13. Love is serious

271 127 13
                                    


Noong highschool sya, suki sya ng guidance office dahil sa mga kalokohan nya at ng barkada nya. Ilang beses na rin silang nasuspinde. Muntikan na nga rin syang ma-expel. Buti na lang at kaibigan ng Mama nya ang Principal. Napakiusapan ito.

Sinabihan sya noon ng Mama nya na hindi magandang impluwensya ang barkada nya. Hindi sya nakinig dito. Naaalala nya pa rin kung ano ang dahilan kung pano nya nakita si Aubrey. Nag-cutting classes sya noon kaya napanuod nya ang awarding.

Kung nakinig sya sa Mama nya noon ay hindi nya makikilala ang babaeng bumago sa kanya sa mabuting paraan. Hindi nya makikilala ang babaeng nagpatino sa kanya.

Kahit puro kalokohan sya noon, Aubrey took him seriously. She did not treat him like a joke. And then one day na-realize na lang nya na gusto nya ng seryosohin ang buhay. He wanted to be a better person.

He wanted to be worthy of her time and love. He wanted to be worthy of her. He wanted to be worthy of Aubrey's attention.




-----




"So, what are we doing in the middle of nowhere, Shawn?" Tanong ni Aubrey sa kanya. Huminga sya ng malalim. Kanina pa sya itine-text at tinatawagan ng Mama nya. Pinatay nya na lang ang phone nya para walang maka-istorbo sa pag-uusapan nila. They have a serious matter in their hands. Kailangan na nilang mag-usap ng maayos.

"We need to talk, Aubrey." Seryosong sabi nya rito. Tumingin ito sa kanya.

"About what, Shawn?" Tanong nito.

"About everything. About you and me. About your condition. About what happened. Marami tayong dapat pag-usapan. We set everything aside. I think it's about time." Sabi nya rito. Matagal na nakatitig lang si Aubrey sa kanya. Like she's searching for something.

"Talk, Shawn. Start talking." Sabi nito sa kanya. Tumingin sya sa harap nya. They are on the upper side. Kitang-kita ang magandang view sa baba. Huminga sya ng malalim.

"What is your problem, Aubrey? Gusto kong malaman." Sabi nya rito.

"How are you feeling about everything, Shawn? After the accident, things have changed. You were never the same person pag labas mo ng sasakyan." Sabi nito sa kanya. Napapikit sya. Hindi sya nagsalita.

"We lost you in that accident, Shawn. Why?" Malungkot na tanong nito.

"It's all my fault. Kasalanan ko ang nangyari. Did you know how scared I was?" Sagot nya rito.

"I know. I know how scared you were. Pero matagal na yun, Shawn. Bakit ba hanggang ngayon ay sinisisi mo pa rin ang sarili mo?" Sabi nito sa kanya. Napalunok sya.

"Look at me, Aubrey. Tignan mo ko. Everytime na nakikita ko ang sarili ko, naiisip ko ang pagkakamali ko." Sagot nya rito.

"Can you tell me what exactly happened, Shawn? You have to speak about it. Tell me the story, Shawn. Kahit nandun pa ko. I-kwento mo pa rin." Sabi nito sa kanya. Napapikit sya ng mariin.

"It's our Seventh Anniversary. I remember you telling me na may importante kang sasabihin sakin." Pagsisimula nya. Naramdaman nyang hinawakan ni Aubrey ang kamay nya.

"Habang nagdi-dinner tayo ay napansin kong hindi ka mapakali at tinanong kita kung bakit." Pagpapatuloy nya.

"And then you told me na nakakuha ka ng promotion. Masaya ko para sayo. But then you told me na magta-trabaho ka sa ibang bansa. Nagalit ako." Napalunok na sya.

"Sabi mo two years kang mawawala. Ayokong pumayag. Ayokong iwan mo ko. Ang sabi mo babalikan mo ko. Hindi ako naniwala sayo. I was so angry that I walked out. Naisip ko na talagang sa mismong Anniversary pa natin mo ako napiling saktan. Sinundan mo ko hanggang sa kotse ko." Naririnig nya na ang panginginig sa boses nya. Naramdaman nyang pinisil ni Aubrey ang kamay nya.

"Pinapababa kita sa kotse. Nakikiusap ka na hayaan kitang magpiwanag. Gusto mong makinig ako sayo. Sinigawan kitang iwan mo na ko at bumaba ka ng kotse. You did not listen. So I drove the car." Nahihirapan na syang magsalita. Ang hirap balikan ng lahat. The guilt is eating him alive.

"Mabilis ang pagpapatakbo ko. Paulit-ulit mong sinabi sakin na kumalma ako. Na bagalan ko ang pagmamaneho. Hindi ako nakinig sayo. Galit ako sayo. And then narinig ko ang paghikbi mo. Then you told me over and over again that you love me." Dahan-dahan pumatak ang luha nya. Pakiramdam nya kahapon lang nangyari ang lahat.

"I did not slow down. Hindi ako naniwala sayo. In my mind, iiwan mo lang ako. At masakit yon. You're begging me to slow down. Then nag-red light, I did not stop. Maluwag naman ang daan. Pero hindi ko napansin ang bata na tumatawid. You screamed. I looked at you. Nakita ko kung gano ka natakot. Ipinilit kong ilihis ang sasakyan para maiwasan ang bata." Tuloy-tuloy na ang pagbagsak ng luha nya. Naramdaman nyang iniangat ni Aubrey ang kamay nya at hinalikan iyon.

"Naiwasan ko sya. But I lost control. Bumaliktad ang kotse at ilang beses tayong gumulong bago iyon huminto." Kinakapos na sya ng hininga. Ang hirap. This is the first time that he talked about it. Kahit si Aubrey din ang kasama nya don, magaan pa rin sa pakiramdam ang may malabasan ng sama ng loob.

"Ikaw agad ang tinignan ko. Mahapdi ang mukha ko. Masakit ang katawan ko. Pero ikaw agad ang hinanap ng mga mata ko. You were out, Aubrey. Kahit masakit ang kamay ko ay pilit kitang ginigising. Matagal bago mo idinilat ang mga mata mo. You're bleeding. God, Aubrey! You're bleeding." Umiiyak na sabi nya. Nangangatog na ang katawan nya. Niyakap sya nito.

"Noon lang ako natakot ng sobra buong-buhay ko. Natauhan na ko. Paulit-ulit akong nag-sorry sayo. Paulit-ulit mo rin akong pinatawad. You told me you love me. Naniwala na ko sayo. Sinabi mo sakin na hindi ka na aalis. Hindi mo na ko iiwan. Pero wala na kong pakelam don. Nag-aalala ko sayo. Ang tagal bago dumating nung tulong." Humihikbing sabi nya. Naramdaman nya ang paglapat ng labi nito sa noo nya.

"You assured me that everything will be fine. That you're going to stay with me. At hindi pa rin ako tumigil sa paghingi ng tawad sayo. Your hand was twisted. Pano ka na makakapag-pinta? I was so stupid. Sana nakinig na lang ako sayo. Sana nakipag-usap ako sayo ng maayos. Hanggang sa panaginip hinahabol ako ng anino ko, Aubrey." Umiiyak pa rin na sabi nya rito.

"I hope na hanggang sa panaginip ay hinahabol ka rin ng pagpapatawad ko, Shawn. Hindi ako galit sayo. Pinatawad na kita. The moment you told me that you were sorry, napatawad na kita. Kailan mo ba papatawarin ang sarili mo, Shawn?" Umiiyak din na sabi nito.

"I don't know, Aubrey. Hanggang ngayon hindi ko mapigilang hilingin na sana iba ang ginawa ko. Na sana hindi ganun ang inakto ko. I wish I did the opposite thing, Aubrey." Sabi nya rito.

"But wishing won't make things different, Shawn. You have to accept the fact that bad things happen, Shawn. That somethings are not meant to be changed. Let go of it, Shawn. Let go and move on." Seryosong sabi nito sa kanya. Nakagat nya ang ibabang-bahagi ng labi nya.

"You can't stay in that moment, Shawn. Don't waste your time looking back. Nangyari na. Tapos na. Be strong, Shawn. Maraming nagmamahal at nagmamalasakit sayo. Acceptance is the key, Shawn. Accept it already." Sincere na sabi nito.



-----

Aubrey (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon