CRUSH (One Shot)

198 1 2
                                    

Dedicated to heartruiner. Ang astig niyang Writer promise!!

CRUSH

Naranasan mo na ba? Yung magka crush? Naranasan mo na bang maghabol ng tingin tuwing nakikita mo ang isang tao? Ang mapangiti tuwing nakangiti o tumawa siya. Ang tumalon ang puso mo dahil sa simpleng bati o malambing na ngiti? Ang kunan siya ng litrato ng palihim? O ang mag stalk sa facebook account niya? Ang gustuhing kausapin siya twing nasa harap mo siya? O kaya ang kiligin sa simpleng presensiya niya? At ang masaktan twing may kasama siyang iba? Ako OO eh. OO talaga. Gusto ko siya. Gustong gusto pero malamang para sa kanya hindi ako nage-eexist. Hindi ko man lang siya malapitan.. Feeling ko naman kase kahit anong paramadam ang gagawin ko eh hindi pa rin ako nag eexist sa mundo niya. Kahit madapa pa ko dalawa lang naman ang gagawing niya. Titingin at tatawa..

***

Ako si Loryn Santos. College student. Minsan baliw madalas buang. Hahaha.

Papunta sana ko ng college building, may English class kase ako eh. Malapit lang naman mga 100 meters from the gate tapos may hagdanan, sa third floor. Oh di ba malapit pero nakakapagod yun. Itinakbo ko dahil nga late na ko dahil nagkabanggan dun sa kanto malapit sa bahay kaya ayun nagka traffic.

Sa kakatakbo ko sa mabatong daan na epekto ng landscape design sa harap ng school yun. Eh na sprain ako. Ayan na T______T nakatingin na sila sa akin. Nakatitig na.. 'huwaaaahhhhh MAAAAAMMAAAAAA' namumula na ata ako halata namang gusto ko ng umiyak. Ayoko neto, ayoko ng pinagtitinginan. Parang stage fright nga? I hate to be infront of people, hindi sa takot ako sa kanila kundi sa maaring sabihin nila tungkol sa akin. Basta takot ako... ayoko nunn.. ayoko ng pinagtitinginan.

Napa yuko na lang ako ng marinig ko yung ilang tawanan at bulungan.

Naramdaman ko nalang na may palapit.

"Miss okay ka lang ba?" tanong niya.

Aish. Sapukin ko kaya. May na sprain bang okay?? May na sprain bang di nasaktan. Abay kung okay ako eh baka tumambling pa nga ako palayo. Kaso hindi naman eh.. ang sakit sakit kaya T__________T

Tiningnan ko na lang siya. Nakita ko nag alok siya ng kamay. Gwapo siya, maamo ang mukha, malinis ang damit. Maayos ang buhok. Mukhang perfect siya.

Tumango ako. para iparating na okay ako. Inabot ko yung kamay niya at pilit itinayo ang sarili ko..

"aray!!" huhu.. masakit. Muntik pa nga akong matumba. Buti na lang inilalayan niya ako.

"kaya mo bang maglakad?" tanong niya.

OO kuya.. kaya ko pang maglakad. Tumakbo pa o eh kung gusto mo..

"kaya" sagot ko.. obvious namang masakit di ba. Tumayo nga hirap ako. Maglakad pa kaya?

At ayun. Nahirapan na nga ako.

Tapos " ayyy! Oyyy!! Ayyyy... anuuu baaa!!" binuhat niya kase ako.. ano ba yan.. baka masilipan pa ko. Naka uniform pa naman ako.. pumiglas naman ako.. maglalakad nalang ako..

"huwag ka na kaseng malikot, nahihirapan ka namang maglakad. Bubuhatin kita papuntang clinic.."

Hmmf. Ganun ba kalala? Clinic na talaga. Di pwedeng ipahinga?

Naiilang ako, bridals carry ba tawag netong pagkarga. Basta yung parang karga sa  movies nung mga magha honey moon o bagong kasal. Amoy na amoy  ko siya.. bat parang mas mabango pa to kesa sa akin?? Nakakahiya tuloy. Tapos yung mga tao sa aschool nakatingin lang sa amin.

Nakarating na din kami sa clinic. Nurse pa lang ang nandun, wala pa yung school doctor.

"May pasok ka ba?" tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CRUSH (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon