Line’s POV
“Please... Please don’t choose her. I love you and I always will. I love you forever. And I know that you still love me. So please, I’m begging you. Comeback to me.”
I hold his hand very tight. I don’t want to lose him. But he just turn his back to me and go away from me. It’s hurts, it’s truly hurts that you’re seeing your dream running away from you…
“Nobody loves me like you did. Huh, as if you really loved me.” Tears started to fall again from my eyes.
“I HATE YOU! I HATE YOU ALL!” I screamed and screamed until no one can hear my voice…
Napahawak ako sa dibdib ko.Shocks. Napatingin ako sa orasan, 3:00a.m.. Dream.
Isang panaginip na naman. Panaginip na, parang akala mo nagpa-flashback lang sa isip ko. Parang nangyari na sa buhay ko. Haha, nakakatawa nga e. Feel na feel ko yung panaginip ko.
“I’m like a statue~~"
Eh? Anong oras pa lang natawag na agad si Laye? Yie, namimiss ako agad. :D
“Po?” bungad ko.
“Wala man lang good morning dyan? Haha.” Eh? Morning na ba? 3 pa lang e?
“Eh? 3 pa lang po kaya? Bakit ka po napatawag?” Inaantok pa nga ako e.
“Alam ko, namimiss lang kita, haha.”
“Namimiss mo ko? agad? Haha, eh parang kanina lang magkasama tayo ah?”
“Eh bakit ba namimiss ko ang Line Line ko e.” Parang bata niyang sabi, haha. Kinikilig na ko, pinipigilan ko lang.
“Ewan, inaantok pa po ako. Tulog na lang po muna tayo ha.” Mangungulit pa ‘to.
“Eh, wag ka ng matulog haha. Ganun din naman ako lang din yang nasa panaganip mo.” Napatahimik ako dun ah.
“Uyyy, nanahimik ka? Yiie, kinikilig na yan, haha.”
“Ha? Ahh? Di ah. Eto! matulog ka na nga po. Itulog mo na lang yan. Good night po Ay goodmornight pala, haha. Bye bye.”
Binaba ko na yung call namin. Hindi na ko titigilan nun e. Tska ewan ko, bigla akong nawala sa mundo nung sinabi niya yung sa panaginip e. Makatulog na nga lang ulit.
Laye’s POV
Psh, tinulugan na naman ako, haha. Eh ang kulit ko rin kasi e, alas tres pa lang tinawagan ko na, haha. Uhmm, ako nga po pala si Nicolai Clyde Pascual, 20 yrs old, bahala kayo kung anong gusto niyo itawag sakin. Basta wag lang Laye kasi sabi nung taong nag-imbento ng nickname ko nay an, siya lang daw pwedeng tumawag sakin nyan. Haha, at di ko pa rin ma-gets, kung saan niya yan nakuha sa name ko.
Si Line, mahal na mahal ko yun. Mas mahal ko pa yun sa kahit na sino sa lahat ng mga nakilala ko. Basta, mahal ko yun at mahalaga siya sakin. Sobra. Kaya ayoko ng mawala pa siya ulit sa akin. Kasi mahal na mahal ko siya. HAHA, makatulog na nga. Nababaliw na naman ako. Gay no? :) Wala eh, sa kanya lang naman ako nagkakaganito. Kaya kong gawin LAHAT para lang sa kanya.
Napatingin ako sa may side table ko. Kung saan ko tinatago yung bagay na pinaka-ayokong mahawakan o ni-makita man ulit ni Line. Binuksan ko ito at tinignan isa-isa yung mga nakalagay dito. Alaala, alaala na alam ko na kapag bumalik ulit ito ay may posibilidad na mabaliktad na naman ang lahat. Mabago na naman, mawala na naman ang dapat ay akin. Sana nga lang talaga, pag dumating na ang panahon na yun.
Ako na, ako na lang at wala ng iba pa. Sana, sa pagdating ng araw na yun, wala ng mali, wala ng kahit na anong sagabal pa. Pero habang tinitignan ko itong hawak ko ngayon, sa tingin ko, hindi ko talaga mababago ang nararapat. Kasi kahit pagbalik-baliktarin ko pa ang mundo, alam kong ako ang talo. Natawa na lang ako. At pinagmasdan muli ito.
“Wala ka pa ring pinagbago, ikaw pa rin talaga. Kahit siguro anong gawin ko, wala na akong panama. Sana lang, kapag bumalik na, hindi ako magmukhang napakasama, kasi hindi ko na rin alam kung ano ba ang tama."
Gusto ko lang namang sumaya. At sa tingin ko naman nakukuha ko yun ngayon.
Naalala ko nung tinawagan ko si Line Line kanina.
Hahaha, siguro nakukulitan na naman siya sakin, kaya niya binaba. Binalik ko na yung bagay na yun sa drawer, at kinuha ang phone ko sa side table ko. Ite-text ko lang si Line Line ko, miss na miss ko na eh.
To: Line Line ko <3
Good night po, Line Line ko. Sweetdreans, I love you po. J
Message Sent.
BINABASA MO ANG
Just A Dream
Teen FictionIt was only just a dream of my story. But NOT JUST a dream