Ang Yabang!

12 1 0
                                    

JHAM's POV

Ang gwapo nila ! Sobra ! Parang mga anghel na nahulog sa langit ..

At PAPALAPIT SA AMIN ! Kyaaaaaah ^_______^

"Hi. Im Eric." sabi nung boy na may nakalagay na headset sa leeg.

Dahil natulala ako sa kagwapuhan nila, di ko napansin na hawak na pala ni Meg kamay ko.

"Siya si Jham. Excuse me." sagot niya at hinila ako pero bago kami nakalayo may narinig kami na sinabi nung kasama ni Eric.

"Walang respeto." sabi nung lalakeng nakavarsity jacket.

Nilingon ni Meg at ang mas malala pa ay binalikan niya. Patay! Gulo ito >.<

MEG's POV

"Pakiulit nga ng sinabi mo."

"Bingi kaba? Ang sabi ko wala kang respeto kasi tinatalikuran mo yung kausap mo." sagot niya.

"Ng.excuse naman ako diba? Bingi ka rin pala. Tsk" sabi ko habang ngumiti ng kaunti.

"Anong nginingiti mo jan?" tanong niya.

"La kang pakialam."

"Wag kang ngumiti, lalo kang pumapangit." nagtawanan lahat nang mga estudyante sa paligid namin.

"Wala kang karapatang sabihin yan." nagsisimula nang lumuha mata ko at naalala ang nangyari. Gusto ko siyang saktan dahil sa sinabi niya. Di totoo sinabi niya. Mali siya ! Nakakuyom na mga kamao ko.

Niyakap ako bigla ni Jham at may binulong siya. Bumalik ulit ako sa katinuan ko. Nasa school pala kami.

Umalis nalang kami at bigla akong sumigaw sa lalaking yun nang,  "ANG YABANG MO ! Di ka naman kagwapuhan!" at nagbleeh:P pa ako. Hahaha

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MIRO's POV

Don Miro Cedrick Lorgeon ang pangalan ko. Second year at Engineering student sa swelahang ito. Kilala ang grupo namin dahil varsity kami sa volleyball at mahilig mangarera sa daan. Naging hilig na namin yan dati eh at mas nagiging popular kami dahil sa kagwapuhan namin at ang malala pa ay parents ko ang bumuo nang school na ito. Di naman yun mahalaga eh. Ang importante nalang ngayon ay kung sino ang babaeng yun at kung umasta parang di kami kilala.

Naglalakad kami papunta sa room namin.

"Pare, bakit nakatulala ka jan?" tanong ni Eric.

"Iniisip mo yung babaeng nakasalubong natin kanina noh?" - Jeric

"Hala pare! Wag mong sabihin na nainlove ka dun?" pasigaw na sabi ni Val.

"Tumahimik nga kayo. Ang iingay niyo!"

Tumahimik naman sila at parang nakitang naiirita na ako. Nagsisisihan pa sila. Nga naman oh -_-

"Siya nga pala pare, transferee yung dalawang yun kaya wag kang mag-alala. Di kana babastusin ulit nun." natatawang sabi ni Eric habang tumakbo na papunta sa kabilang classroom.

Bago ako pumasok, tinakpan ko ang dalawang tenga ko dahil alam ko na ang mangyayari.

3

2

1

Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaah !!!

MEG's POV

Nasa likuran ako nang room ko, la akong kakilala dahil kakalipat lang namin at nasa ibang department si Jham. Ang saklap ! T.T

 Naalala ko na naman ang nangyari at gusto kong umiyak. Naubob nalang ako sa mesa ko hanggang sa biglang sumigaw lahat nang mga kaklase kong babae.

"Ang gwapo talaga ni Don." - G1

"Sinabi mo pa." - G2

"Teka girls, lalapitan ko ha?" -Leader nila.

Biglang may tumabi sakin pero dedma lang ako.

"Excuse me miss, pwede ka bang lumipat?" tanong nung girl.

Tinaas ko ulo ko at WOW ! Ang ganda naman niya ^^

May kumilabit sakin sa kanang bahagi at pagtingin ko naman WOW ! Ang gwa--

Teka ..

Processing …

Loading ..

Ang mukhang ito !

O________O

"That Girl !" sigaw niya.

"Bakulaw!" sigaw ko naman. Ano daw? -_-

MIRO's POV

Anooooooo? Bakulaw? Mapapatay ko na talaga ang babaeng ito! >.<

"Ulitin mo sinabi mo!" utos ko.

"Bingi ka?" - Meg

"Ulitin mo sabi eh!"

"Ayoko." - Meg

"Bruha!" sigaw ko.

Hahahahaha parang nairita ata siya ah !

"Tumahimik ka nga!" Bakulaw. Tsk' pabulong na sabi niya.

Talagang papatayin ko na'tong babae na'to ! Sumosobra na ang bibig. Aaaaaaaargh >.<

"Goodmorning class !" ang epal naman na teacher eh! Asar !

"Goodmorning Maam" sagot nang mga kaklase ko.

"Siguro halos kayong lahat ay kilala ako diba? At kilala ko din kayo. Kaso may bago tayong kaklase eh kaya Ms. Gerdon, please come here in front of the classroom." sabi ni maam.

MEG's POV

At andito ako sa harapan, pinagtitinginan nang mga kaklase ko. Ayoko nito eh >.<

"Hi. Goodmorning. Im Michaella Eden Gerdon, 17 years old. Nice to meet you all."

Bababa na sana ako at pupunta sa silya ko kung saan katabi ko ang bakulaw na yun pero may biglang nagtanong sakin.

"Are you MAED?" tanong nung boy.

MAID daw oh? Hahaha ano ako katulong? Hahahaha grabe-- O____O

"Hoy pare, ano akala mo jan katulong? Anak kaya yan nang Gerdon's Group of Company. Nakadrugs ka ba?" sagot nung lalaki. Nagtawanan silang lahat.

Napatayo parin ako habang tinititigan niya ako. Di ako makapagsalita dahil baka nakilala niya ako at alam niya ang nakaraan ko. Di ito pwedeng mangyari.

"Nevermind. Gvhgf." sabi nung guy.

Ano daw? Di ko marinig. Pabulong kasi eh. Maliban dun parang si bakulaw ang sama nang tingin sakin. Ano kaya problema nang mga ito? JHAAAAAAAM! Tulungan mo akoooo T.T

Twisted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon