Chapter 4♥

102 1 0
                                    

Dedicated sa kanya:) May stories din siya kaya let's support her works! Thank you:)

Let's pray for Tacloban, especially for the whole Philippines. Keep safe guys. Pray hard<3

Eto na po yung update. ENJOY READING!:)

Chapter 4♥

ELLIE'S POV

"We're not done yet Mr. Whoever-you-are." sabay irap at walkout.

Nakakailang hakbang palang ako palayo sa kanya ng mapansin kong di siya sumusunod sakin papunta sa detention room. Tch. Bahala siya. Mas binilisan ko yung paglalakad kaso...

*BLAGGG!*

"Aray.." Napangiwi ako sa sakit habang hinihimas ang likod at puwet ko. Buti nalang walang tao sa hallway kaya walang nakakita ng epic fail kong walkout na nauwi sa pagkakadulas. Ay mali pala, may mokong nga pala akong kasama na nakakita sa embarrassing moment ko.

Naramdaman kong papalapit siya sakin. Lumuhod siya sa tabi ko para magkasing level kami.

Nakita ko siyang titig na titig sakin kaya kinapa ko and dulo ng mga mata ko. Wala naman akong muta? Ano naman kayang tinitingin-tingin nito? Baka may dumi ako sa mukha? Mabilis kong hinilamos ang kamay ko sa mukha ko.

Napansin kong nakatingin parin siya sakin kaya naman yumuko nalang ako. Aba marunong din akong maconscious noh!

Nakaupo parin ako at ilang seconds din namagitan ang katahimikan sa amin. Napatingala ako ng marinig ko siyang malakas na tumatawa habang nakahawak sa tiyan niya.

"T-that's the-- HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"

Di na niya natapos yung sasabihin niya dahil humagalpak na siya ng tawa to the point na nakahiga na siya sa sahig. 'Nasarapan sa pagtawa koya?'

Kainis to ah.. Pinagtawanan pa ako. Nakakarami na ng atraso sakin to.

"Ahhh!..Aish!" I tried to stand by myself but I failed.

Napansin at tumigil na siya sa pagtawa nang makitang bumagsak ulit ako sa sahig. Waaaaaahhh ansakit na talaga ng likod ko.

Inalalayan niya ko mabuti at tinulungang tumayo. Pinagpagan ko ang damit ko kaso nagulat ako ng mawala ang paa ko sa pagkakatapak sa floor.

"Waaaaaaaahhhh!! Ibaba mo ko!" sabi ko habang tinutulak at hinahampas siya sa dibdib.  Binuhat niya lang naman ako yung pang 'Bridal Style'. Psh! Sobrang nakakahiya to sa makakakita. Nagpupumiglas ako pero ang loko, aba! imbis na sumagot at ngumisi pa. Azarr!!

"Huyyyyy!"

"San mo ko dadalhin huh?"

"Hindi diyan ang papunta sa detention room! Sa kabilang side dapat tayo!" sabi ko habang tumuturo na parang bata sa kabilang direksyon.

Patuloy parin siya sa paglalakad at umarteng walang naririnig. Nagsimula na kong kabahan at magpanic. Tumingin ako sa paligid at napansin kong walang tao at medyo madilim sa dinadaanan namin. Ohmygosh! is this---

"WAAAAAAAAAAHHHHHHH RAAAAPPPPEEEEEEEEEEEEE!!!" Mukhang nagulat siya sa biglaang pagsigaw ko dahil napatalon siya. Muntik na kong matawa habang pinagmamasdan siyang mabuti. Nakita ko ang panic sa mga mata niya. Natataranta na siya at halatang naghahanap siya ng way para patahimikin ako.

Nagulat ako ng unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Nawala ang tuwa ko at napapikit nalang ako sa kaba. 

"Shut up or I'll kiss you. O baka naman gusto mong totohanin ko yung crime na ina-accuse mo sakin kanina so called rape?"

I married that stranger♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon