PROLOGUE

19 1 0
                                    

"Kuyaaaaa! Omg kuyaaaaaaaa!" Sinisigaw ko iyan habang tumatakbo pababa ng hagdan.

"Bakit?" Sabay sabay na sabi ng mga kuya ko na napatigil sa pag lalaro ng chess at napatayo pa.

"Ahh ehh. Ano kasi ahh-"

"Ano ba yon Cass?" Tanong ng panganay sa amin na si Kuya Prinxx Orion Villegas.

"Oo nga ano bayon at bigla ka nalang nagsisisigaw dyan?" Sabi naman ng sinundan ko na si Kuya Prudge Taurus Villegas na nakapamaywang na.

"Kase si Gian! Nag post nanaman tapos may kasama pang babae! Kuya girlfriend ba nya yon?" Mangiyak ngiyak kong sinasabi sa mga kuya ko.

"Ahh. Hindi nya girlfriend yon. Kilala mo si Michael hindi nag ge-girlfriend yon kung hindi lang din si Dha-" Hindi na naituloy ni Kuya Predzo Virgo ang sinasabi nya dahil tinakpan na agad ni Kuya Taurus ang bibig nya.

"Alam ko namang si Dhax lang ang gusto nya e. Balibaliktarin man ang mundo si Dhax parin. Alam nyo kuya? Parang
nagsisisi tuloy ako na pinakilala ko pa si Dhax kay Gian. Tignan nyo nasaktan lang si Gian dahil sa ginawa ng pinsan natin." At nasaktan lang ako ng todo dahil alam kong ako ang may kasalan kung bakit nasaktan yung taong mahal ko.

"Pabayaan mona bunso. May mahahanap kapa na mas better kay Michael. Yung ikaw ang mahal. Ikaw ang pinapahalagahan. At higit sa lahat yung ikaw ang nasa puso't isip sa lahat ng oras." Lintaya naman ni Kuya Orion sabay yakap saakin. Yumakap naman ako ng pabalik at hinigpitan kopa ang pagkakayakap ko kay kuya sabay sabing

"Kuya? Wag kang magagalit ahh?"

"Osige ano bayon?" Nakangiting tanong saakin ni kuya habang kumalas na ako sa pagkakayakap sakanya.

"Ang baho mona kuya hindi kapa naliligo!" Tumatawang sabi ko sabay takbo papunta kay Kuya Virgo.

"Ahh mabaho pala ako ha. Taurus, Virgo hawakan nyo lang yan at kakalitiin ko yan ng todo" Ganting sabi ni Kuya Orion at hinawakan ng ako ng dalawa kong kuya at pinag tulong-tulungan nila akong kalitiin.

Hindi man ako maswerte sa taong mahal ko, maswerte naman ako sa pamilya ko. Sa mga Kuya ko. Kahit hindi sila nakakarelate sa mga sinasabi ko sakanila minsan atleast sinusubukan parin nila akong intindihin at pasayahin.

John Gian Michael Mamposte isang Prixie Cassiopeia Villegas ang nagmamahal sayo. Nagmamahal ng tapat at totoo. Sana kahit tingin lang maibigay mo. Tingin lang.

I Love You. Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon