Sweet Revenge

34 1 1
                                    

“Break na tayo…” sabi niya sa akin

“WHAT!? No please, no. Mahal kita James at alam kong mahal mo din ako. Please don’t do this…” sabi ko sabay yakap sa kanya

“May iba na akong mahal” sabi niya sabay tanggal sa pag kayakap ko

“Wait, hindi kita maintindihan James…” nagtatakang sagot ko

“Can’t you take a hint? I don’t love you anymore, oh yeah I never did...” sagot niya

“…”

“Bitch! Wala ka nang silbi sakin ngayon!” sabi niya

*slap*

“And guess who she is, Nadine” sabi niya

“How could you!!! Bestfriend ko pa talaga!!” sabi ko habang hinahampas siya

“AAAAHHHH!!!” Biglang akong bumangon sa pag kakahiga

“Putek! Pati ba naman sa panaginip guguluhin mo ako!! ARGG!! WALTER JAMES PEREZ I’LL MAKE YOU PAY…BIGTIME” sabi ko sa sarili. Buti na lang walang tao dito sa condo ko.

Ako nga pala si Lea Veronica Saavedra. 17. Nerd .Galing sa isang exclusive school. Valedictorian nung Elementary at High school, ewan ko na lang sa College. My Parents died in a horrible car accident kaya naiwan ang responsibilidad ko sa aking Tita Karla since wala naman silang anak ni Tito Mark, second husband niya… namatay kasi si Tito Anthony dahil sa plane crash. Araw-araw kong napapanaginipan yung pag break sakin ni James, nangyari yun the day after kami grumaduate sa high school. Nasaktan ako ng sobra nung araw na yun, muntik na nga akong mag laslas dahil sa kanya, pero ang masakit pa dun…bestfriend ko pa ang pinalit niya… si Nadine Lynette Valdez. Nag tagal din kami ni James ng 3 years, hindi ko nga alam kung paano niya nasabing hindi niya ako minahal, siguro nga ginamit niya lang ako para tumaas ang grades niya. Oo, inaamin ko tinutulungan ko siya sa school, ako gumagawa ng reports niya, mapa-assignments pa o projects. Nag papagamit ako para hindi niya ako hiwalayan. Maraming beses ko na rin siyang nahuling kasama ang ibang babae pero isang paliwanag lang niya ok na. Tanga na kung tanga pero minahal ko siya eh. The day before graduation pinilit niya akong makipag sex sa kanya, tumanggi ako kasi kahit mahal ko siya hindi ko isusugal ang pagka babae ko, nagalit siya kaya siguro siya nakipag break, kasi yun lang ang habol niya. But I swear I’ll make them pay…both of them, hindi na ako yung dating Lea Veronica Saavedra na inosente sa mga bagay-bagay. Natauhan na ako ngayon, hindi na ako mag papagamit sa kung sino. The nextime you see me Walter James Perez, ikaw naman ang mag mamakaawang makipagbalikan ako sayo. Ngayon ako naman ang mangiiwan, ako naman ang manggagamit. Nasaktan kasi ako…pasensya na.

Tumayo na ako at nag unat-unat bago nag handa para sa first day ng college. Ligo.Bihis.Kain. Ayos.Check ng gamit. Sabay labas sa condo para bumaba, nasa 13th floor kasi condo ko -_- kaya sa elevator ako sumakay. Wala pa ako sa mood para mag exercise. 

Habang nasa loob ng elevator iniisip ko na kung paano ako makakapag adjust, wala kasi akong kakilala dito sa St. Joseph. Pero ok din yun kasi kilala ako ning high school bilang isang nerd. Nakasalamin ng malaki, kulot ang buhok, naka- head band, source ng sagot, teacher's pet, SSG vice president etc. pero ngayon ganito na ako simula nung summmer, naka- contact lens, big curls, either naka braid or naka lugay, naka pumps minsan converse sneakers.

Bumukas yung elevator sa 10th at may pumasok na isang lalaki.

Medyo na attract ako dun sa guy. Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng dex appeal niya or siguro sadyang gwapo lang siya. I wasn't aware na naka titig na pala ako sa kanya.

"Is there something wrong Miss?" tanong niya

"Ops! Sorry I know it's rude to stare..." saka lang ako nagising sa katotohanan

"tss" medyo na turn-off ako dun ah, ang yabang -_-

---MOMENT OF SILENCE---

Naputol ang awkward-ness nung nag salita siya

"The name's Ace Ward by the way..." pag katapos niyang sabihin yun lumabas na siya ng elevator. Nasa ground floor na pala -_- Ace Ward pala ha!

_____________________________________________________________________________

Author's Note:

So, kamusta? Ang pangit noh' T_T ito po ang bunga ng pagka adik ko sa Wattpad. 

P.S. Hindi ko hinahabaan ang Author's Note kasi alam ko naman na most of the readers di na ito binabasa at minsan nagiging abala pa. I'm GUILTY.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon