7: The Remedy

3.9K 101 11
                                    

Sabi na nga ba, wala na namang mangyayari nung prom na yon. Napahiya lang ako. Nasaktan lang ako sa mga nakita ko. Napagtingan pa ko ng tao. Kung bakit pa kasi ako pumayag --Ewan ko.

Dahil weekend ngayon, wala akong ibang ginawa kundi ang magstay sa bahay. Tss. Isang linggo na din akong hindi pumasok simula nung prom na yun. Wala namang makakapansin na absent ako eh. Wala naman.

Pero, siguro, yun ang akala ko. Kung hindi ko lang nakilala yung lalaking yun. Payapa pa din sana yung buhay ko.

Nakarinig na naman ako ng sunud sunod na katok na parang nagmamadali na parang pag hindi ko agad binuksan, eh masisira na yung pinto namin.

"Nandyan na ho!" Ang ganda ganda ng upo ko sa sahig tapos kung anu-ano lang nilalaro ko tapos may maninira ng araw ko... Tsss...

Pagbukas ko ng pinto, isang kartero lang pala yung nandun. Hmm. Ok. Teka? Wala namang akong ineexpect na ibang dadalaw sakin.

"Ma'am. Sulat ho." tapos inabutan niya ko ng mga.... sampung sulat? Hmm.. Bukos sa bills ko, ano pa bang darating na sulat sakin di ba?

"Kuya, ang dami naman po, sigurado po ba kayong para sakin lahat to?" napakunot noo ako. Kasi, ang alam ko , wala ng makakaalala sakin. 

"Yun na nga po Ma'am eh. Nastuck po kasi sa office yung mga sulat niyo. Pang isang buwan na din po nang di nakarating. Pasensya na po Ma'am."

Inabot na ni Manong yung medyo may kakapalan na sulat na pang isang buwan na nga din daw. Yung ibang envelope yung may red and blue sa gilid, yung isa pa nga medyo kulay pink, at yung isa mga formal letters na nga din.

Umalis na si Manong at sinara ko na lang yung pinto. Nagbuntong hininga pa ako nang mahawakan ko na yung mga sulat na yun.

"Kanino kaya sila galing?" bulong ko.

Bumalik na ko sa dati kong pwesto. Yung halos nakabaluktot na ko. at kung san kumportable ako. Hindi ko pa din nauubos yung kape ko. Yung tv, bukas lang din.

Yung mga unang sobre, tama nga ko, yung kasalukuyang bill ko lang sa kuryente, tubig, telepono. Hayun. Yung iba, nakita ko na medyo gusot gusot na na parang naipit na ata.

Binuksan ko yung sulat. Kay papa pala galing. Napapaiyak na lang ako, kasi binalitaan niya ko na may bago na pala siyang pamilya. Parang dinudurog yung puso ko eh. Binalita niya din na, hindi pa sila kasal ng partner niya ngayon, pero they are working on it. Wag naman daw akong malungkot dahil hindi naman nila ako pababayaan. Naglagay pa sila ng mga pctures nila nung New Year Eve. Hmm. Nang tinignan ko yung date, netong january pa yung sulat. Tinabi ko na yung sulat. Pwede bang umiyak? Ang sakit sakit na eh.

Sumunod naman yung pink na envelope. Ang bango pa ng scent nang mabuksan ko yun. Narealize ko na kay Mama pala galing yun, kasi maganda yung sulat. Sabi ni Mama, okay naman daw siya sa States ngayon. Inadvice-an niya din ako na kina Tita na lang daw ako magstay para di na ko mag-isa.Ang dami ko na nga ding nabasa na I love You sa sulat niya pero hindi ko maramdaman. Tinanong niya din na bakit hindi pa daw ako nagrereply sa huling sulat niya. Hmm. Sa pagkakatanda ko, ang huli kong reply sa kanya ay pinapauwi ko na siya. At, hindi na ko sumulat ulit.

When Heart Skips a Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon