Ava! Ang Bitterrrrr!

38 2 3
                                    

Ava POV

Kanina pa ako naiinis dito sa magkapareha na nasa kabilang lamesa malapit sa lamesa namin ni Mishi. Kung makapag lambingan kasi akala mo hindi na sila magbe-break. 

Tsssh! 

Kung hindi ko pa alam ang likaw ng bituka ng mga lalaki baka naniwala talaga ako na mahal ni lalaki itong si babae.

Ako nga pala si Ava Alipio! Bitter man sa inyong paningin, atleast Maganda Ako.

"You two will you please get a room, nakakahiya na ang pag pi-PDA nyo." Sita ko sa pagkapareha na nasakabilang lamesa. Nakakainis kasi, kulang na lang kumandong na si babae kay lalaki at mag sex sila.

"Ava anu ba? Let them do what they want." Balik sita sakin ni Mishi

"Anung let them do what they want ka jan?nakita mo nang nasa public place tayo tapos ganyan ang inaasta nila, aba naman kung hindi nila dala ang hiya nila sa katawan 'di ako na lang ang magpapaalala sa kanila." Mahaba kong litanya habang nakatingin sa kabilang lamesa.

Hindi na lang ako pinansin ni Mishi at yung dalawa sa kabilang lamesa ay bigla na lang umalis, pinagtitinginan na rin kasi sila ng ibang tao.

Nandito kasi kami ngayon sa isang park, mag aaral dahil malapit na ang finals, kaya lang hindi nga ako makapag aral dahil sa dalawang yun, at tuluyan ng nawalan ng ganang mag aral.

"Anu bang problema mo at pati yung dalawa sa kabilang lamesa ay pinakealaman mo?" Kunot noong tanong sakin ni Mishi

"Wala naman! Bored lang ako" Kibit balikat kong tugon

"Bored? O umiral nanamn yang pagiging bitter mo?" Halatang naiinis ni sakin si Mishi. Panu hindi lang ito ang unang beses na may sinita akong magjowa, pang apat na ata ngaung araw na ito yung sinita ko kanina sa kabilang lamesa.

"Hindi kaya!" Patay malisya kong sabi

She sigh! Then close the book na kanina pa niya pinag aaralan. At saka timingin sakin ng seryoso.

"Will you please move on and get a life, ako ang nahihiya kapag may sinisita kang magjowa, kung hindi lang kita kaibigan matagal na kitang iniwasan." Naiiling niyang sabi

"Kaibigan ang turing mo sakin pero ikinakahiya mo ako." nakaingos kong sabi

"Gaya nga nung sinabi doon sa dalawa kanina, kung naiwan mo sa bahay ang kahihiyan mo ako na ang magpapa alala sayo." Sabi nya at saka muling binuklat ang librong nasa harapan niya

"So ayaw mo na akong maging kaibigan? Ganun ba?" Paawa epek kong sabi

Muli niyang isinara ang librong binabasa.

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin, ang sakin lang ayoko nang maulit ung nagyari nung nakaraang araw, na muntik na akong makapatay dahil sayo." Paalala nya sakin na may halong pangongonsensiya.

Naalala ko yung sinasabi niya. Nasa isang mall kami noon. Makiki pag eye ball sana itong si Mishi sa lalaking nakilala niya sa internet. Kaya lang dahil sa pag arangkada ng pagigng bitter ko at katabilan ng dila ko napaaway kami, hindi si Mishi lng pala.

Kasi bumalik yung magjowa na sinita ko, akala naming kung anu na ang gagawin sa amin, nagulat na lang kami ni Mishi nang biglang buhusan kami ng palamig.

Sakto naman na dumating na yung ka meet ni Mishi at kitang kita nito kung panu sinugod ni Mishi yung babae.

And the rest is epic fail. Dinala kami sa security office, hindi natuloy ang date ni Mishi, hindi na ulit nagchat yung lalaking nakila ni Mishi sa internet, nagalit siya sakin at muntik na niyang i-unfriend. Mabuti na lang talaga at mahal ako nitong si Mishi.

"Nung ngini ngiti mo jan?" Sita niya sakin

"Wala! Naalala ko lang yung adventure natin sa mall nung isang araw" I grin so wide

Habang siya ay umirap lang sakin.

'Dark Mhacky'

I Love You Bitter AvaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon