Chapter 2

39 2 0
                                    

Chapter 2

Zach was on his way out of the building when he heard someone calling his name. He turned around and saw Amber’s office staff running after him.

“Mr. Rodriguez, mabuti nalang at naabutan pa kita. Pinapasabi po ni Ma’am Amber na tanggap na kayo sa trabaho at pwede na kayo magsimula bukas”

“What??? Hired na ako?? Eh wala naman siyang sinabi na tanggap na ako. In fact, ang sabi niya hindi ako suitable sa company na ito dahil wala raw akong experience sa isang Telecommunications”

“ay naku Sir. Pagpasensyahan nyo nalang po si Ma’am Amber. Wala kasing lovelife kaya laging mainit ang ulo. HAHAHAHAHA”

“eh talagang hindi yun magkakaroon ng lovelife dahil napaka sungit nya.”

“masasanay rin po kayo sa katarayan ni Ma’am. So, see you tomorrow Sir!”

“yeah. Thanks!”

Umalis si Zach sa gusali ng may pagtataka. Iniisip niya kung bakit bigla nalang nagbago ang isip ni Amber at tinanggap siya sa trabaho. Hindi niya inaasahan na matatanggap pa siya dahil halata naman na ayaw nito na maging magkatrabaho silang dalawa.

Kinabukasan, maagang gumising si Zach dahil iyon na ang unang araw niya sa trabaho. He reached the company at exactly eight o’clock. Binati siya ng lahat ng mga ka-opisina niya. Binati rin niya ang mga ito at nginitian. Ngunit, bigla nawala ang kanyang ngiti dahil isang galit na galit na Amber ang sumalubong s kanya.

“bakit ngayon ka lang? Unang araw mo palang sa trabaho, late ka na agad!”

“late na po ako? Eight o’clock palang naman po Ma’am eh”

“Mr. Rodriguez, office hours starts at 7:30AM. And you are already 30minutes late to be exact! My God!”

“I’m really sorry Ma’am. Hindi na po ako male-late bukas. Pangako po yan”

“dapat lang! Baguhan ka palang pero may bad performance ka na agad. Anyway, kunin mo na yung mga files doon sa file cabinet at ayusin mo ang pagkaka-compile nun”

“hmp. Ang sungit talaga”

“may sinasabi ka Mr. Rodriguez?”

“ay wala po Ma’am.”

“oh! Anu pa ang hinihintay mo? Gawin mo na ang inuutos ko sayo!”

Agad-agad na lumabas si Zach mula sa opisina ni Amber. Pinuntahan niya ang isa niyang officemate para tanungin kung saan nakalagay ang mga files na tinutukoy ng tigre niyang boss.

“hey, tatanungin ko lang sana kung saan nakalagay ang mga file cabinets? May inuutos kasi saakin si Ma’am tigre, este si Ma’am Amber”

“HAHAHAHA. Bakit naman tigre ang tawag mo kay Ma’am? The first room on the corner near the elevator, nandun yung mga files”

“eh parang tigre yan si Ma’am eh. Umagang-umaga nakabusangot agad. Grabe”

“ganyan talaga yan si Ma’am. Mabait naman yan kahit laging highblood”

“mabait? Eh parang wala nga yan kahit konting kabaitan sa puso niya eh”

“yan ang akala mo. Sige na, gawin mo na ang inuutos sayo na Ma’am. Baka mapagalitan ka nanaman nun”

“sige. Maraming salamat, Kate”

“okay. You’re welcome, Zach”

Natapos naman agad ni Zach ang pinapagawa sakanya ni Amber, kahit na gabundok na files ang pinaayos nito sakanya. Napatingin siya sakanyang wrist watch. Dahil medyo naging abala siya sa pagaayos ng mga files, hindi na niya napansin na lunch break na pala. Dahil tapos na rin siya sa pinapagawa  sakanya, napagpasyahan niyang bumalik na sakanilang opisina.

Pagpasok niya sa opisina ni Amber, napansin niya na parang masyado itong seryoso sa binabasa nito dahil hindi man lang nito napansin ang kanyang presensya.

“ehem. Ma’am, tapos ko na  po yung pinapagawa nyo. Baka po pwede na po akong maglunch?”

“okay. You may take your lunch”

“kayo po Ma’am? Hindi po ba kayo kakain?”

“huwag mo akong papakialaman, okay?”

“sorry po. Sige po, lalabas na po ako”

Lumabas na si Zach sa opisina ni Amber dahil baka masigawan nanaman siya nito. Meanwhile, after Zach went out of Amber’s office. Amber stood up and took her packed lunch from the refrigerator. She didn’t know that Zach was still there near her office door, looking at her while she’s having her lunch.

AN//:

Hope you enjoyed reading! Please vote and comment! Thanks and love you!

-infinityandbeyond15 ♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Terror Boss (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon