The One That Got Away

59 1 0
                                    

bakit ngayon lang ulit pinagtagpo

 dapat ba itong isisi sa tadhanang mapaglaro? 

 sana noon ka pa nakita

 noong puso mo'y malaya pa


 sa hindi tamang pagkakataon

 damdamin ko ay hindi umayon

 ngayong pagaari na ng iba

 tama bang mahalin ka pa? 


puso ko noo'y nag alinlangan

 pagibig mo ay aking iniwasan 

 maraming taon ang lumipas 

ala-ala mo'y hindi pa rin kumukupas 


 hindi na maibabalik ang panahon 

mapait na kahapon ay dapat ng ibaon 

marahil hindi nakalaan para sa isa't-isa

 ang maging "TAYO" ay wala ng pag-asa

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon