Teaser

18 0 0
                                    

Copyright © 2013 by HashtagPilipinas

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

***

Story of My Life

Papansin

Malandi

Playgirl

Ganyan lagi ang tawag ng mga kababaihan sa'kin dito sa school. Halos maging apelyido ko na nga eh. Halos lahat silang mga babae galit sa'kin. Palbihasa mga insecure. MAS MAGANDA KASI AKO SA KANILA! 

Diyosa

Yan naman ang tittle sa'kin ng mga lalaki kasama na ang mga boyfriend ng mga insecure na bruhilda. I am every man's dream! Maganda, Sexy, Mayaman, Maputi, Makinis, Diyosa, basta! Yun na yun! In short --- REYNA NG KAGANDAHAN Walang araw na hindi ako topic sa school. Kesyo ang landi ko daw, mang-aagaw, bitch, slut, whore freak, lahat na! Pero paki ko ba? Ganyan talaga ang mga bitter at insecure kaya pag-bigyan na. 

Sanay na akong pag-kaguluhan ng lalaki. Hindi na bago sa'kin ang lalaking matitisod dahil napapatitig kapag nagkasalubong kami. Sanay na'rin akong bulyawan ng mga ngumangalngal na babae dahil iniwan sila ng mga boypren kuno nila dahil sa beauty ko. Lagi akong pinagkakaguluhan. Wala pang lalaking hindi natuklaw ng kamandag ko.

"Hindi ka naman maganda."

Well... Bago ko siya makilala

"Tss... Feeling mo lahat ng lalaki nahuhumaling sa'yo? Hindi ka lang pala pok-pok eh, hibang ka pa." 

Ang kaisa-isang lalaking nang-snob ng beauty ko at nag-pamukha sa'kin na panget ako. Na wala akong dating. Na malandi ako, na pok-pok ako, na kerengkeng ako, na walang seseryoso sa'kin... Ang alam ko talaga immune na'ko sa mga ganyan eh! Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit grabe ang epekto sa'kin ng mga salitang yun, samantalang mas araw-araw ko yung tinatanggap sa mga bruhildang babae dito sa school.

Pero he faced the wrong person. 

Siguro nga hindi siya tinatablan ng alindog ko. Pero in the game called love? Mas eksperto pa'ko sa eksperto. Kahit kailan hinding hindi ako natalo sa larong 'yan.

At ngayon... He's my opponent. My opponent to beat. At ipaparanas ko sa kanya ang feeling kung paano umiyak at lumuhod sa harap ng babae. Ang magmaka-awa sa isang Caroline Perez.

Type sana kita eh. Pero sorry ka nalang.

***

Author's Note: Hawig po itong story ko sa story ni Ate Alyloony na Break the Ice Prince's Heart. Sobrang type ko kasi yung story niya eh. :)) Sana po suportahan niyo poa ng story ko. Thank you! ^________^

PS: Caroline Perez at the right :3

Story of my LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon