My Terror Boss
PROLOGUE
Nagmamadali si Zach papasok sa Starbucks dahil hinahabol niya ang oras para sa kanyang job interview. Pagkapasok niya sa Starbucks ay dumeretso na agad siya sa counter at nag order.
“Miss, one Caramel Frappe. Paki double time lang”
“Okay Sir. We’ll even make it triple time.”
Binayaran na ni Zach ang order niya. May inilapag na frappe ang cashier at may nakasulat na “Amber” sa baso nito. Napalingon si Zach sa may hagdanan at may nakita siyang babae na pababa ng hagdanan. Isang babae na naka salamin at old fashioned. Tiningnan niya ang kanyang relo at agad niyang kinuha ang frappe na nasa counter kahit na hindi niya pangalan ang nakasulat dito. Lumapit sakanya ang babae na naka salamin at nagsalita.
“Amber din ba ang pangalan mo?”
“Huh?”
“Amber kasi ang pangalan ko at order ko yang hawak-hawak mo”
“Ah ganoon ba”
At dahil nagmamadali nga si Zach at ayaw na niyang hintayin ang order niya, He took a sip on the frappe and even tried to spit a saliva on it.
“Sorry Miss ha. Nakita mo naman siguro na nabawasan at may laway ko na ‘tong order mo, kaya sayo nalang yung order ko. Bye”
Pagkatapos noon ay umalis na siya at hindi na binigyan pa ng pagkakataon ang babae na makasagot. Naiwan na lamang si Amber na sobra ang inis sa lalake.
BINABASA MO ANG
My Terror Boss (ON HOLD)
RomanceAnong gagawin mo kung ang boss mo ay ubod ng sungit at taray? Makakaya mo bang magtrabaho kasama ang isang tulad nya? Makakayanan kaya ni Zach Rodriguez na makasama ang kanyang TERROR BOSS na si Amber Fletcher? Happy Reading! ♥