MGP 3 - Gilagid Smile

417 16 14
                                    

Erika's POV

"Erikaaa, ang aga mo naman ata aalis?" - Mama

"Eh mama maaga kasi pasok ko ngayon saka nakwento ko na po diba? Na sa iba na po ako nagtatrabaho? Kailangan before 7:30 nandun na ko." sagot ko habang nagsusuklay ng oh so shining hair ko. LOL!

"Oo nga, nakakalungkot nga yung nangyari kay Carrie. Nalugi" Mama sabay punas sa mata akala mo ay umiiyak. HAHA

"Maka-Carrie ka naman parang close kayo. Makaiyak naman parang totoo. Hahahaha"

"hahahaha! Oo nga no? Ah basta, masaya ako at nakahanap ka agad ng trabaho" - mama sabay kain ng cadburry chocolate na hugis itlog, yung iba't iba ang kulay. hahaha

"oh sige na mama, aalis na ko baka malate pa. Masungit pa naman yung boss ko" sabi ko habang tinutungo ang pinto palabas

"Teka anak, pumunta pala si Amiel dito kahapon" Banggit ni mama na ikinabwisit ko

"Ahh, sige tetext ko na lang po mamaya. Bye ma!" Bakit kaya yun pumunta? Himala, after 2months paparamdam ulit? Parang gago lang!

"Sige, ingat" sabay halik ko sa pisngi ni mama

-----------------------------------------------------------------------------------

Sa office

Brrrrr, brrrrr

Biglang nagvibrate cp ko. Unregistered number

"Ms. Secretary, please clean my room and be sure to prepare the list of my schedules today"-si Mr. Wu to, halata naman kahit hindi siya nagpapakilala

At ano pa nga ba? Edi sinunod, binigay na naman nya ung duplicate ng room nya saka nandun na

din sa binigay niyang Samsung galaxy note 10.1 yung list of schedules na naiwan ng dati niyang secretary. Ang kailangan ko lang ay ihanda ito. Tama, binigay niya yun sakin, ayaw niya daw ng pasulat saka moderno na daw ang panahon ngayon. HAHAHA Napakaarte nya!

"Okay sir" -reply ko

After 1 hour, napaaga kasi ung pasok ko. Saktong 7:30 dumating na si Mr. Wu. Hahaha

"Good morning sir" - ako with matching bow pa.

At siya, ayun poker face, ini-snob ang beauty ko. Walanghiya!

"What are my schedules today?" sabay upo sa swivel chair niya na kulay itim

"Uhmm, This morning po sir ay may meeting po kayo kay Mr. Tan, after that may Lunch meeting po kayo kay Mr. Ong and may mga pipirmahan po kayo, nandyan po sa table niyo" - wooot, ganto

pala maging secretary. Sinabi ko yan habang binabasa sa note kahit kabisado ko na naman, ayoko tumingin sakanya, nakakakaba kaya!

"That's all?"

"That's all sir, do you need anything? Drinks? Coffee, juice, or water?

"Tea" ano ba yan, wala man lang sa mga nabanggit ko. Kainiss!

"Okay sir"

--------------------------------------------------------------------------

A/N: Isipin niyo etong scene na sa baba ay mala-Maynila sa GMA 7 yung may background music. Ayun, gets niyo ba? HAHAHA

Play niyo music: Lucky - EXO

Enjoy! :)

Pagpasok sa restaurant na ka-lunch meeting ni Sir Wu, dumiretso na kami sa table kung san nakaupo si Mr. Ong. Actually kakatapos lang ng meeting niya kay Mr. Tan, saglit lang ito at sabi ni Mr. Wu ay mas importante ang agenda nila ni Mr. Ong kaya hindi dapat paghintayin o ipawalang bahala.

My Gummy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon