CHAPTER 1: LIVI

29 1 2
                                    

Please Vote and Comment Thanks.. (^_______^)/

CHAPTER 1: LIVI

[Liana's P.O.V]

Hey there... I'm Liana Liviathan, Parish 15 years old 3rd year high school na ko nakatira ako dito at nag'aaral naman doon... pasensya na ayoko lang idetalye dahil masyado pa kasing hahaba isa kasi akong taong tamad sa mga ganyang bagay ang magsalita ang magkwento at kung ano ano pa...

*Knock!!! Knock!!!*

Isang malakas na katok ang narinig ko mula sa pintuan ng Room ko hindi ko na yun pinansin dahil alam ko na kung sinong gumawa nun dahil hindi ko sya sinagot binuksan na lang nya ang pinto ng kwarto ko tumambad saakin ang isang babaing akala mo kung sino...

"Hoy!!! Babaeng tahimik, halika na baka ma'late tayo First day of school late sayang ang ganda ko noh.." sigaw nya saakin...

Take Note sigaw... Tss kahit kelan hindi na nagbago ang babaeng 'to ...

By the way she is Serina Samantha, Parish, Sammy for short sa kasamaang palad Ate ko siya... Maganda, Mabait, Makulit, at higit sa lahat madaldal... siya ang kabaligtaran ko kung anong itinahimik ko siya namang iningay nya kaya't laking pasasalamat ko at hindi ako madaldal dahil siguradong lalong iingay ang mundo ko kung magiging madaldal din ako tulad niya...

Sumunod na ako sa Ate ko pababa agad naman akong sinalubong nila Mommy at Daddy...

"Oh ito na ang kapatid mo Serina Mag'iingat kayo huh..." sabi ni Daddy

"Yes Dad..." sabi nya saka bumaling saakin "Let's go Liviathan..." sabi niya pa saka lumabas...

Tss!! Liviathan... WTH!!! (-.-)

Tinignan ko muna sila Mom and Dad bago sumunod kay Ate alam na nila ang ibig sabihin nun...

"Ingat Princess... sabihin mo sa ate mo ingat kayo..." narinig ko pang sabi ni Mommy pero hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Pagkalabas ko ay nakita ko na si ate sa loob ng kotse nya kaya sumakay na din ako...

"Ang tagal mo naman... Male'late tayo niyan ihh..." singhal nya agad saakin pagkasakay ko sasasakyan... sanay na ko sa kanya kaya hindi ko nalang pinansin...

Mabilis niyang pina'andar ang sasakyan nya kaya maya maya lang nasa school na kami... pagkapark ng sasakyan nya bumaba agad ako at naglakad ng dere deretso papasok ng hindi man lang nililingon si Ate...

Maya maya may naramdaman akong naglalakad kasabay ko pero hindi sya masyadong malapit saakin... hindi ko nalang siya pinansin at nagfocus nalang sa paglalakad pero bilang may nagsigaw ng pangalan ko kaya napatigil ako...

"LIVI / LIVI" Sigaw ni Ate?? Pero bakit parang may boses ng lalaki??

Nilingon ko siya nakita kong nakatingin siya dun sa dalawang lalaking malapit sa kanya at saka siya lumingon saakin ng kunot noo at ibinaling ang tingin sa bandang kaliwa ko kaya tinignan ko din kung ano yung tinitignan nya nakita ko ang isang lalaking nakatayo hindi kalayuan saakin siya yung naramdaman kong kasabay ko kaninang maglakad...

Sino naman 'to??

"Livi" tawag saakin ni ate kaya napunta ulit sa kanya ang atensyon ko nakita ko tumatakbo siyang palapit saakin..

"T-Tara na Livi baka ma'late pa tayo..." sabi nya saka ako kinaladkad papunta sa quadrangle meron kasing opening ceremony na dito gaganapin...

"Waaaaaahhhhhh" biglang sigaw ni ate kaya napatingin ako at yung ibang students sa kanya...

"A-Ahh hehehe k-kinagat kasi ako ng l-langgam" palusot nya kaya nawala ang paningin ng lahat sa kanya buti na lang di pa nagsisimula ang ceremony kung sakaling sa kalagitnaan ng ceremony siya nagsusumigaw swear ikakahiya kong kapatid ko siya...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THAT GIRLWhere stories live. Discover now