Babysitter
Hello po . Etong pong story na ito ay naikwento lang sa akin . Ang story na ito ay walang ending , kumbaga it’s depends on your conclusion kung ano ang magiging ending ng story na ito, kung mamatay ba o may makakaligtas . nasa sa inyo na po kung ano ang ending nito.
-MissBlueFavorite
|=|=|=|=|=|=|=|=|=|=|=|=|=|=|=|=|=|=|=|=|=|=|=|
Dianne’s POV
Wow ang laki naman ng bahay na ito. Nga pala ako si Dianne Sablon. Ako ay nagbabysit ng mga bata alangan naming matanda kaya nga baby hindi old -_- Anyway, nandito na ako sa tapat ng bahay ng ibababysit ko, pero men, ang laki ng bahay. Makapasok na nga lang total sabi sakin nila Mrs. Garcia(mother ng ibababysit ko) na pumasok na lang daw ako pag nasa tapat na ako ng bahay nila.
~Sa Loob ng bahay ng mga Garcia~
"Good Morning po Mrs. Garcia!" bati ko kay Mrs. Garcia.
"Good morning din Dianne." bati sa kin ni Mrs. Garcia. "Nga pala yung mga bata nandun sa sala, naglalaro puntahan mo nalang sila" sabi pa ni Mrs. Garcia.
"Oh cige po."
"Sandali" pigil sa akin ni Mrs. Garcia. "Bago mo sila puntahan at bago kami umalis ng asawa ko, may sasabihin ako sayong mga patakaran." sabi sa akin ni Mrs. Garcia.
"Ano po iyon?"
"Lagi mo itong tatandaan pag 8:30 dapat nasa loob na ng bahay ang mga bata at natutulog na. Siguraduhin mo na kumpleto ang tatlong bata tapos isara mo ang lahat ng bintana, maging ang mga pinto ay isara at i-lock mo ng maigi. Tandaan mo wala ng maiiwan na bukas na pinto.Naiintindihan mo ba ako?"
Kahit nagtataka ako kung bakit ganun ka seryoso si Mrs. Garcia ay sumagot parin ako. "Opo naiintindihan ko po."
"Oh siya hija alagaan mong maigi ang mga bata ha, aalis na ako dahil baka malate ako sa meeting at naghihintay ang asawa ko sa kotse."
"Sige po ingat po kayo." sabi ko at umalis na si Mrs. Garcia saka pumasok na ng bahay nila.
Naging maayos naman ang bata sa pakikitungo sa akin. Sa totoo lang ang cucute nga ng tatlong bata eh. Tuwing 9:00 umuuwi ang magasawang Garcia galing sa mga meeting at trabaho. Sinusunod ko naman ang mga patakaran na sinabe sakin ni Mrs. Garcia. Actually eto na yung huling araw ko sa pagbababysit. 8:00 na kaya pinapasok ko na yung mga bata sa bahay at pinatulog. Pero pagtuwing 7:00 pag dumadaan ako dun sa may mga lagayan ng panlinis nila ng bahay tulad ng mga walis, dust pan at kung anu-ano pa, may nadadaanan akong istatwa doon na parang clown pagtinitingnan ko yun parang may iba akong nararamdaman dito pero hinahayaan ko nalang yun. Napatulog ko na ang mga bata at nasara ko na ang mga pintuan at bintana. Magna9:00 na pero wala parin ang mag asawa kaya hinintay niya ito. Magti10:00 na pero wala parin ang magasawa kaya npagpasyahan niyang tawagan na ito. Pumunta siya sa telepono at tinawagan si Mrs. Garcia.
"Hello?" sabi ni Mrs. Garcia sa kabilang linya.
"Ahhm Mrs. Garcia magte10:00 na po. Anong oras po ba kayo uuwi?" mahinhin at magalang niyang tanong.
"Dianne medyo malelate kami ng uwi paki bantay muna ng bahay ng mga bata ha?"
"Oh cge po pero sa isang kondisyon."
"Sige ano iyon hija?" tanong sakanya ni Mrs. Garcia.
"Pwede ko po bang takpan yung istatwang parang clown kasi po pag tuwing tumitingin ako dun parang may kakaiba po."
Biglang tumahimik ang nasa kabilang linya.
"Oh sige. Pero buksan mo lahat na pintuan diyan, gisingin mo ang mga bata at lumabas na kayo ng bahay." sabi ni Mrs. Garcia sa seryosong tono.
Labis itong ipinagtaka ni Dianne.
"Po? Bakita naman po? tanong niya rito.
"Dahil wala kaming istatwang clown" sabi ni Mrs. Garcia.
~~~~~~~~~~~~~
So whats your conclusion guys ??? Tingin niyo ano ang nangyari sa mga bata ???? at sino o ano ang istatwang clown na iyon ???