DANIEL
10 years.
It has been 10 years since namatay si Kathryn. Iniwan niya akong mag-isa sa mundo. The worst thing is that namatay pa siya bago kami magpakasal.
Siguro kung hindi ako nag-artista, hindi 'to mangyayari sa kanya. Siguro buhay pa siya ngayon. Pero hindi niya naman ako makikilala.
Pero kung may chances at destiny, mame-meet ko talaga siya kahit anong mangyari.
Pinabayaan ko kasi siyang mag-isa sa sasakyan.
Flashback
"Kath, punta lang ako sa loob ng store, bibili lang ako ng sandwich." Sabi ko sa kanya at sinuot ang shades ko. Ayaw kong pagkaguluhan ngayon.
"Ok. Ingat ka ah! Ayaw kong mawalan ng fiancee ko." Sabi niya at kiniss ang lips ko. Smack lang naman.
"Ap! Ap! Bukas asawa mo na ako." Sabi ko sa kanya at iniwan siya at pumasok sa convenience store.
Pagkapasok ko, nakakita ako ng dyaryo.
"Ang dating loveteam sa 'Growing Up', 'Princess and I', 'Got To Believe' and more shows of them ay magpapakasal na BUKAS! Jump to Page 26 for more information."
Pati ang kasal namin, sensationalized na sensationalized.
Bumili na ako ng dalawang siopao at dalawang Mogu Mogu. Babayaran ko na ng nakarinig ako ng barilan sa labas. Huh?
"Si Kath!"Sabi ko at tumakbo ako papalabas.
"Sir! Sir! Yung mga items! Hindi niyo pa nababayaran!" Sabi nung nasa cashier counter.
"Ay sorry!"Binigay ko sa kanya lahat ng kinuha kong pagkain at lumabas sa parking.
And I was too late.
And I'm also correct.
Si Kath nga yung nabaril.
Pinuntahan ko siya at nasa left side ng chest niya yung nabaril.
"No Kath! Diba kaya mong mabuhay para sakin! Kaya mo yan! Kung si Joaquin nga nakaya na mabuhay nang may bala sa ulo, ikaw pa kaya? Kath! Mahal mo ako diba! Kung mahal mo ako, gumising ka!" Sabi ko. Paulit-ulit ko yang sinasabi pero walang nangyayari.
Tinignan ko ang mga dugo sa kotse. The remains of Kathryn Bernardo soon to be Padilla.
Pero paano na siya magiging Padilla kung wala na siya mismo?
Tumawag na lang ako sa ospital at dinala si Kath.
At dead on arrival na daw siya.
Dun ko na binitawan ang mga salitang, "Goodbye Kathryn".
---
Hanggang ngayon ako, ang sarili ko, ang sinisisi ko.
"Kuya DJ, halika na! Bisitahin na natin si Ate Kath." Sabi ni Carmella.
"Ha? Ah sige. Una na kayo. Susunod na ako." Sabi ko sa kanya at nag-nod lang siya.
Dinala ko yung mga candles na color Yellow at Yellow flowers.
Favorite niya kasi ang color Yellow.