Schoolmate

5 2 1
                                    

    MAXWELL DAWN WAYLAND

“Kuya Max gising na tatanghaliin tayo nyan ”sigaw sa tenga ko ng kapatid kong bunso na si Maggie

“Di ako bingi Maggie di mo kailangan isigaw sa tenga ko” sigaw ko

“Eh kasi nga kuya malelate na tayo!Cleaners pa naman ako”mahinang sabi nya

“Eto na nga sabi ko nga babangon na ko oh” sabi ko at umupo

“Sige kuya the best ka talaga bilisan mo ha!”sabi nya

“Nangbola pa opo bibilisan ko!”sabi ko at lumabas na sya.Linock ko na ang pintuan at pumasok na sa banyo upang maligo

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis
na ako at bumaba na sa kusina

“Good morning son”bati ni mama

“Good morning Ma”bati ko

Umupo na ako at simula ng kumain

“Kuya sino ba talaga girlfriend mo si ate Stacey,si ate Lorraine,si ate May,si ate Carol,si ate Louise,si ate Rhianne,si ate bianca,si ate Angel,si ate Anna,si ate Karylle,si ate Catherine,si ate Queen,si ate Tiffany o si Ate Hopey”nagtatakang tanong ni Maggie

Nasamid naman ako sa tanong niya

Natawa naman sila sa tanong ni Maggie

“Nako bunso wag mo ng tanungin yang kuya mong babaero”sabi naman ni Ate Maddieson

“Hard mo naman sakin ate!”sabi ko at hinawakan ang dibdib ko at umakto na nasasaktan

“Wag kang gumanyan di bagay sayo panget!”pangaasar ni Kuya Martin

“Kaya pala ang daming nagkakandarapa sakin!”pagmamalaki ko

“Oo na lang sino nga pala yung magandang babae na kasama mo sa silungan kagabi?”tanong ni Kuya

“Ah si Lindsey!bakit type mo?”tanong ko

“Hindi no may Sheena na ako wag mo ko gayahin sayo loyal to uy!” sabi ni Kuya

“Tama na satsat mga pogi kong anak pumasok na kayo baka malate pa kayo!”utos ni Papa

Nagpaalam na kami kila mama at lumabas na

“Ako na maghahatid kay Maggie magingat kayong dalawang panget! ” sabi ni ate

“Sige na te ingat din kayo una na ako ”sabi ko at sumakay na sa kotse ko at pinaandar na ito

Pagkalipas ng kinse minuto ay nakarating rin ako rito

“Hi Max” bati ni Andrei kateam mate ko sa basketball

Tinanguan ko na lang sya at nagpatuloy na sa paglalakad

Humarang si Lorraine sa dinadaanan ko

Tinaasan ko sya ng kilay

“Babe date tayo later!” sabi nya at nagpacute

“May lakad ako mamaya eh sa susunod na lang ” sabi ko

“Sige” sabi nya at hinalikan ako sa cheeks at umalis na

Pumasok na ko sa classroom buti na lang wala pa si Mrs.Torrefranca terror teacher yun eh nakakatakot

Maya maya ay dumating na si Mrs.Torrefranca

“Good morning students”bati nya

“Good morning Mrs.Torrefranca” bati namin pabalik

Today I'm going to discuss the blah blah blah

Nakakatamad namang makinig dito

Pagkatapos ng 124456789 na taon joke ng 1 oras nagbell na rin

“Class dismiss”sabi ni Mrs.Torrefranca

Nagsilabasan na kami

Naglakad lakad ako sa hallway may napansin akong babae na natutulog
Sino kaya yun?masilip nga

Pumasok ako sa loob ng classroom at lumapit dun sa babaeng natutulog

teka si Lindsey yun ah

“ Ikaw” sigaw ko nagising naman sya

“Ay pwet ng kalabaw”sabi nya haha ang cute ng expression nya pag
nagugulat

“Sa gwapo kong to sasabihan mo ko ng pwet ng kalabaw”sabi ko

“Ikaw naman kasi nakakagulat”sabi nya

“So dito ka rin nagaaral” tanong ko tumango lang siya

“Kain na tayo libre ko” aya ko

“Masyadong maingay sa cafeteria wag na lang” Sabi nya

“Hindi wala ng masyadong tao dun na sa field sila ngayon nanonood ng laban”sabi ko

“Sige ba” sabi nya

tumayo na siya

“dalin ko na libro mo” sabi ko

“sige di ko na tatanggihan yan” sabi nya at inabot ang libro niya

 AlmostWhere stories live. Discover now