one

47 1 1
                                    


May dalawang pares ng mag-asawa na nag-uusap sa recieving area ng isang magarbong mansyon.

"So, what's your plan Gale?" Tanong ng isang babae, siya si Reinne Ky Vendriguez.

"Hindi ko alam. If they find out about this, hell knows what would happen." Sabi naman ni Drianne Gale Ravendelle, best friend ni Reinne.

"Are there really no---"

*PYEEEWG*

*BANG*

Nagulat ang lahat sa kanilang narinig at agad na nagsingtayuam at mabilis na naglakad para sundan kung san galing ang putok na iyon.

"Fuck. Please tell me it's not---" sabi nung isang lalake, Daemon Zachary Ravendrelle, ang asawa ni Drianne.

"It couldn't possibly be. Wala pang nakakaalam." Sabi naman ni Drianne.

"Yan ang alam natin."

Nagkatinginan nalang silang dalawa, both knowing that both of them has a point. Nang makarating na sila sa pinanggagalingan ng putok, halos di kapanipaniwala ang eksenang kanilang nakita. Isang babaeng may edad na ang nakahandusay sa sahig na tila ba parang naliligo sa kanyang sariling dugo sa lakas at daming dugong umaagos galing sa katawan niya. Nalipat naman ang kanilang mga tingin sa dalawang batang nasa pito hanggang walong taon na nakatayo lamang ng ilang metrong layo sa harapan ng kanilang babaeng katulong. Ang isa rito'y babae, ang isa nama'y lalake. Halos wala ka nang makikitang bahid ng expression sa kanilang mga mukha, isama mo narin sa imahinasyon mo na may hawak na baril ang batang babae, dahil meron naman talaga.

"Aaahh, now I get it. This thing's used to lessen the gun's noise when you blow it off." Sabi nung batang babae habang may hawak na silencer sa isang kamay at baril naman sa kabila, nakatingin siya ngayon sa kamay na nagdadala ng silencer, tila bang pinag-aaralan.

"I told you. Saw dad using one of those one time." Sabi naman nung batang lalakeng tila walang kagana-gana.

"Whatevs." Sabi naman ng batang babae at iniripan ang batang lalakeng kasama. Iniripan naman ito ng lalake pabalik.

"What the hell's going on here?" Sabi ni Drianne, napalingon naman ang mga bata sakanya.

"Isn't it obvious?" Cold na tanong ng batang babae sakanya.

"Where in hell did you get that?" Tanong naman pabalik ni Drianne habang nakatingin sa hawak na baril ng batang babae.

"Like you said, in hell." Pilosopong sagot ng bata.

"Give me that." Sabi ni Drianne at lumapit sa bata.

"Here."

Napahinto ng di oras si Drianne sa kanyang paglapit sa bata ng biglang inabot nito ang baril. Pero imbes na ilahad lang ito, tinutok niya ito kay Drianne habang hinahawakan parin ito ng maayos.

"Dem, tama na yan." Sabi naman Daemon sa batang babae na si Dem. Ang totoo talagang pangalan niya ay, Alexxaneia Demmrine Ravendrelle, anak nina Drianne at Daemon.

"Just kidding." Lamig paring sabi ni Demmrine at nagsmirk, binigay naman niya ang baril sa kanyang ina.

"Damn! Got an idea." Sabi ng isang lalakeng si Krynn Levi Vendriguez, asawa ni Reinne.

"Magpapaparty na ba tayo, Dad?" Bored na tanong ng batang lalakeng si Keifer Lawrence Vendriguez, anak nina Krynn at Reinne

Nagmake-face lang si Krynn sa anak niya, iniripan naman ito ni Krivin.

"Spit it, Krynn." Sabi ni Daemon.

"Pano kung---"

"Mom? What was that noise? What's going on, mommy." Sabi ng isa pang batang babae na papalapit na sana sa pinangyarihan ng marahas na pangyayari ng bigla itong hinarangan ni Reinne.

"Hi, baby. Mommy has a gift for you. I left it at the recieving area, mind coming with me to get it?" Sabi ni Reinne.

"Oh, okay." Sabi nung bata, with all smiles pa. Hinawakan ni Reinne ang kamay nito at naglakad papuntang recieving area.

"I'm just gonna call Butler Chen to clean this mess up." Sabi ni Drianne at umalis na rin.

Nag-usap naman sina Daemon at Krynn ng masinsinan at may kaunting kalayuan sa mga bata.

"Quite an epic sight, ain't it?" Napalingon si Demmrine kay Keifer. Nakatingin ito sa babaeng nakahandusay sa sahig.

Napa-smirk naman saglit si Demmrine. "Sure is."

Ilang saglit lang ang nakalipas, may mga tao nang dumating at sinimulan na ang paglinis. Dumating na rin si Drianne at ang isang lalakeng naka suot-pormal, si Butler Chen. Medyo matagal-tagal narin itong nagsisilbihan dito sa mansyon ng mga Ravendelle.

"Papa." Sulpot ng isang batang lalake sa likuran ni Butler Chen.

"Klyde? I told you to wait, diba?" Pabulong nasabi ni Butler Chen ngunit rinig parin ito.

"Nandito pala sa Klyde?" Tanong ni Drianne nang nakangiti.

"Ah, Oo po, Ma'am. There's a few numbers of conflicts between me and my wife, I hope you wouldn't mind having Klyde around." Sabi ni Butler Chen.

"Oh no, not really. Buti narin yon at may kalaro na sina Dem." Sabi ni Drianne. Automatiko namang napalingon si Klyde sa gawi nila Demmrine at biglaang nanlaki ang mga mata.

"A-ah, p-papa dun n-nalang po ako magh-hihintay sa inyo sa kwarto." Sabi ni Klyde at biglang tumakbo paalis.

Napakunot naman ang noo nina Keifer. "Anong problema nun?" Tanong ni Keifer.

"Nakakita kasi ng bakulaw." Sabi naman ni Demmrine at nagsmirk kay Keifer.

"Aish. Sabi ko naman sayo, wag kang basta-basta nalang lumabas, ayan tuloy may natakot ka na." Sagot naman ni Keifer sakanya at nagsmirk pabalik.

Iniripan lang ito ni Demmrine. Napatawa naman ng mahina si Keifer.

"Dress up, babe. We're about to go somewhere." Sabi ni Daemon sa anak nyang si Demmrine.

"Where?"

Ngumiti lang si Daemon. "You'll see."

"Dad." Sabi ni Keifer sa tatay niya at tiningnan ito ng are-we-going-too-look.

Nagets naman ito ni Krynn. "Yes. So you better wrap yourself up in a formal manner, okay?" Tumango lang si Keifer.

"Where are you going?" Tanong ni Drianne. Hindi siya sinagot ni Daemon, tiningnan lamang ito saglit at umalis na. Tinapik lang ni Krynn si Drianne ang ngumiti ng ngiting puno ng pag-aalala. Ngumiti nalang din si Drianne pabalik.

Di malaman kung ano ang dahilan, napairap na lamang si Demmrine sa inasta ng kanyang mga magulang at hinila na si Keifer at umalis patungo kung saan-saan.

----

Dedicated to: MacchiatoGhurl

Mistaken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon