VI. One year sacrifice

177 1 0
                                    

VI. 1 year sacrifice.

(Tryves’ POV)

After naming sa sinehan. Gusto kong maglaro. XD haha.

“Bhe Chi! Timezone tayo? hihi. :”>”

“Osige. :(“

“Oh? Bakit ganyan mukha ng bhe chi ko? hmmm?”

“Wala, tara na.”

Wala sya sa mood. :( Anong nagawa ko dito? :(

Hanggang sa timezone di nya ako kinibo. Tanong ako ng tanong kung anong lalaruin namin. Pero wala eh. Ano bang nangyayari dito.

Pumasok ako dun sa isang game. Yung babarilin yung mga dinosaur. Eh dalawahan pala yun. Di pa rin nakakibo si Chi..

Naglaro lang ako. “Gusto mong maglaro?”

“Ayaw ko.”

“Ayt. Sige na bhe chiiii. Pleeeaseee?” kinuha ko yung isang baril at pinahawak sa kanya.

Naglaro naman, pero parang wala sa mood. Pero nung nagtagal din naman, ayun. Bumalik na sa dati mood nya. :”> hihi.

“Sabi na eh, eto lang makakapagbalik sayo ng mood mo eh. :””>”

“Cheee! Maglaro ka na nga lang. XD HAHAHAHAHA! :””> Nageenjoy pa ako eh. :P”

“Suuuus. :”””> Oonapo. XD”

Tapos ayun na, naglaro lang kami. XD Nung napagod na kami, syempre gutom kami. Soimai nalang daw sabi ni Chi. Edi nagpunta kami sa Master Soimai.

Grabe tong babaeng to, napakatipid talaga. XD Haha. kanina, MCDO lang. Ngayon Siomai naman. HAHAHA.

Nakadalawang order tong babaeng to. HAHAHA. Grabeee. XD

Pagkatapos nun, nagyaya na syang umuwi. Pagod na eh. Eto lang mahirap sa kanya, madaling mapagod.

Edi ayun, sumakay na kami sa sasakyan ko.

Pagka-upo na pagkaupo nya, ayun knockout. hahaha. :”>

Ang kulit kulit talaga ng batang to. :”> Kaya ako mainlove eh. :”>

Pag traffic, tinititigan ko lang sya. :””> ang ganda kasi nya, kahit tulooog. :””>

Nakarating na kami sa bahay nila. Di ko parin sya ginigising. Eh bakit ba? ang sarap nyang titigan eh. :””>

“Bhe chiiii. Uuyyyy. :”>” hinawak hawakan ko cheeks nya.

“hmmm…”

“Nandito na tayo sa bahay nyo…”

“Mamaya na… Inaantok pa ko…” nagsasalita sya habang nakapikit. XD

“Bhe chiii… tara na dali…” tinatayo ko sya. parang nakayakap ako sa kanya.

“Hmmmm…” dumilat sya. Sobrang lapit ng mukha namin. Nakailang points na nga ako dito kanina sa lips, meron na naman? XD HAHA. Jk.

O___O niyakap nya ako bigla..

“Wag mokong iiwan ha? :(“

“Shhh.. Di kita iiwan. Ha? Ngayon pang nagkakaroon na ako ng pag-asa sayo..”

“Thankyou.. Salamat at hiindi ka napapagod sa akin..”

“Kasama yun Chi, eh di mo ba naman sasayangin tong effort ko na to sayo? May pag-asa ba naman ako sayo? Mamaya wala pala, para lang akong ewan dito sa kakasuyo at kakaintay sayo.”

“Ofcourse meron. Onti nalang.. Makukuha mo na ako. Seryoso yan. Ramdam ko naman na totoo ka sa akin eh. Pero kulang pa eh. Yaan mo, dadating din tayo sa oras na yan.”

“Salamat Chi…” and then niyakap ko sya.

“Pero, wag mo talaga ako iiwan ha? Sobrang takot ako maiwan. Kapag ako iniwan ng isang tao, di ko alam kung anong nagagawa ko sa sarili ko. Minsan sasaktan ko, susuntukin ko, kukurutin ko sarili ko. Kasi ang naiisip ko, kaya ako iniiwan ng mga mahal ko kasalanan ko. Kahit na may kasalanan din sila, pero wala eh. Ibang klase ako ng tao Tryves. Kahit na sabihin mong di mo pa ako iniiwan, pero ramdam ko.. Iiiyak ko nalang yun. Iyak na may kasamang panggigigil. Tryves, ayokong magpromise ka.. Kasi lahat ng nagsabi sa akin ng promises, habang tumatagal, nabobroke nila. And it makes me feel stupid. I don’t want to trust on your promises. Instead, I will trust on your works. Ha?” umiiyak na sya nyan. Ayaw kong nakikita syang ganito. Napaka-iyakin kasi nitong babaeng to!

“Oo, Chi. Di kita iiwan.. Di ako magpapromise. Pero gagawin ko, para sayo. Mahal kita eh. Pag mag-aaway tayo, kahit ikaw yung may kasalanan.. Papatawarin agad kita para di mo maramdaman yung takot na pinakaayaw mong maramdaman. Papatawarin agad kita para tapos agad yung away. Chi, para sayo gagawin ko lahat.. Wag ka lang mawala sa akin..” hinawakan ko kamay nya at hinalikan ito.

“Salamat Tryves. I’m looking forward sa mga sinabi mo. Sana di moko bibiguin. Lalo na’t ngayon, medyo nagiging komportable na ako sa’yo. Ipagpatuloy mo lang yan.” she smiled. “Onti nalang. Ako na nagsasabi sayo. Onti onti na akong nakaka-move on kay Dylan. Okay na siguro yung isang taon na paghihintay ko sa kanya nu? Isang taon na tiniis ko lahat ng sakit para lang mahintay sya. Isang taon na wala akong kaalam-alam sa nangyayari sa kanya. Isang taon ko hinintay yung pagbabalik nya. Pero sa isang taon na yun, walang nangyari. Pero ang good news is sa isang taon na yun, nandito ka. Sa tabi ko. Pilit akong sinasalo. Pilit akong inaalagaan. Pilit sinusuyo. Na kahit minsan dati, ni hindi ko naappreciate yun kasi.. Gusto kong mag-stick sa promise ko kay Dylan na, FOREVER kami. Yung pagiging LOYAL ko sa kanya gusto kong panatilihin. Pero sobra na siguro yung isang taon para sa paghihintay. It’s now time naman para iappreciate ko lahat ng ginagawa mo para sa akin.” hawak ko pa rin kamay nya. Lalo akong napahigpit sa pagkakahawak kasi, di ko alam.. Ang saya ko na parang ang lungkot..

“Chi, para sa isang lalaki, sobra sobra na yun. 1 buwan nga lang na paghihintay mo sa kanya, sobra na yun eh. Isang taon pa kaya. Chi, para sa isang lalaking isang malaking effort na yun. Kung ako yun, pagsisisihan ko na iniwan kita kasi pinaghintay ba naman kita ng isang taon tapos wala namang nangyari. Basta ako, hindi kita iiwan. Hinding-hindi. Kasi mahal na mahal kita. Ha? Maraming salamat at ibinibigay mo na sa akin yung trust mo.”

“Siguro nga Tryves. Isang taon akong naghintay sa wala. Nasayang ko yung isang taon ko na dapat puno ng saya ang buhay ko. Nakakainis naman kasi ‘tong pag-ibig na ‘to eh. Parang ewan. Hay. Pero ang mahalaga ngayon, bubuksan ko yung panibagong pintuan sa buhay ko. And sana hindi na ako nagkamali sa desisyon ko..”

“Chi, mahal na mahal kita… Di ko hahayaang masaktan ka ulet.. Ha? Mahal na mahal na mahal na mahal kita…” niyakap ko sya.. Salamat naman at natanggap na nya lahat.. Now, it’s my time to prove na mahal na mahal ko talaga sya.

--

Pasensya na, ngayon lang nakapag-UD. Nawalan kami ng internet eh. Hehe. :"> Here comes the UD na po. :">

Wag mo 'kong SUSUKUAN ah?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon