Prinsipe at Prinsesa

3 0 4
                                    


Dati may isang prinsesa at isang prinsipe na nagmamahalan. Mahal na Mahal nila ang isa't isa na para bang walang makakapaghiwalay sakanila. Ang saya saya nilang dalawa sa tuwing sila'y magkasama. Mararamdaman mo talaga na Mahal nila ang isa't isa.
Hanggang sa dumating nalang ang isang araw na bigla nalang iniwan ng prinsipe ang kanyang prinsesa. Labis na nalungkot ang prinsesa na halos gumuho na ang kanyang mundo.
Hanggang sa taon na ang lumipas, pinilit ng prinsesa na kalimutan ang lahat patungkol sakanilang dalawa at maging masaya. Pero may mga oras talaga na napapaisip ang prinsesa kung babalik pa ang prinsepeng pinakamamahal niya. Umaasa parin ang prinsesa na babalik ang kanyang minamahal sa tamang panahon. Hanggang sa napagtanto niya na di na ito babalik pa, dahil kung tunay siyang minamahal nito sana binalikan Siya at Di Siya iniwan.
Sa ngayon, masaya na ang prinsesa hindi dahil may mahal na siyang iba kundi dahil may pamilya at kaibigan namang nagmamahal sakanya. Magiging masaya nalang Siya para sa prinsipe kung nasan man ito at pag nagkita ulit sila ninanais niya na sana maging magkaibigan sila.

- The end :)

Prinsipe At PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon