Kriiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiing! Kriiiiiiiiing! (Sabi ng aking Alarm Clock na naghuhudyat na gumising na ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog)
5 minutes pa!(Habang hawak-hawak ko ang aking alarm clock na animo'y marunong itong umintindi ng salita ng tao)
Pintatay ko ang alarm, at nag-setup ng panibago. (Medyo tamad ako kaya pinili kong iset-up ito ng 10 minuto)
Kriiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiing! Kriiiiiiiiing! (haaaaaay ito nanaman, minulat ko ang aking mata at kahit silaw na silaw sa ilaw ay sinubukan kong tingnan kung anong oras na)
6:30 am na (Makailang beses na pala ako gustong gisingin ng alarm clock ko at kung tao lang ito ay natadyakan na ako o nabuhusan ng tubig)
Maaaaaaaaa! maaaaaa! may almusal na ba? (Lagi kong iyang itinatanong pagka't alam kong nauuna silang magising)
Tamad na tamad akong bumangon sa higaan at papikitpikit pa ako nang pumunta sa kusina.
Anong pagkain? (Patanong tanong pa ako, pero alam ko naman ang sagot na Pandesal at Kape lang ang palaging nakahain. Alam kasi nilang hindi ako palakain pag-umaga)
Anak, Unang araw mo to grade 4 ka na! at WOW, anak section one ka na! ( Pambungad na salita at pagbati ni Mama na punong-puno ng Pagmamalaki at punong-puno ng excitement! nasa panghuling section kasi ako nung grade 1 hindi ko kasi tinapos ung kinder ko sa probinsya, Pero dahil may kaunting utak na tumubo sa akin nung nagsimula akong mag-aral eh napalipat ako sa mas mataas na section)
Ma, parang ayaw ko munang pumasok! (Tugon ko, dahil magkahalong kaba at katamaran and bumabalot sa akin nung umagang iyon)
Nako! anak, aren't you excited? marami kang makikilalang bagong bata! masaya yun' at lahat sila matatalino! (Ang Taglish na sagot ni mama na medyo nag-panosebleed sa akin ng kaunti)
Ayun nga po ma! hindi po ako sanay na maraming matatalino. Kasi simple lang po ang mga dati kong kaklase. At ma, paniguradong mahihirapan ako dahil ako lang po ang bago doon, at baka maliitin nila ako dahil galing ako sa mas mababang section (Takot at pagaalinlangan ang tumatakbo sa aking isipan. Papasok na naman ako sa bagong grupo ng tao, susubukang makihalubilo at matanggap)
Sus! kaya mo yan, ikaw pa! Your the best (Tugon ni mama ng may pambobola at sabay yakap sa akin)
Naks! napalakas ni Mama ang loob ko na pumasok at harapin ang bagong kabanata ng aking pag-aaral. Natapos din ang pilitan at ako ay naglakad na patungo sa aming paaaralan.
(Habang naglalakad, ako muna po ay magpapakilala)
Ako nga pala si Empoy Protacio, isang patpatin at iyakin na bata. Hindi matalino, hindi rin naman bobo (Sapat lang) Ako ay isang tipikal na bata na nakikita nyo sa kalsada tuwing hapon na naglalaro ng patintero at tagu-taguan at uuwi para manood ng paboritong Cartoons bago maghapunan. Ako ay 10 taong gulang pa lang at nangangarap na maging Imbentor ng kung ano ano. Hindi ko masyadong lalagyan ng detalye para naman may kaunting misteryo. ;)
Ito ang istorya ng aking kabataan, istorya kung saan nyo matutunghayan ang iba't ibang kabanata ng aking tipikal na buhay na punong-puno ng twist at kalokohan.