Epilogue - Introduce Yourself

67 1 0
                                    

Ang pagmamahal ay di lamang nakikita at nararamdaman.

Di ito simpleng bagay na ibibigay at babawiin lamang.

Ang mas masaklap lang ay may mga bagay na di na muling maibabalik pagkatapos ng lahat nang pinagsamahan.

At sa huli, ikaw at ikaw parin ang maiiwanan at mawawalan.

Sa isang paaralan kung saan may isang klase na kanya-kanya ang pag-uugali, may kanya-kanyang karanasan sa buhay, at lalong-lalo na ang may kanya-kanyang sekreto na tinatago. Di sila naiiba sa ibang studyante pero sa status nang buhay nila ay malalaki ang agwat na meron sila. Ito ba ang magiging dahilan upang mapalayo sa isat-isa o ito pa ang magiging dahilan para magbago ang buhay na meron sila?

Chapter 1 - 

Ako si Michaella Eden Gerdon for short "MEG", isang 2rd year student, Architect ang course ko at transferee, varsity player sa larong volleyball simula pa highschool at mahilig sa gulo lalo pa't sinasaktan ang mga mahal ko sa buhay. Isa akong drag racer DATI at kilala sa pangalang "MAED" short for "Most Aquired for Early Death", ewan ko kung bakit yan pinangalan sakin. Hahaha xD Si Jham lang ang nakakaalam nito dahil hindi ko kailan man sinabi ang tunay na pagkatao ko at tumigil na sa pagkakarera pagkatapos nang isang trahedya.

(a/n=MAED read as MAID)

MEG's POV

"Ano ba Jham ang tagal mo naman eh!"

"Teka, hinahanap ko pa yung make-up kit ko." sagot niya.

"Make-up!? Para saan ba yan? First day of school pa kaya ngayon?" Takang-taka ako.

"Hay naku! Kaya nga mas dapat magpaganda tayo kasi baka may mga transferee." excited na sabi niya at may pastar-star pa ang mata. Parang engot naman tong babaeng ito -_-

"Good Morning John!" bati ko sa nakakatandang kapatid ni Jham na lalake habang naglalaro nang PSP. First year college din siya sa malaki at kilalang skwelahan sa buong mundo pero may pagkabipolar din ito paminsan-minsan. At as usual, tinaas lang ang isang kamay at bumalik sa ginagawa niya.

Kaya ayun, papunta na kami nang school habang nakasakay sa magara at bagong sasakyan nila Jham. Oo nga pala, di ko nasasabi na magkababata kami at bestfriend. Neighbor lang namin sila at close ang family namin dahil sa negosyo. Kumpara sa amin, mas mayaman sila dahil malaki ang shares nila sa kumpanya kesa samin pero may ikabubuga din kami sa buhay.

JHAM's POV

Hi! Langya itong si Meg, di man lang ako pinakilala ng mabuti. Siya nga pala, ang buong pangalan ko ay Jhamaica Veedan, 17 years old at half-american ako. Nagtransfer kami para sa ikabubuti ni Meg. Tourism ang kinuha ko naman, mahilig kasi akong mgtour eh. Di naman kami mayaman masyado, konti lang. hahaha xD  Alam ko ang sekreto ni Meg dahil halos sa pagluwal nang magulang ko sa mundong ito ay nagkasama na kami. Masaklap ang naging karanasan niya kaya di ko siya pinapabayaan at sinasamahan sa lahat nang gusto niya. Di ko siya masisisi kung bakit iba siya sa ibang babae at mas malala pa ay baliktad kami. Kung gaano ako kasossy, ganun din siya kaboyish pero mahal ko talaga yan kahit ganyan yan ^___^v

At nakarating na kami ng school! Excited ako. Pagkapasok namin sa loob ng skwelahan, nakatingin samin lahat nang estudyante. Di dahil sa ganda ko pero dahil kay Meg na masama ang tingin sa akin.

"Ano?"

"Wala." Sagot niya.

Di niya ako pwedeng saktan dahil mahal niya ako! WAHAHAHA :D

 ----------- Flashback -------------

JOHN's POV

"Hoy engot, ba't ganyan suot mo?" tanong ko kay Meg.

"Ano namang masama dito?" sagot niya.

"Ang baduy mo! Magbihis ka!"

"Ayoko." sabi niya.

"Sayang ganda mo. Tsk' para kang sira."

Aba! Nagblush ang engot. Infairness ang cute niya. Pero ang panget talaga nang suot niya! >.<

"Sis, ikaw na bahala sa kanya. Baka mapahiya kapa sa school pagkasama mo ang engot na yan na ganyan ang suot. Kawawa ka naman." sabi ko habang palingo-lingo ang ulo.

"Talaga kuya? Ano gagawin nila sa amin? Ipapasalvage? Ipapakain sa buwaya? Oh My God! Ayoko nang ganun! Ayoko !"

Exagge nman tong kapatid ko kung makapagreact.

"Uyy Meg, magbihis ka baka first day of class mapahamak tayo. Alam mo namang alam lahat ni kuya lahat ng estudyante dun. Maawa ka naman sa ganda ko oh."

Pagmamakaawang sabi nang kapatid kong maganda ^^

"La akong pampalit." sagot ni Meg.

Ano kaya problema nang babaeng ito at ganyan ang reaksyon niya. Ang coooold O.o

"Kuya driver na pogi, daan muna tayo nang mall oh. Pleaaaase." - Jham

"Malelate na tayo Jham!" pambara ni Meg.

"Sir, dadaan po ba tayo?" tanong sakin ng driver.

Naghihintay sila nang sagot ko. Nagpapacute ang kapatid ko para pumayag lang ako. Oo ba o hindi? La naman kasi akong pakialam sa babaeng yan eh kaso nakakaawa naman tong kapatid ko kaya tumango nalang ako at niyakap ako agad ng kapatid ko.

-------- End of Flashback ----------

MEG's POV

Kung nagtataka kayo kung bakit nakatingin sila lahat sakin ay di ko rin alam. Kung di ko lang mahal ang magkakapatid na ito, matagal ko natong pinapatay eh. Buhay nga naman -_-

"Besty! Magsmile ka naman oh. Bago tayo dito sa mga mata nila tapos pangit payung impression nila satin." sabi ni Jham habang nakasimangot.

Mahal ko nga kaya ayun, nagsmile NALANG ako. Para atang may napapansin ako ah!

Tingin sa kanan ..

Tingin sa kaliwa ..

Tingin sa likod ..

Tingin sa harap ..

O_________O

Ang gagwapooooooo pero ang angas nang dating! Tsk'

Twisted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon