Black Out

15 0 0
                                    

Angel's pov

"H-hindi totoo y-yun! Mahal kita!"

Biglang nanigas ang katawan ko at nahiga nalang ako sa sahig. Sana nga di ko nalang sya iniwan.

No one's pov

Biglang nagising si Angel nang hinihingal. At syempre nagulat dahil pagmulat nya ng kanyang mata, sya agad ang nakita nya.

"Anong ginagawa mo dito?! Nasan ako?!"

Agad nyang pasigaw na tanong. Tuloy biglang nanlisik ang mata nya.

Kerby's pov

Tangina ang bigat nang babaeng 'to! Isang sako nang bigas nato! Bakit ba naman kasi di nya ako hinintay sa mall?! Yan tuloy nahilo bigla sa park. Pabaya talaga ang babaeng ito. Nakakwalang gana.

"Anong ginagawa mo dito?! Nasan ako?!"

Ang lakas talaga nang boses nya. Nanlisik ang bigla ang mga mata ko.

Sya pa talaga yung may ganang manigaw pagkatapos ko syang tulungan?! Punyeta talaga. Ba't ba kasi ako pa yung guard nito. Hirap naman nyang bantayan. Para syang bata na di lumaki.

"Kumalma ka nga! Ako na nga 'tong tumulong ako pa yung masama?!"

"Edi sorry naman! Nagulat lang naman ako eh!"

"Pwede bang wag kang sumigaw?!"

"Ikaw rin kaya!"

Natahimik kaming dalawa. Huh! Nasa bahay ko sya kaya manahimik sya. Respetuhin nya sana ang taong tumulong sa kanya. Langhya.

"Okay.. Sorry na. Nagulat lang kasi ako."

Di ako umimik. Dapat lang na magsorry sya no! Di palagi sya ang masusunod.

"Nasan ba tayo?"

"Sa kwarto ko..."

Bigla syang natahimik. Namula agad ang pisngi nya. Parang.. Nagets ko na kung bakit...

Namula na rin ako kaya tumayo ako tsaka tumalikod sa kanya. Bastos din 'tong babae na 'to!

"Hoy! Walang nangyari!"

"Oy bakit? May sinabi ba ako?"

"Eh kitang kita sa mukha mo!"

"Hala! Denial kapa!"

"Tss! Manahimik ka nga!"

"Pa'no ba ako napunta dito?"

Lumipad ka Gel! My ghad! Naiis-stress ako sa babaeng ito. Walang common sense.

"Syempre dinala kita dito kasi nahimatay ka sa park. Uuwi ka narin naman maya-maya."

Sabi ko sakanya. Napatahimik nalang sya sa kama. Swerte nya at sa kama ko sya nakahiga ngayon. Hindi sa kama nang iba. Baka napagnasaan na 'to ngayon. Maganda pa naman sya.. Sexy, matangos ang ilong, maputi... tsaka...


WTF?!?!?!? 😑😑😨😨😨😨

BAKIT KO BA YUN INIISIP?! TANGINA?!

Umalis na muna ako sa kwarto. Medyo naka lasa ako nang dugo sa bibig ko. Maybe i bit my lips while- ugh! I hate my life!

Kumuha muna ako nang baso tsaka uminom. Naisipan ko nang dalhan sya nang pagkain. Baka nagutom yun kanina sa park kaya nahimatay. Pero, nasa mall nga sya kanina para kumain diba? Hay! Ano bayan!

Bahala nga sya dyan!

"Hoy babae, maligo kana at magbihis. Uuwi kana."

Tumingin sya sakin na parang nagulat.

"How disrespectful. May pangalan po ako."

"Alam ko."

"Oh? Alam mo naman pala ah. Ba't ganun yung tawag mo sakin?"

"Bakit? Anong problema dun?"

Tumaas ang kilay nya sakin. Tumayo sya sa kama tapos lumapit sakin. Ang liit talaga nang babaeng 'to. Hanggang balikat lang eh. Maganda nga talaga sya sa malapitan..



WTF?!!!!!! UGH! AYOKO NA.


"Anong kailangan mo?"

Tanong ko sakanya.

"You have no manners. By the way, nasan ang towel, banyo, damit na susuotin ko, tsaka paki labas nalang please."

Aba punyeta! Kwarto ko 'to ah! Bahay ko 'to!

Pero ayoko nang magsalita. Baka kasi magsipasukan ang mga yaya namin dito dahil nagsisigwan na kami. Tinuro ko nalang ang lahat sa kanya tapos lumabas. Dun nalang ako sa kabilang CR maliligo.

************

Promise, I'm YoursWhere stories live. Discover now