ELEHIYA PARA KAY LOLA VILMA
Araw nang noo'y nagkita tayong dalawa
Nakangiti ako at masayang-masaya
Habang kumakaway aking mga kamay
Aking natanaw ngiti mo na walang humpayNaramdam ko na naman ang kasiglahan
Ako'y tumayo agad sa aking kinauupuan
At dali-daling tumakbo papalapit
Upang ikaw ay mahagkan ng mahigpitPalubog na ang araw dumidilim na,
Ngunit sakanila ako'y naghapunan pa
Upang magbigay sakanila ng ngiti,
Ngiti na walang katumbas na salapiNgunit isang walang kamalayang araw
Ako ay nasa loob ng aming tahanan
Nakaupo at nakatingin sa malayo
Ngunit may balitang sa aki'y nagpaguhoTuhod ay nangatog, luha ko'y nahulog
Hinihintay masilayan siya muli
Na makita ko muli kaniyang ngiti
Para mabawasan naman aking pighatiAng puso ko ay tila ba nabibiyak
Ang nararamdaman ko ay hindi tiyak
Sapagkat nais ko pa siyang mayakap
Kahit na nawala siya sa isang iglapNang kinabukasang magawak ang dilim
Araw'y namimintanang mata'y nagniningning
Nakita kong nakahimlay na sa kama
Lumuha ako at pumunta sakaniyaHinawakan ng mahigpit kanyang kamay
Pinipilit ngunit ako ay nalulumbay
Ikaw sakin ay tunay na magandang alaala
Kaya paalam na, mahal na mahal kita.