Prologue

13 1 2
                                    

"Wag mong nga akong  hawakan eww"  ang arte-arte talaga ne'tong ate ko na kamukha si Ms. Minchin, ewan ko ba simula nung nagka-isip ako ang weird nila. Hindi naman ganyan ang ate ng mga kaklase ko at mga kaibigan ko. Pero, sila? Ibang iba. Yung feeling na, ayaw nilang hawakan mo sila, ayaw nilang share kayo ng plato, kutsara o pagkain, ayaw nila na nakikitulog ka sakanila, ayaw nila na nanghihiram ka ng damit. tapos, pag may problema ka o kailangan ayaw nila ang tulungan ka.

Its painful but i have to accept it unique lang talaga siguro ang family namin. Alam niyo yun? Yung, ibang iba kami.

*After 1 year and 2 months*

Umuwi na si dad galing abroad kaya ang saya ko.

Galing ako sa eskwelahan, nakita kong nag uusap si mama at papa. halos mag bulungan na sila, parang ayaw na may makarinig.

Di ko naman intensyon na makinig. But sabi nga nila, curiousity kills. Syempre ayaw ko naman mamatay noh. Kaya kahit labag sa kuko ko. Nakinig nalang ako.

"Hindi nga pwede!!!" -Papa

"Ano ka ba! Palamunin lang naman ang batang yun dito eh. Kaya hayaan mo na yun! Ibalik mo na ang batang yun dun sa pinanggalingan niya." mom said with hand gesture pa.

"Hindi pa kaya ni ice ang mag-isa." sabi ni papa

nang marinig ko ang pangalan ko natitiyak ko na ako nga ang pinag-uusapan nila. bakit sino pa  bang ice ang kilala nila?

"Palayasin mo na kase yang adopted na yan dito!! Alam mo namang nabwe-bwesit ako sa pagmu-mukha nun eh." naiinis na sambit ni mama.

All this time, i was fooled.

Ayoko ng makinig pa sa paguusapan nila. Kaya dali-dali akong tumakbo sa kwarto ko at nag impake.

Ewan ko saan ako pupunta pero si darna na ang bahala. Lilipad ako! Tatayo ako sa sarili kong mga paa at ipapakita ko sakanila na kaya ko ang sarili ko.

"I am strong enough to face the truth and the consequences of life." I mumbled to myself. Tsaka ako lumabas ng walang paalam hindi ko sila narinig na tinawag ako kaya, for sure, di nila ako makita.

Kailan ba nila ako nakita?

Sabay ko silang kumakain araw-araw.

Nakatira kami sa iisang bahay.

Pero, para lang akong invisible sakanila na hindi nag e-exist.

masakit sa part ko na kaya pala ganun sila saakin dahil ampon ako. Simula bata ako wala akong inisip na negative about sa pakikitungo nila saakin.

Iniisip ko lang na 'unique family' kami. Pero ako lang pala ang unique kase ako lang yung naiiba. At hindi kami family dahil hindi naman ako kasali. Walang kami. Walang family.

Sa sobrang pagiisip, di ko namalayan na napad-pad na pala ako sa isang... ano to? Bakit andaming bata na nag lalaro? Bakit...ugh!

Ngayon lang nag sink-in sa utak ko na nasa ampunan pala ako.

'Ayoko dyan!' Sabi ng isip ko.

Pero, automatikong gumalaw ang katawan ko at pumasok sa lugar na yun.

"Hello bata!!" bati ng isang babae saakin na kaseng idad lang ng ex-mom  ko.

I faked a smile. From that day on, naging orphan na ako. Pero may um-adopt saakin.

Isang mabait at mayaman na pamilya. Di sila mag ka anak dahil sa di malaman na dahilan.

Pero, hindi na ako kaseng tibay noon na. Positive at masayahin.

I became quite, smart, brave and..cold.

I am Ice Jenneth Villanueva, 8 years old.

~.~
~.~
~.~
~.~

[Ayena Aena Jazze Ruiz]

"Ma, Pa! bibili lang ako ng popcorn ah?" paalam ko kina mama at papa. hehehe paborito ko talaga ang popcorn.

"Sige. bilisan mo ah? kase aalis na tayo!" sabi ni mama at binigyan ako ng pera para makabili ng popcorn.

Naglalakad na ako patungo sa isang booth kung saan merong nag titinda ng popcorn ng tiningnan ko ang wristwatch ko. 5 minutes to go at aalis na ang eroplano. hmmpt! di an nga lang ako bibili ng popcorn, baka maiwan pa ako. kabanas! -,-

Tumakbo ako papunta kina mama para sabihing di nalang ako bibili ng makita kong may kausap silang babae na may hawak na bata sa kanan nito. tatawagin ko na sana sina papa at mama pero nagulat ako sa susunod na nangyari. sinampal ni mama si papa, kasabay nito ang pag alis ni papa kasama ang babae na may hawak na bata.

"MAMAAAA!!!" tila nag slow-mo ang lahat kasabayng pag takbo ko at nag zoom-in ang mga mata ni mama na nakatingin sa sahig habang dahan dahan na tumutulo ang luha nito.

"Ma? anong nangyayari?" i asked.

"Your dad cheated," She replied.

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Daddy's Princess ako for 8 years, and hearing those three words from my mom, sucks like hell.

I am Ayena Aena Jazze Ruiz. 8 years old.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The BIPOLAR  And The ICE QueenWhere stories live. Discover now