Una(2)

30 0 1
                                    

Nakilala ko si Drew nung First Year College ako. Noong una ko siyang makita bigla nalang bumagal mundo ko. Yung parang bigla nalang nagkaroon ng Butterflies yung tiyan mo. Hindi ako marupok na tao. I don't fall fast pero nung nagpapakita na sya ng motibo parang nagbago na yung timpla ko.

Ewan ko ba, kung minahal nya ba talaga ako o ganon talaga siya sa mga tinuturing nyang kaibigan? Hindi ko alam.

Naging mag kaibigan kami ni Drew, siguro buong akala niya hanggang kaibigan lang ang hangad ko.

Sana naman nung mga panahong nag papapansin ako sa kanya napupuna niya.

Ang Kurso ni Drew ay Engineering, Ako naman ay Tourism. Gusto ko maging Flight Attendant.

Siguro isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko maging Flight Attendant ay dahil ito sa kahiligan ko sa pag punta sa iba't - ibang lugar.
O dahil mahilig din si Drew sa paglabas labas ng bansa?

Napamahal ako sa mga konting bagay na naipapakita saken ni Drew.

Ang Ngiti nya.

Ang Tawa nya.

Ang mga  matang niyang kasing liwanag ng buwan.

Napamahal ako, e sya kaya ? napamahal din ba?

Naging ok kame ni Drew, bilang magkaibigan nga lang. 

Sobrang Close na namen umabot sa time na natutulog na ko sa kanila, sa higaan nya pa mismo tabi nya. Komportable na kame sa Isa't - Isa.

Siya pa nga mismo ang nag sabi na para na nga daw kame mag kapatid. Ngunit ang nararamdaman ko sa kanya ay hihigit pa sa mag kapatid.

Kilala na din ako ng mga magulang nya at kilala na din sya ng mga magulang kaso kilala kaming dalawa bilang magkaibigan nga lang, bestfriends.

Ang lungkot diba?

Pero lahat ng yon nagbago, naglakas ako ng loob.

Ako ay susugal kahit alam ko sa sarili ko na malaking tyansa ang pagkatalo ko.

Nangyari lahat ng iyon nung bago ako
gumadruate sa kolehiyo.

A Story for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon