"Ano ba yan,class! Ang dumi na naman ng classroom nyo! Ilang beses ko bang sasabihin na *blah*blah*blah*" nagsimula nang mag-salita yung teacher namin sa Filipino.
Kasi naman yung mga classmates ko, ang laki-laki na nga ng sign na bawal kumain sa loob ng classroom,kumakain pa rin. Napapa-galitan tuloy kami lagi ng mga teachers.
Bawat subject nalang, kelangan lagi magpulot at lumabas para magtapon. Nakaka-tamad kaya! BV.
"Naka-simangot kana naman,dude." Pansin sakin ni Francis. Isa sa mga kaibigan ko.
"Kasi naman eh! Hindi naman ako nagka-kalat pero ako yung laging nag-tatapon! Nakaka-banas lang." Pag-papaliwanag ko.
"Ayaw mo 'nun, lagi mong makikita si Aron?hahaha!!" Asar nya sakin.
Tinignan ko sya, "Lagi rin naman syang nasa loob ng room eh. Di nga ata lumalabas yun." Tumawa lang sya. At nakipag-usap na sa iba naming classmate. Therefore, naiwan ako mag-isa.
Nung nadaanan ko yung room nila Aron, yung crush ko (obviously), nakita kong naka-upo lang sya at seryosong-seryoso. Well. Serious nga syang tao. At literal na gwapo, matalino, at gentleman. Sa kakaisip ko, hindi ko naramdaman na katapat ko na pala yung tapunan ng basura at kulang na lang eh halikan ko na para happy ending na kami.
"Hoy Alex! Papakasalan mo na ba yang basurahan?! Kulang nalang ang 'I Do' mo!" At nagtawanan na yung mga klasmeyts kong kasabay ko sa pagtatapon.
I rolled my eyes, "well, sweet lang talaga ako kaya ganyan." Nagtawanan pa sila ulit, at naglakad na papasok ng room. Binagalan ko lalo yung lakad ko para makita ko ulit si Aron.
Kaso ang panget nung nakita ko. May kausap syang babae. At mukha pa syang masaya. Nakaka-inis! Nakaka-asar! Nakaka-banas! Anubayan!
Naglakad nalang ako pabalik ng room. Nung hahawakan ko na sana yung doorknob, bigla kong naalala na hindi ko pala natapon yung mga basura na dahilan ng paglabas ko. Sa sobrang inis ko, binato ko nalang sa labas ng room namin yung mga basura. Magso-sorry nalang ako sa mga janitors ng school mamaya.
The Next Day
"Oy,diba may program ngayon sa Auditorium?" Tanong ni Clare. Bestfriend ko.
"Kasali ba section natin dun?Malay mo hindi!" Singit naman ni Ysa. Bestfriend ko din.
Sakto namang dumaan yung mga ibang section. "Kyle, saan kayo pupunta?" Tanong ko sa klasmeyt ko dati.
"Sa audi,may program daw. Alam ko kasali section nyo dun eh." Sagot nya,tsaka lumakad ulit. Nagtinginan kaming tatlo. At isang kindat lang, nagtakbuhan agad kami papuntang room. Only to find out na umalis na yung mga kaklase namin. Great.Really.
Kinuha na namin yung mga bag namin at nagsimula nang maglakad papuntang Auditorium. Nung malapit na kami sa may elevator ng Blg.H, biglang nag-stop si Clare sa paglalakad.
"Huy,Clare! Mamaya kana mag-moment dyan,late na tayo! Sige ka, mawawalan tayo ng upuan! Huy!" Sigaw ni Ysa.
"Baliw! Nakalimutan natin yung project natin sa History!" Tapos nagsimula nang tumawa si Clare. Ganyan talaga yan eh. May pagka-abnoy :p Pero mabait yaaan. Pramis.
Nagka-tinginan na naman kami ni Ysa.
"Ako nalang kukuha!" Sabay naming volunteer.
"Ako na! Bibili rin kasi ako sa Cafeteria ng tubig eh." Palusot ko. Ang totoo, gusto ko lang maglakad ng maglakad. Ewan, trip ko eh.
"May tubig ako dito,Ako nalang kukuha! Para makita ko ulit si Nico." Tumawa na naman po si Clare. "Alam nyo,Ako na. Mauna nalang kayo para makapag-save kayo ng upuan para sa ating tatlo." Pangangatwiran ko.
Hindi ko na hinintay yung mga sagot nila. Mga pa-suspense pa kasi yung mga yun eh.
Sa Gym na 'ko dumaan para makita ko yung mga gwapong varsity players na mga topless.
Ayy. Baliw! Loyal ako 'no!
Kay Aron lang 'tong puso at isip ko. Huehuehue :( Mabuti pa ako loyal. Sya nga ni hindi nga nya alam na gusto ko na sya 3 years ago pa.
"Ate. Ito po oh!" Nagulat ako nung biglang may tumapik sa akin na bata na mukhang napadpad lang dito mula sa Elementary Division.
Crumpled Bond Paper.
Yeah. Yan yung binigay sa akin ng batang may salamin. Gravity, akala ko lahat ng mga mukhang nerd na bata mababait!? Mali pala.
After ng ilang minuto, may 2. Uuuuuu vpang bata ang nagbigay sa akin ng crumpled paper. Seriously. Trabaho ko na ba ang maging basurera? Ha?! BV.
Naglakad nalang ulit ako pabalik ng room. Tsaka itatapon ko na rin itong mga crumpled papers. Nilagpasan ko na yung room namin at yung room nila Aron.
Ihuhulog ko na sana yung mga papel nung biglang —
"WAG! Please! Wag mong ihulog yan!!!" Si Aron...?
WHAT. SERIOUSLY?! Should I laugh or something? Is this some kind of joke?
"Aron..?" He walk towards me."Hi," then he scratched the back of his head, "a-ano kasi..uhm—" Biglang may kumanta ng Out of my League sa likuran namin.
HALA! Sila Francis ba talaga yun!? Mali-mali pa yung lyrics nila (=_=)
"Uh,sorry medyo hindi napag-handaan. Pero... sweet naman,diba?" Tanong ni Aron.
"Oo. Pero... para kanino ba yung kanta?" Ang sakit pala talaga.
Lalo na pag ikaw yung ginawang sample sa panliligaw.
"Para sayo."