Ang sarap sa pakiramdam ung pag gising mo mapapangiti ka kasi ang ganda ng panaginip mo?
Yun bang hindi ka mapakali na ikwento 'to sa iba o sana wag kana lang magising para hindi masira ang maganda mong panaginipPano kung nakaya mong kontrolin ang sarili mong panaginip. Hindi ba't mas masaya yon?
Kumbaga kung sa totoong buhay, nasa sa'iyong kamay nakasalalay kung anong klase ng buhay ka magkakaro'n
Syempre ung mga pangarap mong tao o bagay na alam mong imposible mo namang makuha, kahit sa panaginip nalang matupad o mangyari eh magiging masaya kana diba?
Parang yung sinasabi nila na "Makita ko lang si crush buo na araw ko" ganyan na ganyan ung feeling pag napanaginipan mo ung isang bagay na matagal mo ng gustong mapasayo.
Ipagpapatuloy mo pa kayang kontrolin ang iyong panaginip, para kahit papaano ay (lang) may makamit kang pangarap mo, kahit na alam mong hindi naman ito tunay, at para lang kahit papaano'y lumigaya ka.
Kaya mo bang isakripisyo ang mahal mo sa buhay para lang sa iyong pansariling kaligayahan?
O
Gagawin mo parin kaya 'to kahit makulong ka sa sarili mong bangungot