Manhid ka

98 4 5
                                    

I was just thinking of someone when suddenly this story invade my toughts
Happy reading!
Please play the video On the media while reading para mas dama ang pagbasa:)
-----------------------

"Beh tara canteen tayo"

"Huh?" Medyo nagising ang diwa ko nang tawagin ako ni Mikyla

"Haystaa yan kananaman sa pagpapantasya mo sa mukhang unggoy mong crush...
Sabi ko punta tayo sa canteen! Tss"

Pinalo ko nga siya sa braso niya

"Yabang mo! Parang yung crush mo nga napakabakulaw"

Tinignan niya ako ng masama kaya ginantihan ko siya ng tingin maya maya sabay kaming tumawa ang baliw namin noh?

Si crush kasi matalino uhmm medyo pogi? Mabait tsaka tahimik
Yun nga lang tsss.. Mahilig sa anime eh kabaliktad naman sa gusto ko na mahal na mahal ang kpop at kdramas huhuhuhuhu kaya hayun hindi ko pinapahalata na may crush ako sakanya kaya pinapaubaya ko nalang sa tadhana kung para sa isa't isa talaga kami.. Yung nga lang may crush siyang iba actually ang tagal na last year pa pangalan niya Mikyla sino siya? YUNG MISMONG BESTFRIEND KO ANG SAKET DIBA?!
Eto naman si gagita hindi niya namamalayan na may crush pala sakanya yung crush ko..

"Hoy babae! Ginagawa mo nanaman ba akong tanga?"

"Huh?" -_-

"Kanina pa ako nagsasalita dito kung anong gusto mo kung red tea ba o blue lemonade di mo naman ako sinasagot, bestfriend pa rin ba ang tingin mo sakin?"

Hayyy eto nanaman siya.. Pagiging drama queen ang pinapairal

"Tsss. Tangek! May iniisip lang ako..."

"Ano naman ang iniisip mo? O baka naman sino? Si unggoy nanaman Haayy mga nagagawa talaga ng peg ebeg"

"Hahahahahahaha inspeaking of unggoy...."

Tama nga siya nakikita ko na si mylabidabs ko kasama pa ang mga kaibigan niya na papalapit SAMIN?! habang sinusuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kamay in just one swift move. nanginginig na ang mga kamay at paa ko gayundin ang buong sistema ko

Tumigil siya sa harap namin "uuhhmm mikyla pwede ba ta---tayong magusap bb--bukas importante kasi yung sasabihin ko sa--sayo eh"

Tumingin muna si mikyla sakin, nakita ko sa gilid ng aking mata na mukhang kinakabahan parin si Kean (si Mylabidabs ko)

"At ano namang paguusapan natin?" Siguro kung hindi lang ako nakikita ni kean kanina ko pa to sinapak sa sobrang katarayan hay, ang sama talaga niya sa mylabidabs ko huhuhu

"Basta importante............Importante na kailangan tumatak sa isip mo" mahina ang pagkakaksabi niya sa mga sumunod na linya. parang nanlumo at gusto kong maiyak sa aking mga narinig. Pero kailangan ko lunukin ang mga nagbabadyang luha na gustong tumakas.. Para sa bestfriend ko. para pagdating ng panahon na mahalin niya rin si kean hindi niya na aalalahanin ang nararamdaman ko para sakanya

"YOWN OHHH!!"

"YASSS WERE GETTING NEAR MGA BROS SASABIHIN NA NI PARENG KEAN ANG DATI PA NIYANG ITINATAGONG FEELINGS HAHAHAHAHAHA"
Ang sakit sa tenga pakinggan ng mga sinasabi ng tropa niya hindi lang sa tenga pati narin sa damdamin ko

"Hahahahaha yeah just wait mga bruh" sabi ni kean habang nakatingin kay mikyla na ngayon question mark face lang ang ipinapakita na mukha


"Geh, Geh saan ba tayo magkikita at anong oras?" Masungit na tanong ni Mikyla

"Uuhhmm--mm Sa third floor sa Abandonadong building ng s-school nan-at-tin tsaka ll--unch b-break s-sana"

"Ah k."

"Sige! Hahaha U--Una na k--kami"
At tinalikuran na nila kami

"Ano naman kaya sasabihin non ni Unggoy?" Tanong niya sa sarili niya

"Siyempre yung nararamdaman niya para sayo" bulong, pero tagos sa puso na sambit ko

"Ano beh? May sinasabi ka ba?"
Nagulat ako dahil nakatingin na pala siya sakin

"Ahahahaha Wala beh, bakit? May narinig ka ba na nagsasalita ako? Hala! Wala naman akong natatandaan na nagsasalita ako Hahahahaha" mukha na akong tanga dito kakatawa

"Ahhh ganon ba? Kala ko kasi may sinasabi ka"

~kinabukasan~

Naglalakad ako papunta sa Classroom ng makita ko sa may pintuan si Mikyla

"Hoy babae!!"

"Ano yon mikyla?" Haysst

"Samahan mo naman ako mamayang lunch break bwiset kasi yon si unggoy eh sa abandong building pa! Eh marami ngang usap usapan na madaming multo na nagpapakita sa lumang building nayon tss"

"Ah ganon ba sige" matamlay na sagot ko pero nagawa ko paring ngumiti alang alang sa bestfriend ko..

----------

"Hoy babae! Bilisan mo nga maglakad nakakatakot na kaya ang bagal bagal mo pa"

Kahit nanginginig na ang tuhod ko sa kaba sa mga bibitawang salita ni kean sinubukan kong tumuwid sa paglalakad para hindi makahalata si Mikyla

Eto na, nakikita ko na Si Kean kahit malayo palang tanaw na tanaw ko na siya at mukhang pinagpapawisan sa kaba

"Uy Tiffany ano sama ka? Tara na bilisan mo kaya maglakad"

"H-ha? Wag na dito nalang ako mukha kasing importante talaga yung sasabihin ni Kean sayo eh"

"WOOW BABAE! kailan ka pa nahiya lapitan si Unggoy?--"

"Sige na Mikyla, pumunta ka na doon mukhang naghihintay na siya sayo.."

Hindi na sumagot si Mikyla at lumapit kay kean actually sila lang dalawa ang nakikita ko doon kaya imposible na andon ang tropa niya

Kahit malayo sila naririnig ko ang mga sinasabi ni kean
"Mikyla, makinig kang mabuti ah kasi napakaimportante ng sasabihin ko sana matandaan mo lahat ng sasabihin ko sayo" sabay hawak niya sa kamay ni Mikyla
Bumubuo na sa mata ko ang luhang nagbabadyang tumakas sa mga mata ko

"Nung una kitang makita sobra sobra na akong nahulog sayo kaya simula noon, nag aral ako ng mabuti para maging 1st section ako, para maging kaklase kita hindi ko alam kung bakit ako nagkaganon basta ang alam ko lang ang saya saya ko na binago mo ako, At gusto kong magpasalamat kasi dumating ka sa buhay ko, ngayon na magkaklase tayo, dati palang gusto ko nang aminin sayo ang nararamdaman ko kaso nga lang pinangunahan ako ng takot. Takot na baka ireject mo ang feelings ko para sayo takot na ngayong nahulog na ako sayo baka hindi mo ako masalo kaya ngayon, lulubusin ko na ang pagkakataon na aminin sayo na Mahal na Mahal ki---"

Ayoko na! Ang sakit sakit marinig ng mga katagang iyon! Hindi ko talaga alam kung bakit hindi niya ako mapansin, andito lang naman akong nagkakagusto sakanya, mas ginusto niya pa mahalin ang taong hindi naman siya mah---




























"Kita tiffany. Mahal na Mahal kita kaya please lang sana wag mo balewalain ang nararamdaman ko para sayo"
Naramdaman ko ang init ng pagyakap niya sa likuran ko habang pinupunasan ang luhang lumandas galing sa mga mata ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 01, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Manhid ka (one shot)Where stories live. Discover now