"Hay nako andyan na naman ang dakilang trash" dinig kong bulong nung babaeng mukhang pusit. Tss.
"like, I know right nakakadiri! She's so cheap! Ewww where's my alcohol ba"
Sanay na ako sa ganyang mga eksena at hindi ko na rin sila pinapansin. Like I care. Umalis na rin agad ako dahil hindi ko alam ang magagawa ko sa kanila pag hindi ko natantya tong sarili ko. I know it's cliche, akala ko sa mga wattpad stories lang nangyayari to pero ano pa bang aasahan ko eh napapaligiran na naman talaga ako ng mga taong makikitid ang utak.
Ng makarating na ako sa classroom namin hindi na ako kumatok at pumasok na lng ako.
"Sorry sir, May I come in?"
" Oh! You're late again Ms. De Agustin. Tsk tsk dahil dyan all of you get one whole sheet of paper! "
"tch ano ba yan sir naman eh"
"hay nako leche na dis "
"nako sandamakmak na items na naman yan"
"bwisit naman kasi hilig magpalate!"
Nakakarindi para silang bubuyog. Bat di na lng sila mag aral ng mabuti puro reklamo. Kasalanan ko bang traffic? Aba sige gawin ko kayang bridge yang pagmumukha nila ng di ako malate. Tch.
Dumiretso na agad ako sa upuan ko at hindi ko na sila pinansin pa. Nonsense. Pero di pa ako nakakaupo napaginitan na ulit ako ng ulo nitong terror naming prof.
"Ms. De Agustin, why are you late!?"
Hay nako"It's traffic sir" maikling paliwanag ko
"Aba alam mo naman traffic bat di mo pa inagahan!"
"Sir hindi ko po alam."
" A-aba! Napakabastos mong bata ka! Kelan ka natutong sumagot ng ganyan?!" Tss panot
"Simula po nung matuto ako" walang pakeng sambit ko sa kanya samantalang siya, mukha ng dragon sa galit.
"Get out now!!! Napakabastos mong bata ka!! Zero ka na sa quiz!!"
"sir siya nga ung dahilan kung bakit tayo mag ququiz eh" sambit pa nung isa pero hindi ko na siya pinansin.
"It's my pleasure SIR" nginisian ko sya. pagkatapos kong sabihin ung pamatay kong linya. Nilayasan ko siya. Ha! Anong akala niya sakin? Natatakot sa kanya? Pwes ibahin niya ako sa dahil hindi ako basta basta.
Sinadya ko talagang sagot sagotin siya dahil kailangan kong makapagisip isip kaya naman dumiretso ako sa field ng school namin. Kung ikukumpara mo itong school namin sa ibang school, napakalaki niya. AS IN. May sarili siyang mall at sobrang laki ng canteen. Syempre tumataginting ung presyo ng mga pagkain sa canteen kaya naman sa labas na lng ako kumakain. Hindi ako mayaman, scholar lng ako dito sa school namin at hindi naman sa pagmamayabang pero matalino talaga ako. I'm a genius. Ginagawa ko na lng ding pasyalan ung principal's office namin. Hindi lng nila ako makick out dahil malaking kawalan ako sa school namin. Ako kasi ang panlaban ng school namin sa utakan. Hindi rin ako mahilig makipagkaibigan, I don't friends at hindi rin ako nagtitiwala basta basta. Kung ieexplain ko ang personality ko ang the best description sakin ay cold.
Ng makarating na ako sa field. Walang naglalaro dahil oras pa ng klase. Humiga ako sa damuhan at nag isip isip.
kilala niya kaya ako? Naisip niya na kaya ako? Napapansin niya ba ako?
Yan ang mga tanong na nagpaulit ulit sa isip ko. Kahit naman ganto ako may natitipuhan parin ako. Ayoko ng magisip dahil pakiramdam ko nauubos ang enerhiya ko tuwing nagiisip ako. Time na rin naman kaya tumayo na ako at pinagpagan ang sarili ko. Pagkarating ko sa classroom ay wala pa naman ang next teacher namin kaya dumiretso na lng ako ng pasok.
"hey bitch! Buti naman at naisipan mo pang pumasok. Wala kasi akong mapagtitripan kung wala ka" sabi ni tiffany
"I know right, hindi kumpleto ang araw ko kapag wala ka. Hmmm mukha pa namang bad mood ang mahal na prinsesa." maarteng sabi nung alagad ni tiffany.
Hindi ko na lng sila pinansin at sinalpak ko na lng ung earphones sa tenga ko. Hinatak niya ung earphones ko pero hindi na ako nagulat sa ginawa niya.
"hey!! I'm talking to you!!" sigaw ni tiffany
"Well, I'm not. So please talk to your hand" walang emosyong sabi ko at nakita ko naman sa mukha niyang nagulat siya pero binawi niya agad ito.
Napansin ko ring dumadami na ang audience namin. Napangisi naman ako.
" H-huh! What did you say?! You bitch!" akmang sasampalin niya ako pero mabilis akong nakailag kaya naman nasubsob siya sa lapag.
Nagsitawanan naman ung mga classmates namin.
"You know what, you'd better be fast before you make a move." seryosong sabi ko at natigilan naman siya. Tinulungan agad siya nung alagad niyang tumayo
"argghh!! Babawi ako sayo kaya humanda ka! You're nothing but a trash!" sabay balik nila nung alagad niya sa pwesto nila.
Tss. Mga weak. Wala man lng ka thrill thrill. Tinuloy ko na lng ang pagsosoundtrip ko ng biglang
TO BE CONTINUED.......
BINABASA MO ANG
Para Sa Mga Umaasa
ChickLitNaranasan mo na bang umasa? O hanggang ngayon ay umaasa ka parin. Tsk tsk. Kung alin ka sa dalawang yan ay proud akong sabihin na makakarelate ka sa storyang to. Masakit umasa lalo na kapag alam mong wala kang pagasa. Ano pang hinihintay mo? Aba bas...