Sana Lalake Nalang Ako (One shot)

128 6 1
                                    

Sana Lalake Nalang Ako

Written by: MissAirHeadPrincess

Maraming pinagkaiba sa mundong ito.

May lalake at babae. May mayaman at mahirap. May matalino, mayroon ding bobo. May maganda, may panget. May matangkad, may pandak.

Hindi ko alam ba't hindi magkaparehas ang mga bagay sa mundong ito. Bakit ba dapat sa isang bagay ay may opposite?

Ba't ang mga lalake lang ang most na naglalaro ng basketball??

Ba't mga babae lang ang mahilig mag-make-up?

Pinanganak akong isang babae.

Sa boung buhay ko, tinuturuan akong maging manhid.

'Yong body posture at buhok, dapat wasto.

Dapat lahat ng bagay na ginagawa ko ay perpekto at malinis.

Naiingit ako sa mga lalake.

Pag-tinitingnan ko silang nag-lalaro ng basketball, bakit ba hindi sila napapagod tumatakbo at nag-sho-shoot ng bola? Ba't hindi sila napupuyat?

Pag-nag-bubuhat sila ng mabigat, ba't hindi sila napapagod sa pag-bubuhat? Diba mabigat??

Sa tingin ko, wala silang pake-alam ng ano-ano kahit putik man ang kakainin nila. Pwedeng lahat hindi perpekto. Malaya silang gawin ang gusto nila.

Nakaka-inggit.

Sana lalake rin ako.

Makapag-lalaro ako ng basketball na hindi napupuyat.

Makapag-buhat ako ng mabigat ng walang pagod.

Wala akong pake kung kinain ko ba ay putik o pagkain.

Pwede lahat hindi perpekto.

Hindi katulad sa babae, madaling mapuyat.

Ba't ba lalake ang unang dapat nanliligaw sa babae?

Sana katulad ako sa kanila. Yung may courage na magsasabi tungkol sa feelings ko sa taong gusto ko.

Wala yun sa babae. Nakakahiya eh.

Pag-pupunta ang mga lalake sa ibang lugar, ba't parang walang pakealam ang mga magulang kung saan man sila mapadpad?

'Di katulad ng babae na dapat sa lahat ng pupuntahan mo, maski sa CR man lang, ay dapat alam ng magulang.

Ba't ba ang dali umiiyak ang mga babae?

Minsan, iniisip ko ang O.A. eh.

Pag-tungkol sa pag-ibig man yan, ibig sabihin dun, yung taong minamahal mo ay hindi para sa 'yo kaya nilalayo kayo.

Policy ng ibang magulang, 'Study first before love.'

Dapat sa babae, makatatapos muna sa pag-aral before sa pag-iibigan.

Pero sa lalake, okay lang sa magulang kung may girlfriend na ba sila o wala. Ang mga magulang nga mismo ang nag-e-encourage sa kanila na magkaroon ng girlfriend, di tulad sa babae, kahit crush man lang ay magagalit na tuloy.

'Pag may gustong sabihin ang mga lalake, sinasabi nila ng walang problema.

Ang babae naman, hindi nila masabi.

Pagdating naman sa fashion-fashion or trend thingy, ang lalake, walang pake kung anong sinusout nila. 'Di tulad ng babae na dapat terno ang damit at sapatos.

Ang mga babae, marunong mag-sinungaling na okay lang sila pero deep down inside, nalulungkot o nasasaktan sila. 'Di tulad ng lalake na pwede lang sabihin sa iba ang nararamdaman nila.

Maraming mysteryo tungkol sa babae at lalake.

Mostly things about the two of them are opposite.

Pag-wala sa lalake, meron sa babae.

Pag-wala sa babae, meron sa lalake.

Sa buhay ko, malaya ang lalake, pero sa babae, dapat may sinusundan.

Kaya sabi ko sa sarili ko, sana lalake nalang ako.

-------------

A/n:

Sorry for all the grammatical errors and wrong spellings! :)) Wala kasi akong magawa kaya ayun tuloy. :) Thank you for reading this one shot tungkol sa laman ng isip ko tungkol sa pagkakaiba ng mga lalake at babae. xD Comment and vote!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana Lalake Nalang Ako (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon