Pinakamamahal Kong Yaneh

15 0 0
                                    

Pinakamamahal kong Yaneh

Niligawan kita ng isang taon at dalawang buwan. Sinagot mo ako noong ika-anim ng Agosto taong 2013. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na yan dahil ikaw ang pinakauna kong minahal at patuloy na minamahal. Naging masaya tayo sa dalawang taon at apat na buwan nating pagmamahalan. Marami tayong 'first time' na nagawa. First time sumakay sa ferris wheel. First time kumain ng adobong palaka. First time pumunta sa isang concert at marami pang iba. Nasaksihan ng mga pamilya at kaibigan natin kung gaano natin kamahal ang isa't isa, noon.

Dalawang araw bago ang pasko noon at tinanong mo ako kung kaya ko bang maghintay. Ang sagot ko ay oo dahil walang mahirap para sa taong nagmamahal. Hindi ko alam kung ano ang hihintayin ko kaya iwinakli ko lang ito sa isipan ko. Bago ka umuwi, umiiyak ka at sinabi mo sa akin na aalis ka na. Malamang aalis ka na kasi uuwi ka na sa bahay niyo pero ngumiti ka lang. Niyakap mo ako at humihingi ka ng kapatawaran. Para saan ang paghingi mo ng tawad? Nagpaalam ka na habang ako naman ay naguguluhan pa rin sa inasta mo. Kinakabahan ako na baka may ibang ibig sabihin ang mga iyon. Pero inisip ko na lang na baka niloloko mo lang ako. Katulad noong inasar mo ako dahil sa pangalan kong Rodrigo na pangalan din ng presidente. Sanay ako sa lokohan natin kaya hindi ko masyadong pinroblema ang mga sinabi mo.

Araw na ng kapaskuhan at binati kita sa pamamagitan ng mensahe. "Maligayang pasko Yaneh! Mahal na mahal kita at sana masaya ka ngayon kasama ang pamilya mo." Sobrang saya ko dahil iyon ang pangalawa nating pasko bilang magkasintahan. Buong magdamag akong naghintay ng sagot mo pero walang dumating. Bakit ka nga ba sasagot eh hindi naman ako nagtatanong? Matatapos na ang pasko pero hindi mo pa ako binabati. Siguro nagluluto ka, kumakain o di kaya ay tulog. Marami nang nabubuong katanungan sa isip ko pero hindi ko pinansin iyon.

Dumaan na ang isang buwan pero hindi ka na sumagot. Hindi ka na nagparamdam. Laging unattended o out of coverage area ang sumasagot sa bawat pagtawag ko sayo. Nababaliw na ako kakaisip kung bakit ka nagpaalam at kung nasaan ka na. Kung may nagawa ba akong kasalanan kung kaya't umalis ka. Anong nangyari Yaneh? Bakit mo ako iniwan? Bakit biglaan? Anong nangyari sa ating dalawa?

Dalawang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon mahal pa rin kita. Hanggang ngayon umaasa pa rin akong babalik ka. Naghihintay pa rin ako sayo kasi mahal pa rin kita. Yaneh, babalik ka pa kaya? Mahal mo pa rin kaya ako? Yaneh, sana bumalik ka na.

"Rodrigo..."

Pinakamamahal Kong YanehTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon