Önce upon a time..(Chapter 5)

47 1 0
                                    

"Clifford.."

"Hinding-hindi kita papaiyakin. Sisiguraduhin ko na magiging masaya tayo palagi. I love you Cornelia."

"Pero Clifford... Ambilis eh. I mean ambilis ng pangyayari ayoko naman yung madaliin natin 'to."

"Sige Cornelia.. Kung yan ang gusto mo. Maghihintay ako."

"Thank you Clifford!"sabay niyakap ko siya.

------

"Cornelia! uy tulala ka nanaman. Anong problema huh?"

"Wala 'to Macy."

"Weh? kitang kita sa mga mata mo may problema ka. Tsaka nung isang araw ka pa ganyan ah. paiyak ka na nga oh."

"Uy grabe ka naman.. eh kasi di ko akalain na sinabi ko yun kay Clifford. mahal ko naman siya.."

"Tama lang ang desisyon mo te. para makita mo kung talagang mahal ka niya hihintayin ka niya hanggang kelan pa yon."

"Aiisshh! Bahala na! >__< sige Macy magpapahangin lang ako sa garden."

"CORNELIAAA!! *BLAAAGGG*"

"Oops sorry Halley. Nabasag ko pa yung plato mo.. uhmm.. bayaran ko nalang bukas. sorry talaga."

"Hindi okay lang. Wag mo na bayaran. buti mura lang 'tong plato binili ko. haha."

"Sorry talaga huhuhu! labyu Halley!"niyakap ko siya at ganun din ginawa niya.

Shocks! bakit ako kinakabahan? Wew! siguro masyado lang ako oa sa plato.. pero iba eh. hayy...

"Cornelia!!"

Tumakbo siya papalapit sakin..

"Bakit?"

"Diba nanliligaw sa'yo si Clifford?"

"Uhmm.. paano mo nalaman?"

"Kitang kita kaya mga damoves niya sa'yo nung nakaraang araw."

"Hehehe. wala eh."

"Anyway, bad news sasabihin ko sayo.."

"Oh ano ba yon?"

"Ipangako mo muna sakin na hindi ka magagalit at sugurin kung--"

"OO NA DALI SABIHIN MO NA SAKIN!"

"Sabing wag magalit eh!"

"Ow sorry.. nadala lang ako."

"Halika sa garden.."

"Huh?"

"Basta! tara na."sabay hinila niya ako papuntang garden... hmmm.. Parang ansama ng pakiramdam ko. >_<

Kung ano man yun just relax Cornelia.. whoo... ~__~

"Uy! Bat tayo nandito sa likod ng puno?"

"Shhh! wag ka maingay. Kita mo sila Clifford?"

"WHAA--Mmmm.."

"Sabi ko wag kang sisigaw. ayan oh! si Clifford at Kristen ang sweet sweet..tsk tsk! walang kwentang manliligaw! dapat sa kanya, itapon sa ilog pasig!"

"Sabi mo wag maingay? hayysstt!" umalis na ako sa likod ng puno at tumakbo palabas ng garden. wala akong pakialam kung makita niya ako basta gusto ko makapagisa.

Kainis. Dami niya pang sinasabi kahapon.. i love you hinding hindi kita papaiyakin. tae! napakasinungaling pala. >:(

"Cornelia saan ka pupunta?!"

"Cornelia!" sabi ni Clifford..

Please! wag ngayon! :"( grabe! bakit ba ganyan ang mga lalaki. hindi sila nakuntento! aaahhhh!! ang sarap magmura pero di ko magawa. Pero AAHHHH!! Ang sakit lang!! T.T

Nagpunta ako sa isang maliit na kubo malapit sa school namin. Dito ako laging tumatambay pag malungkot ako..

Akala ko mahal niya ko. Mali pala.. Umaasa ako sa wala. T.T

Sa tuwing naiisip ko siya napapangiti ako pero ngayon nagiba.. napapaiyak ako.

"AAHHHH!!! I HATE YOUUUUU! SANA HINDI NALANG KITA NAKILALA! ANG SAKIT SAKIT ALAM MO BA YON? UMASA AKO ALAM MO BA YON? GAGANTUHIN MO LANG PALA AKO!"

Waaahhh! T____T

"Miss..eto oh."tumingin ako sa panyo niya at inabot ko yun.

"Pasensya ka na. Naiyangan ka ba-- Brandon?"

"Sabi ko na nga ba eh. alam kong gagaguhin ka lang nung Clifford." Umupo siya sa tabi ko. kinuha niya yung panyo niya na binigay sakin kanina.

"Brandon akala ko tapat siya. Malaki pa naman tiwala ko sa kanya tas.. AHHH! Ayoko na siya pag-usapan. wala siyang kwenta!"

"Wag kang mag-alala Cornelia nandito ako palagi sayo." nginitian niya ako. ngumiti din ako sa kanya.

"Ohh wag ka na umiyak ha. sa susunod wala nang magpapaiyak sayo. ako bahala sayo. Poprotektahan kita. Wala nang makakalapit pa sayo."

"Hinding hindi kita papabayaan pa muli Cornelia."

"Brandon... bakit mo 'to ginagawa sakin? tsaka--"

"Kasi mahal kita."

O__O

"Nandito lang ako palagi Cornelia."

"T-thank you Brandon. :)"

Buti nandito si Brandon para icomfort ako. Kaso di ko akalain na......mahal ako? Woah! Ganda ko ba? sorry naman. hahaha. Charot! :D

~Clifford's POV~

Nakita ko si Cornelia palabas ng garden. tinawag ko siya pero hindi siya lumilingon..

"Cornelia!"

Sinundan ko siya at dun siya pumunta sa isang kubo.

Nakita ko siyang umiiyak..

Hindi kaya nakita niya kami ni Kristen?

"AAHHHH!!! I HATE YOUUUUU! SANA HINDI NALANG KITA NAKILALA! ANG SAKIT SAKIT ALAM MO BA YON? UMASA AKO ALAM MO BA YON? GAGANTUHIN MO LANG PALA AKO!"

Nakita nga niya kami.. pero kababata ko si Kristen. Siya lagi kong kalaro dati nung bata pa kami.

Hinding-hindi ko naman yun gagawin kay Cornelia na pagtaksilan siya. MAHAL KO SI CORNELIA. ayan! All caps para mas maintindihan niyo. Putek! anong ginagawa nung Brandon dun?

Susugod na sana ako sa kubo pero may pumigil sakin..

"Hayaan mo lang sila. magtago nalang tayo dito at makinig.." Kristen.

"Bakit ka nandi--"

"Sinundan kita. alam kong mahal mo si Cornelia. may oras para magsabi ng totoo. pero wag muna ngayon. alam ko kung gaano kasakit nararamdaman niya.."

Sinunod ko lang si Kristen. naranasan niya din na iwanan siya ng taong mahal niya.. iniwan siya hindi dahil umalis siya para mangibang bansa o dahil lang sa isang babae kundi sumakabilang buhay na.. nakakalungkot man pero tanggap na niya.

"Tara.."

"Saan tayo? akala ko ba makikinig tayo?"

"Basta. Sumunod ka nalang."

--------------------------------

Vote vote vote! sorry bitin. Pero eto ayos na!!

I need 10 likes para mapost na next chapter. Ayos lang ba??? ;)

Kristen's special chapter up next! :)

❤️=aeslehC=❤️

Önce upon a time..(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon