Eclipse

681 8 10
                                    

Nagsimula ang lahat noong 2006 first year highschool ako noon. totoy na totoy walang malay sa buhay pagiging teen ager. Nagkaroon kami ng assembly sa ground lahat ng presidente ng klase ay pinatayo samantlang ang lahat ay nakaupo. Nakaupo ako, habang nasa harapan ko nakatayo ang aming presidente May lumapit sa kanyang babae. Tumigil na panandalian ang mundo ko. Alam mo yung feeling na Blurred ang lahat at siya lang ang malinaw lumapit sya sa president namen para magtanong kung para saan ang assembly , nalungkot ako kasi umalis na saya .. dali dali kong tinanung sa pres namen kung ano pangalan niya sbe niya "mitzkie" .. mitzkie mitzkie mitzkie .... parang musica sa aking tenga :) Naging inspirasyon para sakin sya ang naging rason kung bakit ko gusto parati dumaan sa 3rd floor samantalang 4th floor kme .. para lang masilayan siya.

2nd year ako noon nalamn ko nagkaboyfriend na pala siya. nalungkot ako kasi sbe ng mga kaibigan ko mahal na mahal daw niya yon. tagos yon !!! well life goes on .. napakatorpe ko kasi !!!!

nagkaroon akong makasama ang ex niya na si John sa isang activity nang school sa kamalas malasan kaming dalawa lang ang lalaki noon. nakilala ko din dun ang bestfriend ni mitzkie si amy at phemy..Habang nakaupo kami ni john sa hagdan binunot nya yung pitaka niya nakita ko "aba makapal" "mayaman to " binuksan niya puro pictures... bumunot sya ng isang picture .. SIYET picture ni mitzkie yon ! sbe niya "pare ! ex gf ko .. mahal na mahal ko to " Alam mo yung pakiramdam na binagsakan ka ng langit at lupa ? ayun yung naramdaman ko sa mga panahon na yon.. dinedma ko nalang sinu ba ko ? para magselos eh hindi nga alam ni mitzkie na nag-eexist ako :(

Isang araw habang nagfe-freindster ako pumunta ko sa page ni mitzkie ,, tinignan ko lahat ng tungkol sa kanya kung ano ba ang mga paborito nyang pagkaen . music lahat .. tinadtad ko sya ng mga coments at testimonial . binigay ko pa nga ang telephone number ko sabi ko tumwag siya .HAHA wala lang wala kasi ako maisip na ilalagay eh. Umasa ako na tatawag siya ....

ilang oras ang lumipas nagring ang phone ! kinabahan ako bigla ...

"hello?"

"hello? sino to?"

"mitzkie to "? ikaw ba yung popoy ?"

"OO" ako nga (kinakabahan ako na masaya na ewan)

"ah oh bakit mo ko pinatwag?"

"may classmate kabang moera?"

"pacapac"?

"oo!"

biglang baba ng phone ...

sobrang saya ko nang gabing iyon !!! sobra ....

kalagitnaan ng aking 2nd year times . nakuha ko ang number ni john .. swerte kinuha ko rin sa kanya ang number ni mitzkie ,, binigay niya naman ito !! *jackpot ^^

nagkatext kami siguro ang impression niya sakin ay stalker . wala lang deadma pero kahit simpleng reply niya lang ehh mamatay matay na ko sa tuwa at kilig. Binigay ni amy sakin yung number niya , ayun feeling ko ang close close na namen ni amy na dumating sa punto na nagpatulong ako magpaligaw kay mitzkie. Pumayag siya hanggat sa tinatawagan ko si amy kung may progress na .. ayun "ayaw ni mitzkie" :( saklap .. Pinilit ko parin pinilit ko Feb. 2 2007 nagpumilit akong ligawan siya kahit na magmukha akong tanga. in fact inaaway ako at ayaw sakin ng mga tropa niya :) masaket .. sumisikat ako sa section nila (palagay ko) at parang pinandidirihan ako nila mitzkie at mga tropa niya.. Masakit . dumating din sa punto na lahat na ng mga kaibigan niya'y nakaaway ko na .. sobra daw ang pagka ASSUMING ko para kay mitzkie ..

Sinu nga ba naman ako ? star section siya , sa lower naman ako.Masakit.

nakilala ko si mey. kaklase ni mitzkie mabait siya kabatch ko siya nung elementary nakpalagayan ng loob ko sya at dumating sa punto na niligawan ko siya . tinanggap niya ko pero hindi naman naging kame. dahil si mitzkie nga lang tlga ang gusto ko. ayun okay lang naman sa kaniya .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon