Mystery guy

151 3 1
                                    


Hayst Tnx its Sunday malaya akong makakagala.

! Hoo ! Hoo ! Parrrty Peeeooople ." Sigaw ng Dj

Nandito ako ngayon sa isang sikat na bar kasama si kierra. Nakakabored kasi sa bahay 1 week na kasi akong stranded dahil kay mommy buti nalang at nasa business trip sila.Ngayon I'm finally free, yuhooo !

Wala akong ibang ginawa kundi 1 shoot doon and another tagay dito. Uminom lang ako ng uminom hard drinks na nga yung kinuha ko para effective.

"Hi miss inom kapa ouh pagkatapos nito pwede na kitang i'one night stand" Ani isang lalaki na parang multo,, di ba nya alam na bawal akong lapitan ng isang pangit.

"Excuse me but i dont entertain monster like you" agad akong tumakbo nakakatakot na kasi yung mukha nya,pero hindi paman ako nakakalayo may biglang pumulupot sa katawan ko. Waaaah ! Tulong diyos ko

"Bakit ka biglang umalis ha ? Ayaw mo bang tikman ang katawan ko." bulong nya mula sa likuran ko

"Get off of me, rapist. Tulooong ! " Nangiginig kung sigaw.

"Saka na miss beautiful kung matikman na kita" bigla akong hinila ng lalaki papunta sa parking area ng bar. Huhu -,- kierra nasan kaba tulungan mo ako ayaw ko pang may makakuha ng virginity ko lalo na dito sa pangit nato. Tulooong !

Sinubukan kung umalis mula sa pagkakapit nya sa akin ngunit kahit anong pilit hindi ko na masyadong naigalaw ang katawan ko siguro dahil lasing na ako. Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumigaw ng sumigaw nagbabasakaling may makarinig sa akin.

"Tuloong---" hindi ko na tuloy ang pagsigaw ko dahil kumuha ng baril ang lalaki at itinutok ito sa ulo ko.

"Kung 'di ka titigil sa pagsisigaw mo ipuputok ko itong baril dyan sa ulo mo" pananakot ng rapist na lalaki sa'kin.Saka ako pinagsasampal ng lalaki.

Wala akong ibang nagawa kundi ang tumahimik, pinikit ko ang mga mata ko dahil sa sobrang takot. Ohhh my ayoko pa'pong mamatay. Sa ilang minutong pagpikit ko saka ko lang napansin na wala ng kamay na nakahawak sa akin,minulat ko ang mata ko nagbabasakaling nandito paba ang taong gustong magsamantala sa akin. Sa aking pagmulat saka ko napansin na nakahandusay na ang lalaki sa sahig.

"Ohh my ?? " speechless akong nakatingin sa lalaking tumulong sa akin ? Oo mayroon ngang tumulong sa akin hes my saviour ^,- ang bait nya he save my life.Gusto kung makita ang buong mukha nya masyado na kasing madilim sa paligid kaya hindi ko masyadong nakikita ang hitsura nya.Pero sa dating nya alam kung ang gwapo nya.
"Hey,. Pwede bang lumapit ka sa akin nanghihina na kasi ako tulungan mo akong makatayo plss." Pagmamakaawa ko sa lalaki
"Sapat nang niligtas kita, tatawag nalang ako ng guard para dalhin ka sa hospital" sabi ng lalaki na hanggang ngayon hindi ko parin gaanong nakikita ang mukha.
"Wait, may i know you ?" Pinilit ko ang sarili ko na makatayo para malapitan siya .Pero kahit anong pilit hindi ko na maigalaw ang sarili ko dahil siguro sa mga natamo kung sugat sa pagsasampal ng lalaki sa akin.
"Im Chl--" hindi ko natuloy ang pagpapakilala ko dahil bigla nalang akong natumba.Hinang-hina na ako gusto ko nang magpahinga.
"Miss, gising. Naku ! Halika dalhin na kita sa hospital"

Ito na ang huling narinig ko sa paligid dahil bigla nalang akong nahimatay.

--St. Vincent Hospital

"Chloe,chloe gising na oyy. Marami ka pang mission sa mundo kumapit ka muna ha. wag mo akong iwan plss"
Sigaw ni kierra habang tinatapik ang kamay ko.

Unti-unti kung binuksan ang mga mata ko. Puro puti ang nasa paligid ko my goosh ! Nasa heaven naba ako ? Lord wag nyo po muna akong kunin hahanapin ko pa po si Mystery guy.

"besh paano na yung mga pangarap natin kung wala kana" patuloy parin ang pagtatapik ni kierra sa kamay ko.

Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga ko
"Nasa heaven na ba ako my goosh hindi pwede hahanapin ko pa si mystery guy" takot na sigaw ko .

"Wow ang O.A ha nakakita ka lang ng magandang babae tulad ko langit agad.Tutal mukha naman akong anghel sa ganda :P " pang aasar ni kierra.

"Psh. Ikaw naman kasi eh ang O.A mo may pa sigaw sigaw ka pa na. Gising na marami ka pang mission sa mundo,saka paano na yung pangrap natin. Psh. Sa mga sinabi mo parang gusto mo na akong patayin haleeer .Ang masamang damo matagal mamamatay" pagmamaktol ko .
"bakit ka naman kasi lumayo sa akin ayun tuloy muntik ka nang marape ng lalaking yun" ani kierra habang hinahanda ang mga gamot ko
"Salamat talaga kay mystery guy dahil niligtas nya ako. Siya nga pala sinong naghatid sa akin dito sa hospital ?" Pagtatanong ko kay kierra curious na kasi ako eh.
"Hindi ko nga rin nakilala eh. Pero sabi ng nurse lalaki daw,siya na nga yung nagbayad ng lahat ng mga gastusin dito sa hospital.Mukhang mayaman yun ah." Siya ang naghatid sa akin ? Waah. Hindi ko man lang nakita yung mukha nya saka hindi man lang ako nagpasalamat. Ang sama ko talaga
"Wag kang mag alala pumunta yung isa sa katulong nya dito siya nga sana yung magbabanatay sayo.At saka nagpasalamat na din ako dun sa yaya na ipindala nya dito" bestfriend ko talaga tong si kierra pati iniisip ko alam na nya hayst.
"Salamat besh. Salamat na din para doon sa hero ko. Sana naman makilala ko siya para makapagsalamat man lang ako sa kanya.Ang bait nya pati yaya nya ipinadala nya para mag alaga sa akin wow ha"
"Buti ka pa may saviour kana. besh baka kung makita mo yan mainlove ka dyan ha" pang aasar ni kierra sa akin
"Inlove'in mo mukha mo, haleer I dont believe in love.Kailan man hindi ako maiinlove nu." Galit na sagot ko kay kierra.Totoo naman talaga , kahit kailan hindi ko kayang magseryoso sa isang lalaki,I just played them masaya ka ya yun ano.
"Grabi ka talaga besh, baka makarma ka niyan ha " pagmamaktol niya.
"Karma ? Haha naniniwala ka doon . Psh wala yun sa akin ano" pagdedepensa ko
"Aish iwan ko sayo .Talaga bang wala nang pag asang mainlove ka sa isang lalaki ?" Tanong ni besh sa akin at saka umupo sa tabi ko.Hinawakan nya ang kamay ko at saka nagtanong ulit "besh, hindi ka ba natatakot sa ginagawa mo ? baka babalikan ka nang mga lalaking niloloko mo" Inalis ko ang pagkakahawak nya sa kamay ko
"Ang O.A mo hindi ako natatakot nu.Ang importante masaya ako sa ginagawa ko" ang oa na talaga nitong si kierra ilang ulit ko bang sabihin sa kanya na hindi ako kailanman maiinlove.
"Ayyyy." Pagsisigaw ni besh.Ang lalim pa nang iniisip nya para lang baliw tong babaeng to' ayst.
"Bakit ka nagsisisigaw dyan. Para kang baliw"
"Besh, baka yang si mystery guy na ang maging daan para mainlove ka.Kung siya talaga hahanapin ko siya saang lupalop man nang mundong to' para sayo, para lang magbago kana" kilig na kilig pa talaga ang bruha.
"Ewan ko sayo" tipid na sagot ko sa kanya

Paano kung makita ko nga si mystery guy maiinlove kaya ako sa kanya ? Haysst basta isa lang ang alam ko hinding hindi ako maiinlove kahit sino man ayokong masaktan.

"Whatever the result ,I will still find you Mystery Guy"

Bulong ko sa sarili..

End of Chapter

Excited na kayong malaman kung sino si Mystery guy ? Haha pareho lang tayo :) Enjoy po guys. Lovelots

Bad Girl's Love Where stories live. Discover now