My Friend

12 3 0
                                    

Nagsimula ito nang lumipat kami nang bagong tirahan. Anim na taong gulang pa lamang ako noon. Nagkaroon ako nang bagong kaibigan (imaginary friend), siya si Licey.

Lagi kaming naglalaro ni Licey. Gaya nang tagu-taguan, patintero, habul-habulan at iba pa.

Isang araw tinawag ako nang mama ko para magdinner. Naligo nadin ako kasi ang baho ko na gawa nang paglalaro namin ni Licey. Pagkatapos maligo umupo na ako para kumain. Maya-maya habang kumakain tinanong ako nang mama ko kung sino daw ang kausap ko sa labas.

Kaya sinabi ko sa kanya ang pangalan ng aking kaibigan, "Licey po" at tinanong niya ako kung saan nakatira si Licey. Sinabi ko, "Sabi niya wala siyang bahay at ang bahay nila matagal ng nasunog". Kinibit-balikat lang ito ni mama. Nakaraan ang ilang taon, lagi parin akong nakikipaglaro kay Licey. Natigil lang ito nang bigla na lamang siyang nawala, mga sampung taong gulang na ako. Nalungkot ako kasi wala na akong kalaro.

*****************

Makalipas ang ilang araw. Lagi akong nakikita ni mama na matamlay at malungkot, kaya nagdesisyon itong bilhan ako ng manika,.Kaya binilhan ako ni Mama nang manika. Tinawag ko itong Lacey, (may hawig kasi sila ni Licey).

Una hindi ko ito nagustuhan. Pagkatapos lagi ko na itong nilalaruan. One time, aksidente kong natusok nang karayom ang aking manika, nakita ko bumago ang itsura nito. Natakot ako kasi ang itsura nang manika ko ay galit.

Nang matutulog na ako dahil gabi na may narinig akong bumubulong " Gagawin ko rin sayo ang ginawa mo sa akin at ako lang ang gagawa nito sa iyo". Pero inisip ko lang na imahinasyon ko lang ito.

Natulog na akong mahimbing.  Hanggang sa may maramdaman akong tumusok na parang karayom sa aking katawan.

Nagising ako at mayroong tusok ng karayom sa aking braso. Tusok na tusok ito sa aking braso na halos ang makikita mo lamang ay yung ulo nang karayom. Kung hahawakan ko ito ay papasok na talaga ito sa aking braso. Hinawakan ko ang braso ko para tanggalin ang karayom, nang mahawakan ko ito pumasok na ito.

Dugong-dugo na ang aking braso. Tumingin tingin ako sa paligid kung nandito pa ba ang aking manika. Nakita ko ito sa aking lamesa na nakangiti at masaya. Sumigaw ako nang "Mama, mama, tulong, TULUNGAN NiY0 ako".

Narinig ko ang mga yabag na papunta sa aking kwarto. Binuksan nito ang pinto at nakita ko doon si mama. Nakita ko rin ang manika ko na hindi na gumagalaw. Nandun na natulog sa katabi ko si Mama.

Ikinaagahan, sinabi ko Kay mama ang nangyari. Kung paano umiba ang ekspresyon, gumalaw, magsalita ang aking manika. Pinakita ko rin sa kanya ang tusok ng karayom sa may bandang braso ko. Nagulat ito at Simula noon sinunog na namin ang manika.

Ngayon ito na ang mas nakakatakot. Isang buwan meron akong naging mga kaibigan sa araw ng aking ika labing-anim na kaarawan.

Lahat ng kaibigan ko, nandito sa aking kwarto. Nang ang isa kong kaibigan na si Macy magsalita ", Hey, bumili ako nang ouija board.,Gusto niyo bang maglaro tayong lahat!?.

Kaya, nagpabilog na kami nang upo. Ang kaibigan kong si Mily sinabi na siya na daw ang magtatanong ng mga tanong, at ang kaibigan ko naman na si Mary na madaling makaramdam ng takot sabi niya siya na daw ang magsusulat. Sinara na namin ang ilaw sa aking kuwarto at nagsimula na.

Kaya si Mily nagtanong kung may espiritu ba sa kwarto. Gumalaw ang panturong bagay sa Oo.  Sumunod tinanong niya ito kung lalake o babae ba siya, at kung ano ang pangalan nito. Babae ang itinuro nito, at ang pangalan ay L-i-c-e-y!!!!

Dun na sa puntong iyon ako nagsimulang matakot, kasi naalala ko ang imaginary friend ko nung bata pa ako. Kaya, umayos na kami nang upo yung hindi na pabilog, at tumayo ako para buksan na ulit ang ilaw.

Malapit lang naman sa akin ang switch ng ilaw, na katabi nang salamin. Parang may something na nagsasabi sa akin na tumingin sa salamin.

Nang tumingin ako sa salamin dun ko nakita ang isang bata na nakaputing bestida at may maputlang balat.

Mahaba ang buhok nito at ang mata nito pulang-pula na halata mong galing pa lamang sa pag-iyak. Inabot nito ang kamay niya sa akin, at bigla na lamang siyang nawala. Hindi ko na siya doon nakita, pero minsan may naririnig akong tinig galing sa hangin na tinatawag ang pangalan ko.

************

Isang araw, natagpuan ko na lang ang aking sarili na naglalakad sa gitna nang kalsada. Hindi ko maintindihan kung ano ang ginagawa ko dito, o paano ako napunta dito. Hindi ko din alam kung anong oras na.

May nakita akong babaeng naglalakad papunta sa direksyon ko at pinatigil ko ito."Nakalimutan ko po ang aking relo", sabi ko dito at ngumiti."Puwede ko bang malaman kung anong oras na?. Nang nakita niya ako ay sumigaw ito at nagtatatakbo.

Then, napansin kung takot na takot din ang ibang tao sa akin. Ano ba itong pakiramdam na ito. Pakiramdam ko parang may mali.
Nang nakita nila akong papalapit sa kanila, nagtatatakbo din ang mga ito.

"Para talagang may mali sa akin". Naisip ko. " Mabuti nang umuwi nalang ako sa bahay".

Pumara na ako nang taxi, pero nung tumingin sa akin ang driver, ay bigla na lang nito pinaharurot ang
sasakyan. "Bakit ba sila ganyan!". Sabi ko sa aking sarili.

Hindi ko alam ang nangyayari at bigla akong kinabahan. " Baka may isang tao sa bahay na pupunta dito at isusundo ako". isip ko.

Nakahanap ako nang telepono at tinawagan ko ang aking bahay, inaasahang may magsasagot. Sa halip, boses ng hindi kilalang tao ang sumagot.

"Nandyan po ba si Chloe!? (ang tinutukoy ko na Chloe ay ako)". Tanong ko dito.

" Pasensya na, wala siya dito,".sabi nang boses.

"Namatay siya sa isang car accident, at ang mama nito ay nasa libing niya." dagdag nito sa kanyang sinabi.

Ngayon alam ko na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon