naman girl! Actually engaged na kami" Masayang sabi ni Charmaine.

"Haha! Congrats" - Sabi ko.

"Ikaw kamusta ka na? May bago ka na bang jowa?" - Tanong ni Charmaine sakin.

"Ahh eee..." Naputol ang sasabihin ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na nagsalita sa likod ko.

"Guys!! Kamusta kayo? Nice to see you here!" Sabi nya sabay lapit samin. Nabato ko sa kinauupan ko dahil nasa tabi ko sya nakatayo.

"Okay naman kami" sabi ni Xyrile na biglang tumingin sakin matapos nyang sabihin yun.

"Acel, Long time no see. kamusta ka na ?" Tanong sakin ni Ryan. Hindi ko alam ang isasagot ko pero nung naalala ko yung sinabi sakin ni Xyrile ay nagkaroon ako nang lakas nang loob upang sumagot.

"Ok lang ako Ryan .. Ikaw kamusta ka?" Balik tanong ko.

"Ok lang ako ah sige guys alis muna ko " Ryan sabay alis

"Eh di umalis ka wala naman napigil sayo wag ka na ring babalik" Rinig kong bulong ni Xyrile.

"Ladies and gentlemen. May gusto lang kaming iAnnounce. Mr. Ryan Cruz and Ms. Diane Santibañez are now Engaged lets give them around of applause. Congratulations to the two of you" Sabi nang MC na sinabayan nang palakpakan nang mga tao.

Umakyat sa stage sina Ryan at ang Babaeng pakakasalan nya. Ngayon alam kona kung bakit nya ko iniwan. Talong talo ako sa ganda nang babaeng mahal nya.Gusto kong umiyak nang mga oras na yun pero pinanghahawakan ko parin ang kagustuhan kong mag move on. Nagpaalam ako kay Xyrile na pupunta muna ko sa garden . Oo na masakit nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. Nang makarating ako sa garden ay bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Masakit pa rin pala talaga kahit anong sabihin ko na kakalimutan ko na sya..

"Acel?" Bigla akong napatigil sa pag-iyak nang marinig ko ang boses na yun. Pinunasan ko ang luha ko , humarap sa taong yun at sinabi na....

"Congrats Ryan. Best wishes" Sabi ko sakanya sabay alis sa lugar na yon na nasasaktan.......... <///3

~~

A/N: hey yow p'pol haha^^ kinukulit kasi ako nang friend ko eh kaya yan nag update na ko. Ui miss makulit ayan na po^^ vote & comment plsss.... ;)

&quot;Fix my broken heart &lt;///3&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon