"Im sorry ... may taning na ang buhay mo." Sabi ng doctor. Alam kong sincere siya sa pag sabing sorry pero halata din na sanay si doc sa pagdedeliver ng ganitong balita.
"Ilang taon po?" Tanong ko. Ewan ko. Sa ngayon, ang naiisip ko lang ay ang kapatid ko, ang mamu ko at lola ko.
Mas lalong lumongkut yung mukha ni doc. Ganun na ba talaga kalala?
"Doc?" Untag ko sa kanya. Kahit anu namang sugar coat niya sa mga sasabihin niya, ganun pa rin ang kalalabasan. May taning na yung buhay ko. I'm dying.
"Months ... six months." I can see how hard it is for him to deliver all these things. To tell someone that they time is up.
Ako? Eto, lutang. Totoo ba talaga to?
My world shattered. Napahigpit yung hawak ko sa mga results paper. Napayuko na lang ako. Nanlalabo na yung mata ko.
Bakit ako? So far, naging mabait naman aku ah?
Naramdaman ko na lang na may pumatak na tubig sa likod ng kamay kong nakakuyom at lumalamutak sa mga maninipis na papel. Papel kung saan naka-sulat ang aking kapalaran.
"Hope?" Nag-alala na tawag sa akin ni doc.
Pinahid ko ng likod ng palad ko yung dinaluyan ng luha sa pisngi ko.
"Doc, luma na ata tong building. May tumutulo na tubig sa kisame eh. He he he." ^ω^v
Napangiti si doc. Please doc, save the drama. Matapos ang kunting cheche bureche, nag-paalam na ako.
Di na ako pinabayad. Pa konswelo ata. Pambiskwit din to sa lamay ko.
Yan yung last scene na naalala ko. Kasi, lutang akong palakad-lakad. Hinayaan ko ang mga paa ko kung saan man nila ako dadalhin.
Namalayan ko na lang na nasa simbahan na ako at naka-upo kung saan ako parati na-upo.
Nag-dasal ako ng taimtim.
Ama, bakit po ako? May nagawa nanaman po ba akung katangahan? Paano naman po yung umaasa sa akin. Ganito na lang po ba matatapos ang lahat?
Sakto naman na pagtaas ko ng paningin, na hagip ng paningin ko yung nakasulat sa pisara ng simbahan.
"Everything has a reason and it is for the greater good."
Tumingin aku sa Kanya na nakapaku sa krus.
Oddly enough. He seems smiling. A re-assuring smile. As if he's telling me that everything is gonna be alright.
Napangiti ako sa kanya.
"Sabi Mo eh. Kaya naman magtitiwala ako sayo wholeheartedly." ^_^
Kayo na po ang bahala sa akin.
"Achuu ..."
Aip. Natalsikan pa ata aku ng uhog ng kung sinumang bumahing na yun. Nasa likod ko siya eh.
Andame dame namang upuan dito pero bakit dito pa talaga sa likod ko. Halloo. Wala kayang tao sa simbihan. Well, except for me na-obvious namang tao at yung bumahing.
Tiningnan ko kung sinuman yung bumahing.
˚ω˚
"Ahehehe ... kayo lang po pala." Si lolo lang pala.
"Ay, sorry naman inday. Tag sibol kasi. Ang daming pollen sa hangin." Medyo istrikto tong si lolo.
Parati lang yan andito. Tambayan ata to ni lolo eh. Dito siya natambay tapos suot nya parating we belong sa atmosphere ny simbahan. Parati na lang siyang naka puti. Puti sombrebro, puting polo at puting porontong tsaka naka sungkod pa siya haf.
BINABASA MO ANG
Saving the Gangster!
Teen FictionA story about love, forgiveness and happiness. What if, one day you found out that your time on this world is running out. Yet, you have tons of dreams you want to reach, mysteries you want to solve, things you want to do and you haven't found that...