Estasyon

5 0 0
                                    

nang ako'y iyong iwan
nais kong malaman ang iyong pupuntahan
lumipas ang mga araw, linggo at buwan
ngunit di pa rin kita malimutan

habang tumatagal, lalo akong nangungulila
masasayang aalala laging ginugunita
subalit mayroong mga tanong sa isipan ko naiisip mo rin kaya ako?
nararamdaman mo rin kaya ang nararamdaman ko?

tuwing ako'y papasok sa pamantasan
ikaw ang laging hanap
mata ay laging alerto
laging naghahanap sayo

aking mahal, dumating na ang araw
araw na pinakahihintay
araw na muli kang nasilayan
at ang araw na nagmarka sa puso ko

nang muli kang makita, iba ang saya
ngiti ko ata'y abot langit na
subalit agad ding napawi nang mapatingin sa iyong tabi
napangiwi sa sakit na dulot nito sa aking dibdib

ang tangi kong naiisip sa mga oras na iyon
"ako dapat yan eh!"
"ako dapat ang may hawak ng kamay mo!"
"ako dapat ang kasama mo!"
pero wala eh, sino ba naman kasi ako?

sa estasyon na aking kinatatayuan
masyado na ata akong nagtatagal
kailangan ko na atang lumisan
akin nang ipagpapatuloy ang biyahe ng buhay

nang ako'y iyong iwan
nais kong malaman ang iyong pupuntahan
lumipas ang mga araw, linggo at buwan
at ngayon naisip ko na dapat na kitang kalimutan
at ang ating matamis ngunit masakit na nakaraan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tula (Compilation) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon