ikaw at ako

628 8 0
                                    

Hindi ko naman hiniling
Pero kusa kang dumating
Wala sa plano
Pero nagkataong andyan ka
Masaya, sobrang saya
Yung tipong lumilipad ako sa alapaap
Ang bawat minuto ng buhay ko ay nakangiti
Sa bawat sandaling kasama ka
Sa bawat ngiti at sulyap na puno ng pagmamahal
Ang puso ko at ang puso mo
Nagkakaroon ng sayang di maipaliwanag
Pero....
Bakit biglang nagbago?
Bakit biglang nawala?
Asan na ang dating ikaw?
Ako pa rin ba?
Buong akala ko wala ng katapusan
Ang lungkot bigla na lang nadama
Naririnig mo pa ba ang pintig ng puso ko?
Nadarama mo paba ang ligaya
Na noon sa ating dalawa ay walang patid?
Alam ko mahal kita,
At minahal mo ako
Pero sapat paba ang salitang mahal kita
Kung sa bawat bigkas ko nito ay lumalayo ka?
Sapat pa ba ang pagmamahal na ito
Para ikaw ay hindi maglaho?
Ikaw at ako...tayo
Meron pa ba?
Bakit kailangang pagtagpuin pa ang mga landas
Kung sa bandang huli ay hindi rin naman magiging TAYO?
Nasaan ka nga ba ngayon?
Naiisip mo pa kaya?
Nakaparaming katanungan sa isip ko
Ang puso kong tinangay mo...
Hindi alam kung maibabalik pa sa dati
Mahal kita ..sana mahal ko marinig mo
Mahal ko ,sana andito ka na lang
Tadhana ...tadhana ba talaga?

Pinagtagpo Ngunit Hindi ItinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon