Ang Higanteng Ibon at si Gamay- Teaser

3.1K 101 3
                                    

Teaser

Isang malaking itlog ang napulot ni Gamay habang naglalakad. Iniuwi niya ito at nilimliman gamit ang taglay na init ng pandesal na inilalako niya tuwing umaga.

Tuwang-tuwa siya nang mag-umpisa na itong magkalamat. Nagluha ang kanyang mga mata nang makita ang munting inakay sa loob.

Inalagaan niya ito at pinakain hanggang sa lumakas. Napansin niya ang mabilis nitong paglaki, kakaiba sa mga ibong nagliliparan sa himpapawid.

Ano ang gagawin ni Gamay upang mapangalagaan ang alaga niyang ibon sa mga kababaryong ang akala'y isa itong mabangis at mapaminsalang hayop?

Handa na ba kayong alamin ang kwento nila?

Halika na at basahin natin ang kanilang kasaysayan.

Published na po ang kuwentong ito under LE SORELLE PUBLISHING. Isang kuwentong pambata na may drawing. Ito po ay bahagi ng LSPUSO project kung saan benificiary ang mga batang nasa banig ng karamdaman. Maraming salamat po sa mga bumili.  :)




Ang Higanteng Ibon at Si GamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon