Psalm's Dream

53 1 4
                                    

A/N: Etu na ang more stories beh @xennamon... thanks sa message :D :D please read Unanswered Wishes kung gusto mong makilala pa si Psalm, Darren and Terrence. love yah!



Psalm's Dream ؛

--
-TERRENCE's PoV

"P-Psalm, Psalm... Psalm!!" Napatingin ako kay Darren ng tatlong beses nyang inulit na tinawag si Psalm. Ang taong mahal ko na mahal rin ng kapatid ko.

Napatitig ako sa kanya. Akala ko gising sya kasi nagsasalita sya. Nakatulog pala sya sa couch.

Busy akong naglalaro ng COC. Hindi parin kami madalas nag-uusap ni Darren pero mas ayos na ito kesa noon.

Napangiti ako ng mapait. Magkapatid talaga kami ni Darren. Pareho kaming mahirap mag-move on.

Kung ako siguro si Darren. Hinding hindi ko pakakawalan ang babaeng mahal ko.

Kung hindi naman kasi sya isa't kalahating tanga, masaya parin sana sila ngayon ng ex-girlfriend ko

Magkapatid nga kami, pareho kaming gago at tanga.

Napabuntong hininga ako.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko. Mag-a-attack na sana ako pero mas mahal ko ang kapatid ko kesa sa mahal kong COC.

Ayoko man syang gisingin pero kailangan. Baka nababangungot na sya.

"D-Dan... nananaginip ka!" Tawag ko sa petname naming pamilya sakanya. Niyugyog ko ang balikat nya.

"Fvck!" Anas nito pagkatapos nitong bumalikwas ng bangon.

Napamura din ako ng lihim ng makita ko ang kumawalang luha sa mata nya.

Ilang linggo palang silang hindi nagkikita pero kitang kita na ang pagbabago ng itsura ng kapatid ko.

Nangingitim ang paligid ng mata nito. Wala na din ang sigla ng mata nito na palagi kong nakikita sakanya. Nimpis ang pisngi nito at bakas dito ang paghihirap ng loob.

"Magbbyahe na tayo pauwi sa probinsya. Mag-ayos ka na." Mahinang utos ko.

Tumango lang ito saka tumayo papuntang kwarto nya.

Kalahating oras lang ng lumabas na ito na nakabihis.

Nakapagbihis na ko kanina pa at handang ng umalis kaya tinigil ko na ang paglalaro.

"Tara." Maiksing sabi ko. "Ikaw nalang mag-lock nitong bahay."

---

-PSALM'S PoV

"Ma, pauwi na ako." Sabi ko ng masagot ko ang tawag.

"Okay, nak. Ingat ka." Masiglang bilin nya sakin na ikinangiti ko.

Nagpaalam na ako bago ako sumakay ng bus na pagsasakyan ko.

Nakapa-reserved na ako ng tiket kaya okay na ang pag-uwi ko.

Uupo na ako sa designated seat ko ng may nakita akong nakaupo."Excuse me, Kuya. I think that seat belongs to me." Maayos kong sabi.

Lumingon naman sakin ang lalakeng nakaupo.

"Psalm?" Natulala ako ng makita kong si Terrence.

"Anong ginagawa mo dito?!" Namamangha kong tanong.

Tumawa sya sa tanong ko. "Pauwi na ko samin. Ikaw?"

"Ako din." Nakangiti kong sagot.

"Ah. Kasama ko si Darren." Alanganin nyang sabi

Natulala ako sa sinabi nya. Sakto namang narinig ko anh boses ni Darren.

"Kuya, may candy ka ba?!" pormal nitong tanong kay Terrence. Napatitig ako sa mukha nya.

He looked different. Haggard to be exact.

"Wala e!" Mahinang sagot ni Terrence. "Psalm may candy ka?!" tanong ni Terrence sakin.

Naglabas naman ako ng candy sa bag ko at inabot kay Darren.

"T-Thanks." Narinig kong bulong nya. "Yellow na naman." Dugtong nya. Napangiti ako ng nakita ko ang tipid na pagngiti nya.

I missed that smile.

"Ano ba kasing nangyari sainyo ni Darren?!" mahinang tanong sakin ni Terrence ng nawala sa harapan namin si Darren.

Nagkibit balikat ako.

"Binabanggit nya palagi ang pangalan mo kahit tulog sya."

Napasinghap ako sa bulong ni Terrence.

Napangiti nalang ulit ako.

--
To Be Continued~~~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 16, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Psalm's Dream (ONE SHOT)Where stories live. Discover now