My Gummy Prince Prologue

3.2K 28 6
                                    

My Gummy Prince

bygail

Prologue

"Push!! Push!!!" Sigaw ng doktora .

"WAAAAAAHHHHH!! AAAAAHHHH!! UHHHHHH!!" Lahat na ng klase ng ire ay ginawa ko na. Kulang na lang ay sumabog na ang apat na sulok ng kwartong ito sa nakakarindi kong boses.

"Sige po! Kaya niyo yan." Sabi nung doktora.

"Wait lang ah, pahingahin mo muna ako. Huh~huh~Waaaaaaaahhh!!! AHHHHHHHHHHH!!!!! UHHHHHHHH!" binigay ko na ang lahat lahat maski ata ang kaluluwa ko ay nasama na sa pag-ire ko. Gumaan ang pakiramdam ko pero parang nilamon ng kumunoy ang enerhiya ko.

"Awoooo! Wooooo! Aahhhhhhhhh! Putanginahamnida! Ansakit sakit na! Lumabas ka na anak! Makisama ka naman! Aaaahhhhhhhhhh! Humanda talaga sakin nyang tatay mo! Aahhhhhhhhhh! Eeehh! Ahhhhhhhh!" pakiramdam ko natatae ako na ewan, parang tubol na antagal kong inimbak sa tiyan ko.

"Malapit na po Misis, konting push pa lalabas na si baby" sabi ni doktora

"Aahhhhhhhhhhhhhh" sigaw ko na tila nabibingi na ang mga kasama ko sa kwarto. At bigla na lang napababa ang ulo ko sa unan

"UWaaaah! Uwaaaah! Ungaaaaa!" Iyak nung batang iniluwal ko.

"Ma'am congratulations po! Baby girl po ang anak

niyo. Ano po ang ipapangalan natin sa kanya?" Tanong nung doktora.

"Wow misis! Ang ganda ganda ng anak niyo!" sabi ng nurse habang pumapalakpak

"Huh?!" Wala pa ako sa ulirat kasi naghahabol pa ako ng hininga para makaisip ng matinong pangalan. "Ahh. Ano... Teka " napaisip ako kung ano ipapangalan

"Sige misis, take your time. Pwede naman po mamaya, lilinisan muna namin si baby"

"Kristina, oo tama Kristina" sagot ko kay doktora habang hila hila ko ang laylayan ng lab gown niya

"Bagay! Kasing ganda ng pangalan nya ang muka nya! Napakagandang bata" sabat na naman ng madaldal na nurse

"E last name po." tanong nung nurse at nakatitig lang silang dalawa nung doktora ng biglang,

.

.

.

.

"WU!" nagulantang ang mga tao sa pagpasok ng lalaking hingal na hingal na tila pagod na pagod na akala mo ay nanganak din.

My Gummy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon