Siya parin ba?

2.8K 76 76
                                    

"Siya parin ba?" 

Gusto kong marinig kung ano yung sagot mo. Pero bakit hindi ka makasagot? Dahil ba tama ako? Sabihin mo lang. Hindi ko masasabing hindi ako masasaktan pero pramis, iintindihin ko. Basta sagutin mo lang yung tanong ko ngayon...

"Ano na?" Tanong ko ulit kasi wala ka paring imik. Kailangan ko ng sagot mo. Wag mo na akong paasahin pa, masakit eh.

"Tara na. Ihahatid na kita sa inyo." Sabi mo. Hindi na ako humirit pa. Naiintindihan kita, Baka kasi naguguluhan ka pa.

Tahimik lang tayo habang papunta sa bahay namin at nadaanan natin ang tindahan ni Aling Nena, kung saan natin siya nakita kahapon.

Kahapon, bago tayo pumuntang Theme Park upang magsaya, nakita natin siyang bumibili ng softdrinks sa tindahan ni Aling Nena. Naka jersey siya, shorts, at sapatos. Nag-muse ata siya roon sa liga. Biglang nagliwanag ang mukha mo noon at dali daling naglakad papalapit sa kanya.

"Nauuhaw ako. Bili muna tayo." Sabi mo sa akin nang tumigil tayo sa harap niya.

Nagulat siya ng makita tayo. Kita sa mata niya eh. Alam niya kasing girlfriend mo ako dahil nakita kong nilike niya ang picture natin sa facebook. Naiinis ako sa titig mo sa kanya kaya naman kinuha ko ang tubig sa bag ko at binigay sayo sabay hila sayo papalayo dun.

Nakarating na tayo sa bahay. Walang I love you, walang kiss, walang hug. Ni bye hindi mo man lang nasabi. Umalis ka nalang bigla at iniwan ako sa tapat ng bahay namin. Wala akong magawa kaya pumasok nalang ako ng bahay at dumiretso sa kwarto ko para maglaptop.

Ang tagal ko naring hindi nakapag facebook. Tiningnan ko ang profile mo. Pero ang nakita ng mata ko ay yung bago mong Display Picture. Bakit mo binago? Nung nakaraan lang picture nating dalawa ang Display picture mo. Pinrevious ko at nakita ko ang picture nating dalawa. Tiningnan ko rin pati comments. Kesyo bagay na bagay daw tayo, kesyo bestfriends turn to lovers daw.

Bestfriends. Ganyan tayo for two years. Syempre alam ko lahat ng tungkol sayo. Alam ko rin na nililigawan mo siya noon. Sabi mo pa nga, 5 years mo na siyang nililigawan pero hindi ka parin sinasagot. Dun nabuo ang paghanga ko sayo. Dahil nga crush kita, tuwing nagkwe-kwento ka tungkol sa kanya, nasasaktan ako. Pero wala pa akong karapatan noon.

Pagkatapos nun, natulog nalang ako. Ayoko munang magpuyat kakaisip kung ano ang susunod na mangyayari. Kailangan ko lang magpahinga dahil bukas, magiisip ako ng dapat kong gawin para hindi na ako masaktan pa.

Kinabukasan...

Siya parin ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon