Ballpen(one shot)
A/N: First one shot ko to. kaya sorry kung panget. hahaha :)
-----
"Ang gwapo niya talaga." Nasabi ko na lang bigla habang nakatitig sa kanya mula sa malayo at pinapaikot ang ballpen ko sa pagitan ng mga daliri ko.
"Ui girl! Lusaw na si Fafa Shaune. Stop looking at him na. He's so poorito if you tuloy tuloy doing that." Sabi ng bakla kong bestfriend.
"Ehhhh. Hayaan mo na. Sa malayo ko lang naman siya matititigan eh. Atsaka alam mo naman Paul, ito ang happiness ko." Sabi ko sabay pout. Andito kami sa canteen at kasalukuyan naguusap. Habang nakatitig ako kay Shaune. ^_^v
"Hoy gurlalu. Paula is my name! Paula! Not Paul!" Imbyernang sagot niya. Haha.
"Oo na. Paul...a"
"Hmmmp. Tara na nga, let's eat na. I'm so hungry."
*
"Waaaahhhh!" Pigil kong tili. Napansin naman ako ni Paul...a kung kaya't tinanong niya ako.
"Problema mo girl?"
"Nawawala yung ballpen ko!" Problemado kong sagot.
"Aiissh. OA mo teh. Parang ballpen lang. Oh ito muna gamitin mo." Sabay abot niya sa akin ng mumurahin. niyang ballpen.
"Anong ballpen lang?! Bukod sa bago yun, G-tec pa. At bukod sa G-tec yun eh andun yung pangalan namin ni Shaune! May nakalagay pa dung colored paper tapos may nakasulat pang Rachelle Flores <3 Shaune Montereal! Awtsu! Nakakahiya sa nakapulot nun!"
"Omyyyy! Sayang ang datung mo dun! Swerte naman ng nakapulot." Sabi niya ng nakasalumbaba with look-up effect at nakapout! Eww, kadire yung mukha niya. Hahaha >:)
"Will you stop doing that? Nakakadagdag sa problema ko yang mukha mo eh." Iritadong sabi ko.
"Ugghhh. So meeeaaaan." Hahaha. Ansarap talaga asarin nitong baklang to. XD
*
Uwian na pero depressed parin ako sa kadahilanang nawala ang ballpen ko. :3
Habang naglalakad kami pauwi ni bakla sa labas ng classroom namin eh may tumawag sa akin.
"Rachelle!" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin at sumalubong sa akin ang nakangiting Shaune. O my gee! Kilala niya ako?! Senior kasi siya at Junior pa lang ako so hindi ko akalain na kilala niya din pala ako.
Tiningnan ko lang siya habang itong kasama ko ay sinisiko siko ang tagiliran ko. Naku! Kung wala lang dito sa harap ko si Shaune hindi uubra sakin tong baklang to. Gagawin ko talaga tong straight!
"If I'm not mistaken, you're Rachelle Flores right?"
"Ako nga. Bakit?" Walang utal kong sagot. Pero sa loob loob ko, kinakabahan talaga ako.
May kinuha siya sa bulsa ng bag niyang Jansport at inabot sa akin ang
.
.
.
.
.
.
.
Ballpen ko! Wahhh. Ansaya saya! I found my ballpen!
"Is this yours?" Tanong niya.
"A-ahh eh, oo akin nga yan." Tapos kinuha ko yung ballpen ko mula sa kanya.
"Ahhmm girl, kailangan ko na palang gumora! Sabi pala sa akin ng motherhood ko eh linisin ko daw yung pool namin at i-floorwax ko daw. So gora na ako ha. Bye!" Biglang singit ni baklita.
"O-oi Paula wa-" Walangyang baklush yun! Iniwan ako! Hindi man lang hinintay ang pahintulot ko. Loka ba! Bukod sa hindi naman pinofloorwax ang swimming pool, wala naman dito sa Pinas ang nanay niya. At higit sa lahat, wala din naman silang swimming pool! Bruha diba? Napaka ambisyosa! HAHA
"A-ahh. T-thank you nga pala." Sabay talikod ko sa kanya at uuwi na sana nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. O.o
"Rachelle." Mahinang tawag niya sa pangalan ko.
"O-oh?" Sagot ko habang nakatalikod sa kanya.
"Totoo ba yung nakasulat sa ballpen mo? You love me?" Nang marinig ko yan, parang gusto ko ng kainin na lang ako ng lupa. Huhu. Lord, bakit ba kasi nakita niya pa yung nakasulat dun?! At sa dinami dami naman ng tao sa mundong ibabaw, bakit siya pa ang nakapulot ng ballpen ko?! Wahhh, di ko alam ang isasagot ko!
Bilang sagot ko, tumango na lang ako kahit na nakatalikod ako sa kanya. Ihhh. Nakakahiyaaaaa!
"Vice versa." Dahil sa sinabi niyang yun eh napaharap ako sa kanya.
"H-huh?"
"Shaune Montereal loves Rachelle Flores."
"..." huh?!
"Oo, mahal nga kita, mahal din kita. Hindi ko alam kung paanong nangyari, pero bawat araw na nakikita kita feeling ko buong buo ang araw ko. Lalo na pag nakikita kitang nakangiti. Kapag naman hindi kita nakikita eh parang may kulang sa parte ng katawan ko. Hindi ko na alam kung nasaan ang puso ko. Siguro nagsimula tong nararamdaman ko sayo ng dahil sa pamatay mong ngiti na pinakawalan mo para sa akin. Natuwa ako nang makita ko ang nakasulat sa ballpen mo, dahil pareho lang pala ang tinitibok ng puso natin." Emeghed he's confessing! I'm so kinikilig! <3
"Totoo ba yan?" Tanong ko habang nagpipigil ng ngiti.
"Oo naman. Hindi ako mag aaksaya ng oras sabihin ang mahabang speech na to sa'yo kung nag jojoke lang ako." Seryosong sagot niya.
"At dahil alam ko ng pareho tayo ng nararamdman,hindi ko na sasayangin ang opportunity na to kaya...
Pwede ba kitang ligawan?" Dagdag pa niya.
"I'll be glad if you do so." Abot tengang ngiti ang pinakawalan ko pagkatapos ng sinabi kong yan.
Hindi ko akalain na posible pa lang aminin sa akin ng mahal ko na mahal niya din ako. At ang pag amin niya pa sa akin ay ng dahil sa napulot at nabasa niya ang nakasulat sa ballpen ko. Nakakatawa talaga ang tadhana. Kung alam ko lang na ang pagkawala ng ballpen ko ang magiging dahilan ng pag amin sa akin ng mahal ko, edi sana matagal ko ng winala ang ballpen ko. HAHAHA. Joke!
This is not the ending of our story, rather, this is just the beginning of our LOVE STORY. :)
A very special thanks to my ballpen :)))
-----
A/N: thanks for reading this nonsense story. wahaha. ^_^v